Chapter 9

394 22 1
                                    

Achlys/Avery POV

I tried my best to avoid everyone. Hindi sila tumitigil kakatanong kung okay lang ba ako o hindi. They are so annoying, kulang nalang itanong nila buong pagkatao ko.

Pagkatapos kasing magklase ang prof namin, hindi na tumigil ang dalawang taong nasa tabi ko, pati na si Apollo at ang dalawa kong kuyang tukmol kaya ang ending tinakasan ko sila at nandito ako ngayon sa paradise kasama si Yuki. Hindi ko rin alam kung saan nagsusuot si Thunder. Hihintayin ko na lamang siya rito.

Hindi talaga nakakasawang pag-masdan ang paradise, ang gaan kasi sa pakiramdam at walang bakas ng panganib, ay meron pala itong katabi ko na kanina pa hikab ng hikab.

"anong masamang hangin at napadpad ka rito." tinignan ko naman ng masama si Thunder. Masamang hangin his face. Kung wala lang akong kailangan sa kanya kanina ko pa ito sinakal.

"i have very important question that you need to answer" sabi ko rito, kita ko naman na seryoso siya kaya sinimulan ko na.

"tell me, ikaw ba ang naglinis sa mga ginawa kong pangbubogbog sa mga lalaki nung isang gabi?" tanong ko rito, tumingin siya sa akin habang nakakunot ang kanyang noo.

"anong bugbog? Pinagsasaksak kamo" Anong pinagsasabi nitong pinagsasaksak? Bugbog lang ang alam ko at isa lang ang napatay ko.

"kung hindi ko pa nakita yung mga bangkay at yung dagger mo na nakaturok sa dibdib nung isa hindi ko pa malalaman na ikaw ang may gawa" aminado ako sa part na may nakatarak na dagger sa dibdib nung isa pero ang sinabi niyang pinagsasaksak ko sila ay isang malaking katanungan sa napaka-cute kong isipan.

"fyi, mister Thunder, sa aking pagkakaalala ay wala akong sinaksak at isa pa, ang boss lang nila ang napatay ko at pinatulog ko lamang sila" saad ko rito, bigla naman ulit kumunot ang noo niya sa sinabi ko.

"kung ganoon man, may misteryosong tao gumawa nun" tumango ako sa kanya. Sino kaya ang taong iyon? Napasabunot naman ako sa aking buhok dahil mayroon namang karagdagang problema ang iisipin ko ngayon.

"but the question is, who is the perpetrator?" iyon ang malaking katanungan na nais kong masagot but how? Wala rin naman akong clue dahil wala na ako sa lugar na iyon bago mangyari ang sinasabi ni Thunder sa akin. Kung alam ko lang na ganun pala ang nangyari eh di sana wala akong iisipin ngayon.

"maybe you have a clue or trace?" tanong ko rito pero napailing lang siya.

"masyadong malinis at walang bakas na kahit ano mang mga ebidensya para malaman kung sino ang may gawa nun at kung may kasama itong pumaslong sa mga taong iyon" tsk, kahit isa wala? Ano naman pakay nang mga iyon at kailangan pang gawin nila iyon ng kabrutal.

"baka naman kasi may nakalaban ang grupo na iyon kaya ganoon lamang ang nangyari sa kanila" sabi ko rito pero umiling ulit sila.

"i know that group, ang knights lang ang binabangga nila at posible rin ang knights dahil ayaw nilang nakikipaglaban sa mga mababang uri" ay ganun, masyado namang maraming kalaban ang knights

"but now, kailangan mo munang umalis dito, nawiwili ka na rito sa paradise, wala ka bang pasok?" pake ba ng isang ito kung hindi ako papasok, mga wala namang kwenta itinuturo nila.

"hayaan mo sila, hindi naman ganun kaimportante" napangiwi naman siya sa sinabi ko. Biglang tumayo si Yuki sa tabi ko at kinuha niya yung bag ko gamit ang kanyang bibig at itinapon ito palabas sa paradise. Napanganga naman ako sa ginawa niyang kalapastanganan sa aking bag.

Padabog naman akong tumayo at umalis na sa paradise, nakita ko naman yung ngisi ni kidlat sa akin habang kinakamot nito ang tungki ng kanyang ilong. Tinignan ko naman ng masama ang liyong nanghagis ng bag ko.

Extra Character in a Novel Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon