Chapter 10

385 21 2
                                    

Achlys/Avery POV

Andito na ako ngayon sa sasakyan ni Achilles, walang sino man sa amin ang nagsasalita, masyado kasing awkward at tsaka hindi naman kami close para mag-usap kami diba.

"so, saan pala kita ihahatid?" napatampal naman ako sa aking noo dahil sa tanong niya, hindi pa pala niya alam kung saan ang condo ko.

"sa Moon Condominium" iyon nalang ang sinabi ko sa kanya, alam naman na niya siguro iyon kung saan banda. Iyon pa naman ang kilalang condominium dito sa kwentong ito.

"eksakto doon din punta ko" sabi niya sa akin habang na sa daan ang tingin niya, mahirap na baka maaksidente kami, ayaw ko pa namang mamatay ulit.

"ano pala ang nakain mo at ihahatid mo ako?" seryosong sabi ko rito. Tumingin siya saglit sa akin bago ulit siya tumingin sa dinadaanan ng sasakyan niya.

"gusto ko lang" sabi niya sa akin, tinitigan ko naman siya ng matagal at masasabi kong pogi talaga siya lalo na at ang seryoso niyang mag drive. Napatingin naman ako sa labi niyang namumula at sh*t naalala ko na naman ang aksidenteng iyon. I heard him chuckle na kinakunot ng noo ko, pati ba naman ang pag-tawa niya ay ang gwapo.

"i know that I am handsome Avery, so stop staring at me" sabi niya yan sa akin habang patawa-tawa siya.

"tsss, wag kang feeling" yan nalang ang sinabi ko at tinuon ko nalang ang paningin ko sa labas ng bintana, baka kung hindi ako makapagtimpi mahahalikan ko siya. Tek nga, bakit ang bagal naming makarating sa condominium, nababanas pa naman ako sa mukha ng taong kasama ko ngayon kahit alam kung gwapo siya, naiinis pa rin ako sa pagmumukha niya.

Pagkalipas ng ilang minuto ay nakahinga ako ng maluwag at kita ko na ang condominium. Pagkatigil ng sasakyan niya ay agad akong bumaba at umalis ng wala man lang pasabi sa kanya. Duh, hindi kami close ng isang iyon kahit rinig ko pa ang tawag niya sa napakaganda kong pangalan ay hindi ko na ito tinignan pa. Sasakit lang ulo ko kapag nagkataon.

Pagkarating ko sa condo ko ay agad akong pumunta sa kwarto ko at humiga sa malambot kong kama.

Patalon akong humiga sa aking kama at hindi na ako nag-aksaya ng oras at pumikit na ako.

Teka bakit ang lamig naman? Napamulat ako ng aking mga mata at nagulat ako sa lugar na bumungad sa akin.

Anong klaseng lugar ito at napakaganda? Don't tell me? Langit na ito? Patay na ba talaga ako? Kung oo, eh di goods at least wala na akong proproblemahin pa.

"hindi ka pa patay" nagpalinga-linga naman ako kung saan nanggagaling ang boses na iyon. Pero wala talaga akong makita.

"who are you? Magpakita ka sa akin" sumbat ko rito pero wala talaga akong makitang tao kahit ni isa.

"don't worry makikita mo naman ako eh, andito ako sa likod mo" pagkasabi niya yun, tumingin ako sa likod ko at napatingala ako sa taong nakatayo ngayon sa harapan ko.

Nabigla ako dahil kamukhang-kamukha ni Avery ang nasa harapan ko ngayon. Wahhhhhh, kukunin na ba niya ako?

"hindi kita kukunin okay" teka nga, mind reader ba ang isang ito? Lahat ng nasasabi ng utak ko eh alam niya.

"oo alam ko lahat ng iniisip mo Achlys dahil konektado tayo sa isa't isa" Anong konektado? Eh hindi naman kami magkaano-ano. Tumawa naman siya ng hindi ko alam kung ano ang tinatawanan niya. Baliw ba ito?

Extra Character in a Novel Where stories live. Discover now