Chapter 25

185 14 4
                                    

Achlys/Avery POV

Nagising ako dahil sa may tumatapik sa pisngi ko. Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at bumungad sa akin ang mukha ni Dianne na nakasimangot.

"2:50 na ng hapon Trix nasa loob na ng stadium ang lahat ng estudyante at tayo nalang ang wala doon" ganun na ba talaga ako katagal matulog.

"lets go" seryosong saad ko at nauna na ng maglakad palabas. Hindi ko na hinintay si Dianne dahil alam kong susunod din lang naman siya sa akin.

"grabe ka matulog ha" nakasimangot niyang saad sa akin. "tulog mantika ka talaga na halos magiisang oras na akong ginigising ka at halos ginawa ko na ang lahat para magising ka pero walang effect sayo" eh? Sinabi ko bang gisingin niya ako, bakit? Hindi ba makakapagumpisa ang opening ng school festival kung wala ako.

"just walk Dianne" sabi ko nalang dito hanggang sa nakarating kami sa stadium. Sa likod kami dumaan dahil ayaw ko ng grand entrance kung sa main door ako dadaan.

"why you took so long" reklamong saad ni kuya Ashton sa akin, I give him a shrug kaya hindi nalang ulit siya nagsalita. Andito rin ang knights habang seryosong nakatingin sa mga estudyanteng andito. 3 pm na at kinausap na ni Hades ang Emcee para umakyat na ito.

"HI EVERYBODY" sigaw niya at sumigaw naman silang lahat, napatakip nalang ako ng tenga dahil sa ingay nila.

"i am your emcee Michael Tolentino ang pogi at masipag na estudyante ng Whitlock Academy" sabi niya at naghiyawan naman ang mga kababaihan. Girls, as always. "and I am Jessica Simpson your beautiful host and "WELCOME TO OUR SCHOOL FESTIVAL" at sabay nilang sigaw.

"grabe and saya ng mga estudyanteng andito partner" sabi nung Jessica.

"kaya nga partner eh, biruin mo ganito pala kasaya kapag may mga ibang estudyante from different schools" ngiting asong sinabi nung Michael kay Jessica.

"i agree with you partner, kaya wag na nating patagalin pa, of course we would like to introduce to you, our handsome and loving Headmaster of Whitlock Academy Mr. Harith Craige Whitlock" pagkatapos nilang sabihin iyon, may matangkad at gwapong lalaking naglalakad patungo sa harapan ng stage.

He is wearing his best smile kaya hindi mapigilan ng ibang kababaihan na magluppasay at mga baklang impit na sumisigaw habang kinikilig sila. Sabagay, sino naman ang hindi kikiligin kung ganyan kagwapong lalaki ang nasa harapan ng lahat.

"hello students from different schools" iyan pa lang ang sinabi pero tilian na ang mga babae. Tsk, iba talaga ang charisma ng mga lalaking Whitlock except sa isang Whitlock.

"I'm happy that you all are here with us to celebrate the school festival here at our school. I want to thank our superior who allowed our school to make this school festival with you and I hope you like the school festival prepared by our student councils and other students who helped to beautify and build the school festival. Thank you again and enjoy what the Whitlock students prepared. Once again, thank you and good afternoon to all of you." pagkasabi ni headmaster Whitlock iyon ay nagsipalakpakan sila at bumaba na ito patungo sa pwesto ng knights at tinapik niya ang balikat ni Hades na kanina pang seryoso.

"grabe ka makatitig kay headmaster Whitlock ah?" tumingin naman ako kay Dianne na kumakain ng junk food na hindi ko alam kung saan niya kinuha.

"tsk" iyan nalang ang nasabi ko sa kanya bago ako umalis sa pwesto ko at hindi na pinansin ang host na nagsasalita sa stage. Nakakasira kasi ng eardrums ang boses nila.

Lumabas nalang ulit ako dahil sa may nararamdaman akong kakaiba na hindi ko alam kung bakit. Kailangan ko lang siguro mag unwind ng kahit kaunti man lang. Napatigil ako dahil may nararamdaman akong taong sumusunod sa akin. Binilisan ko ng paglalakad at nagtago sa isang pader dahil haharangin ko kung sino man siya.

Extra Character in a Novel Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon