Chapter 22

288 13 1
                                    

Achlys/Avery POV

Habang naglalakad ako, nakatingin sila sa akin tapos bubulong ng kung ano-ano. I'm used to it kaya hindi na bago sa akin ang mga ganito pero parang may mali sa uri pa lang ng tingin nila na may nagawa akong kasalanan na hindi ko naman alam.

Makakasalubong ko ang knights together with Angela na nakakapit kay Hades, bigla namang sumikip ng kunti ang puso ko sa nakita ko pero hindi ko na lamang iyon pinansin dahil palapit na sa gawi ko ang knights at ang tingin nila ay parang kakain na ng tao. Napatingin naman ako sa likod pero wala namang tao bukod sa akin.

Now I know kung bakit ganun ang tingin na pinupukol sa akin ng mga stupid students because of that f*cking girl na nakakapit kay Hades na parang linta. Tsk, nagsumbong siguro ito dahil sa nangyari kahapon, para siyang bata.

Nasa harapan ko na silang lahat at ang tingin nilang ang sarap hugutin ang mga mata, nakakabwesit.

“what did you do to her Avery?” sabi sa akin ni Orion at napatingin kay Angela na parang tutang nakasiksik kay Hades at itong si hudas naman gustong gusto.

Parang nagtutunog selos ako sa bandang iyon ah, no it can't be hindi dapat ako magpaapekto, focus Achlys, wag kang magpapadala sa mga ginagawa nila.

“Asked her” seryosong sabi ko rito pero pumikit lang ng maraan si Orion dahil sa sinabi ko.

“alam mo bang pumunta siya sa amin na umiiyak habang ang braso niya ay may sugat” sabi sa akin ni Orion.

“ano naman kinalaman ko roon?” sabi ko rito habang nakataas ang aking kilay dahil sa sinabi niya.

“meaning Avery, ikaw lang ang may gawa nun” pinagbibintangan ba nila akong may gawa nun sa kanya. Bwesit ng mga lalaki, sakit sa ulo.

“me? Ano ba sabi niya sa inyo na ako ang may gawa sa sugat na meron siya braso niya ngayon?” tumango naman sila sa sinabi ko. Napatingin naman ako kay Angela ng hindi makapaniwala. This is f*cking bullsh*t.

“oo” sabay sabay nilang sabi sa akin kaya napalingon ako kay Angela na para talagang lintang nakakapit kay Hades.

Grabe naman pala itong si Avery, sinugatan pa niya si Angela

Kaya nga eh, ganyan pala siya, nasa loob ang kulo

Mali talaga kutob ko sa kanya eh.

At sari saring bulungan pa ang naririnig ko, napatingin ako kay Angela na nakangisi na ngayon. Tignan natin kung makakangisi ka pa ngayon.

“Are you really that desperate just to hurt Angela like that?” sabi sa akin ni Orion kaya naiinis na ako dahil sa pinagsasabi nila.

“I'm not desperate and I didn't even hurt that girl” sabi ko rito ng seryoso pero nagpipigil at kinakalma ang sarili ko na hindi saktan ang babaeng nagtatago sa likod ni Hades ngayon. She's good at turning the situation around even though she's the one who did everything.

“you didn't hurt her? What do you think of the wound she got?” inis na sabi sa akin ni Hermes. Aba malay ko sa kanya.

“do you think she did it? Tangina naman Avery, we are not blind to not see the wound on her arm” galit na sigaw sa akin ni Hermes. Bakit ba sa akin nila sinisisi eh hindi ko naman alam kung saan niya nakuha ang sugat sa braso niya. Ako nga mismo nagulat tapos pagbibintangan nila ako. What a nice joke.

“Do you think I caused the wound on her arm?” tanong ko sa kanila ng seryoso “fools, if I did that, do you think she would only suffer minor injury? No, her body might be already lying in the coffin if I did that to her” tuloy ko pang sabi sa kanila na kinatahimik nila.

Extra Character in a Novel Where stories live. Discover now