Chapter 14

320 17 2
                                    

Hades POV

Andito kami ngayon sa mini house at nakatambay habang naghihintay ng klase. Iniisip ko pa rin hanggang ngayon ang babaeng nakamaskara na nakita namin sa Q Bar. Hindi ako pwedeng magkamali sa taong ito dahil sa tindig at sa lamig ng boses niya that night. Si Avery lang ang alam kong ganun ang boses niya at wala ng iba pa. But the question is, who the hell that guy beside her? Kung makadikit akala mo naman parang mawawala ito anytime.

“baka malunod kami sa lalim ng iniisip mo Hades?” napatingin naman ako kay Apollo habang nakikikain Kay Poseidon.

“tss” iyan nalang ang nasabi ko at pumikit nalang dahil hindi ko masagot ang tanong nilang Wala namang kwenta.

“alam niyo bang iniisip ko pa rin ang babaeng nakamaskara nung isang gabi” rinig kong sabi ni Achilles sa kanila.

“oo nga eh tapos parang ang sarap bugbugin ang kasama niyang lalaki dahil sa sobrang lapit nito sa kanya” sabi naman ni Orion habang naikuyom ang mga kamay nito.

“i agree, hindi ko man kilala yung babae pero parang ang tagal ko na siyang kilala” sabi ulit ni Apollo.

“kami nga rin eh, iba ang pakiramdam namin nung nakita namin siya parang ang gaan ng loob namin sa kanya” sabi naman ni Ashton.

Ako lang ba ang nakakapansin o sadyang mga tanga lang talaga sila. Hindi ba nila talaga siya kilala. Hindi ba talaga nila napansin ang mga kilos at pagsasalita niya sa gabing iyon. Is no other than Avery Nightshade. Kahit ang ilong at ang mapupula na labi niya lang ang kita ko alam kong siya iyon at wala ng iba, idagdag mo pa ang mga mata niya kung makatingin ay napakalamig.

Tumayo ako at umalis doon dahil hindi ko kaya g makinig sa mga sinasabi nilang obvious na nga lang hindi pa nila mahulaan kung sino ito. They are totally idiots, hindi ko nga alam kung bakit naging kaibigan ko ang mga ito.

As always, sigaw dito, sigaw doon. Hindi ba talaga sila titigil kakasigaw. Hindi naman ako artista para sigawan nila, nagmumukha lang silang tanga sa ginagawa nila.

I suddenly stop when I saw her running while Dianne chasing her.

“sh*t umalis ka sa dinadaanan ko unggoy” hindi ko naman siya pinakinggan bagkus ay tumingin lang ako rito ng diretso. Bat ba ang hilig niyang tawagin akong unggoy eh ang gwapo ko naman.

Palapit na sa pwesto ko at hinintay siyang mabunggo sa akin kaya siya napa-upo at tumingin sa akin ng may galit sa mata niya.

“bingi ka ba o sadyang tanga ka lang talaga” galit na sabi nito sa akin at tumayo siya habang nakatingin pa rin siya sa akin ng matalim.

“who told you to run in the middle of the hallway?” tanong ko rito but she rolled her eyes on me.

“pake mo ba kung tumatakbo ako ah” pabalang na sagot nito sa akin, hindi ba niya kayang sumagot ng hindi naiinis sa akin.

“i care, because you disturb every single students walking here” cold kong sabi rito at tinitigan na naman niya ako ng malamig. Those eyes it's really captivating pero hindi ko iyon pinahalata sa kanya.

“okay” yun lang ang sinabi niya sa akin at lalagpasan niya sana ko ng hawakan ko ang kanang kamay niya kaya siya tumigil.

“ano ba, bitiwan mo nga ako” pumipiglas siya sa hawak ko pero hinila ko siya somewhere. Hindi ko nalang pinansin ang mga bulungan ng mga estudyante, ang mahalaga ay nahila ko ang isang ito na hanggang ngayon ay pumipiglas pa rin sa akin.

“bitiwan mo nga ako” binitiwan ko naman siya ng andito na kami sa death garden. Hinimas-himas naman niya ang kamay niya na aking hinawakan kanina.

“ano ba ang problema mo and why did you grab me, close ba tayo” hindi ko alam kung bakit ko siya hinila. Hindi ko rin alam kung anong pumasok sa isipan ko at hinila ko siya.

Extra Character in a Novel Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon