Chapter 24

456 20 8
                                    

Achlys/Avery POV

Ngayong araw na ito ang pinakahihintay ng lahat, alasais palang ng umaga andito na ako sa front gate para tignan ang mga papasok. Marami na ring mga high profile security officer ang andito para maglibot libot.

Unluckily, kasama ko rito si Achilles, ang student councils ay may kanya kanya silang ginagawa na inatasan ni Hades. Seryoso lang akong nakatingin sa entrance dahil anumang oras dadating na sila.

Ilang minuto ang paghihintay ng makita namin ang mga bus na papasok dito. Pinara ng HPSO ang unang bus para i-check ang loob nito at ang mga tao sa loob kung mga estudyante ba talaga ng school na iyon. Ang unang nakarating ay ang Limestone Academy na may limang bus, sunod ang Crimson College na may apat na bus, ang Harrison High na may dalawang bus lamang, State Academy na may apat din na bus at ang pinaka last na sinasabing laging pumapangalawa sa Whitlock Academy ay ang Devilstone Academy na may anim na bus at sila ang pinakaraming bus.

Pagbaba nila masasabi mo ang karangyaan na meron sila sa buhay. Halata mo rin na mga maaarte at mayayabang ang datingan nila. I observed them the way they talk, looked around the academy and walked like they own the place. Tsk, spoiled bitches and idiots.

"ma'am isasara na natin itong gate mukhang iyon na ang huling bus na pumasok" saad nung pinakaleader ng HPSO kaya tumango ako rito at pumunta sa isang table for medic kung saan andoon ang dalawa kong kuya kasama si Dianne at Elijah. Hindi ko alam kung nag-practice ba itong dalawang ito o hindi.

"hindi ko matiis na tignan ang mga iyan especially ang Devilstone Academy, they are so annoying" sabi ni Dianne habang nakasimangot na pinagmamasdan ang mga estudyanteng pinapila ng kanikanilang appointed advisers.

Tinitignan ko lang ang bawat kilos nila. So far wala naman akong nakikitang masamang kinikilos nila. Makikita mo naman kung paano makipaglandian ang mga babae sa mga lalaki ng ibang school but I feel someone staring at me intently pero hindi ko mahanap kung saan banda kaya sumuko nalang ako.

Pagkatapos ng lahat lahat hinayaan muna nilang magpahinga ang mga estudyante sa west part ng school kung saan may mga dorms doon, mag-uumpisa ang opening mamayang 3pm kaya mahaba-haba rin ang pahinga nila.

Tumayo ako dahil nababagot na akong nakaupo at hindi rin ako maka-relate sa pinag-uusapan nila kaya aalis nalang muna ako.

"where are you going?" saad ni Elijah sa akin kaya tumingin ako rito.

"magpapahangin" pagkasabi ko nun ay umalis na ako at hindi na hinintay ang sasabihin nila. As usual tumitingin na naman sila sa akin, dukutin ko na kaya mga mata ng mga ito kung makatitig parang wala ng bukas eh.

May nakita naman akong mga iilang mga estudyante and base on their uniform na kulay red with matching black, taga Crimson College sila. Halata mong masaya naman sila sa paglilibot , mabuti nalang at nagustuhan nila dahil kung hindi may paglalagyan sila sa akin.

Habang dumadaan ako at nakatingin lang ng diretso ay may taong tumatakbo ng mabilis iilag na sana ako pero natapilok pa siya, I grab her waist para hindi siya mahulog. Ang posisyon namin ay nasa likod niya ako at kaharap ko ang likod niya.

"next time, don't run, you are not the only student here" malamig kong tinig dito na siyang kinatingin niya sa akin ng dahan-dahan. Sa  kanyang suot mukhang taga Devilstone Academy siya, of all school sila pa, tsk.

"so-sorry" sabi niya sa akin at agad ko siyang binitiwan na siyang muntik niyang kinahulog at mabuti nalang na-balanse niya ang kanyang katawan kundi ang mukha niya ang unang hahalik sa sahig. Iniwan ko nalang ito doon kahit alam kong may sasabihin pa siya.

I saw something unnecessary na hindi ko na dapat tinignan pa. I saw Hades hugging Angela while he kissed her forehead, what a great show. Iniwas ko nalang ang tingin ko dahil naiirita ako sa hindi ko malamang dahilan.

Extra Character in a Novel Where stories live. Discover now