Chapter 8

447 26 5
                                    

Achlys/Avery POV

It's been a week since napunta ako sa lugar na ito. Naisuot ko na rin ang uniform namin at ang masasabi ko lang ay lalagnatin ako ng wala sa oras. Yung skirt na above the knee, tapos yung white long sleeve na hapit na hapit sa katawan ko at pati na rin yung blazer. Kung hindi niyo naitatanong eh, may maipagmamalaki naman itong si Avery kaya no worries ako.

Yung mahabang buhok ko ay pina-wolf cut ko. Astig kasing tignan eh. Masyadong cool tignan. Ngayon ko pala napagtanto na ngayon ang balik ni Stacey the kontrabida girl, because they are suspended for almost 1 month. Remember nung pinabalik na ako ni dad sa school dahil hindi ako kasali sa rambulan ng protagonist at antagonist. Magiging hell ang buong school year ko dahil papasok na ang antagonist sa kwento. Hindi ko alam kung maeexcite ba ako o hindi. Ah basta, bahala na at kung meron mang siyang hindi magandang gagawin sa akin, I'll make sure na manghihingi siya ng mukha sa aso.

"young lady, sumabay na raw po kayong mag-breakfast sabi ng dad niyo" sabi sa akin ni Elena, ang personal maid ko.

"yes, bababa ako later" sabi ko rito.

"okay po young lady" iyan ang sinabi niya bago siya umalis. I checked again my gorgeous body bago ako tuluyang lumabas ng room ko.

As usual, tititig, yuyuko at bubulong ang mga maids dito. Ano pa nga bang bago, ito na nga ata ang daily routine nila kapag nakikita nila ako. Hanggang ngayon pa ba hindi sila maka-get over sa transformation ko.

Hindi ko nalang pinansin ang mga bulungan nila. I walked directly in our dinning area. Masyado na ata silang swerte kapag pinansin ko pa. Saka tinatamad akong batiin sila iisa kung kaplastikan lang ang pinapakita nila kaya wag nalang, masasayang lang ang aking precious saliva and my precious voice.

Pagkarating ko sa dinning area, agad kong hinalikan sa pisngi si dad bago ako umupo. Ramdam ko naman ang tingin nung dalawa kong kuyang tukmol.

"what?" tanong ko sa kanila. Tinuro naman nila ang mga pisngi nila. Really? They want me to kiss them too? Wala na akong nagawa kundi halikan din sila sa pisngi nila, masyado naman at silang seloso na si dad lang ang hinalikan ko.

"how is your school day this past few days?" sabi nito sa akin, it's a hell, syempre hindi ko iyan sinabi baka ma-high blood si tanda.

"it's okay dad" pilit kong ngiti rito, dahil ang totoo naman kasi ay hindi okay sa akin kasi puro lang kamalasan ang dumadating sa akin. Ayaw ko sanang magsinungaling pero I need to do that para hindi magalit si tanda.

"good, good, mabuti nalang at okay ka" tumango tango siya sa sinabi niya. Itinuloy ko nalang ang kumain.

Pagkatapos naming kumain ay agad din kaming umalis sa bahay. Nagpaalam kami ng maayos kay dad bago kami tuluyang umalis.

"ngayon na pala ang balik ng KAIBIGAN mo Avery sa school? Siguro mag-uumpisa ka na namang mang-bully kasi meron na siya" problema ng tukmol na ito.

"pwede ba Aaron stop teasing our sister" seryosong saad naman ni kuya Ashton kay tukmol.

"wow kuya Ashton, are you defending her right now? Samantalang lagi mo siyang sinisigawan kapag may ginawa siya kay Angela, hmmpp" sabi naman ni tukmol kay kuya Ashton. That's true, laging sinisigawan ni kuya Ashton si Avery dahil lamang sa pang-bubully niya kay Angela, kung ituring ni kuya Ashton si Avery ay parang hindi niya ito kapatid.

"will you shut up the f*ck up, kahit anong dada niyo diyan parehas lang kayong walang kwentang kuya" may iba't ibang emosyon ang makikita ko sa mga mata nung dalawang tukmol. But the hell I care, it's really obvious na wala silang kwentang kuya.

Nanahimik nalang silang dalawa sa sinabi ko. Wala na akong balak kausapin sila, kumukulo lang ang dugo ko plus nag-iinit na rin ang ulo ko, Kay aga aga, tsk..

Extra Character in a Novel Where stories live. Discover now