Chapter 4

498 24 1
                                    

Achlys/Avery POV

Pagkatapos ang discussion ni sir Aiken agad akong lumabas at hinintay na lamang si Dianne rito sa labas, hindi ko kasi kayang magtagal sa loob kapag kasama ko ang knights.

Sinabi kong iiwasan ko sila pero tadhana nga naman ang naglalapit sa amin. Bat ang tagal namang lumabas ng babaitang iyon.

Nakita ko namang nagsilabasan na ang knights, tumingin muna sila sa pwesto ko bago sila tuluyang naglakad papalayo.

Wait, diba sabi ni sir Aiken na yung babaeng iyon ang dahilan kung bakit lumalabo ang samahan ng legendary knights, meaning si Angela rin kaya ang babaeng dahilan para maging malabo rin ang samahan ng knights? Pero parang malabo eh, meron sa aking nagsasabi na hindi si Angela, ay ewan bakit pati iyon piniproblema ko pa. Wala na akong pake kung siya man iyon o hindi basta ang ang importante buhay pa ako.

“hindi ka pa umalis?” Dianne Said

“ano sa tingin mo?” I said to her with cold voice. Kita na nga niyang andito ako at hinintay siya tapos tatanungin niya ako ng walang kwentang tanong.

“so, you wait for me?” ngumiti naman siya na parang aso. Ang sagwang tignan para siyang asong ulol.

“don't smile like that Dianne” sabi ko dito habang naiiritang nakatingin sa kanya pero si bruha ngumiti pa nang mas malapad.

“ikaw ma'am ah, sabihin mo lang kung gusto mo yung ngiti ko, ngingiti ako always para sayo” timang ba siya, sinong nagsabing gusto ko ang ngiti niya.

“halika ka na nga, gutom lang yan Dianne” nag-pout lang siya bago siya sumunod sa akin, mukha naman siyang pato kapag ginagawa niya ang bagay na iyon.

Those stares again, I hate it. Kung nakakamatay lang mga titig nila siguro kanina pa ako nakabulagta rito. Akala mo naman kasing hinuhubaran ka sa mga titig nila.

“don't mind them Avery” sabi naman ng katabi ko  habang nakangiti pa rin hanggang ngayon. Hindi ba siya nangangawit ngumiti? Para kasing baliw.

Pagkarating namin sa cafeteria, bumungad sa amin ang mga maiingay na estudyante pero naging tahimik na lamang iyon ng nakita nila kaming papasok. I keep my posture and cold stares while my hands is in my pocket. Ramdam ko naman na sumusunod lang sa akin si Dianne kaya no worries ako.

Bat kasama ni Miss Amberlyn si Avery?

Magkaibigan na ba sila? Hindi ba si Angela ang kaibigan ni Miss Amberlyn?

May nangyari ba na hindi natin alam, mukha kasing close silang dalawa eh.

Tumahimik nga kayo, baka marinig kayo ni Avery mukha pa namang kakain ng tao sa mga titig niya

Napailing nalang ako sa mga bulungan nila na rinig ko naman. Hanggang dito pa rin pala may mga marites.

Diretso lang kaming pumunta sa counter at mag-order, hindi pinansin ang mga matang nakatingin at mga bulungan na wala namang silbi. Nakakasira lang ng pandinig ang mga boses nila.

“give me dark chocolate cake, french fries and pineapple juice” ginaya rin ako ni Amberlyn maliban lang sa cake.

Nang makuha na namin ang order namin naghanap na kami ng pag-uupuan, puno na mga ito maliban na lamang sa tabing lamesa ng knights. Tumingin naman sa akin si Dianne at tumango ako. I have no choice but to seat there wala naman ng bakante maliban pa doon.

Sinusundan pa rin kami ng mga matang mapanghusga, hindi ko nalang ito pinansin baka dukutin ko pa ang mga mata nila.

Umupo agad kami at kinain ko na agad ang pagkain ko, can they please stop staring at me, may dumi ba sa mukha ko o sobra silang nagagandahan sa pag-mumukha ko.

Extra Character in a Novel Where stories live. Discover now