25

7 0 0
                                    


3rd person's POV

"Uhm ma'am bawal pong magdala ng gamit sa kwarto mg pasyente.". Magalang na sabi ng nurse.

Naisipan ni Mrs. Davidson na bisitahin si Veronica sa hospital. Nagdala din sya ng vase na may mga paborito nitong bulaklak.

Tumaas naman ang kilay ni Mrs. Hera Davidson. "Why not? My daughter in law loves flowers."

Nag-aalangan namang itong tiningnan ng nurse. "Ma'am, bawal po kasi talaga, baka po kasi kung ano ang maging reaksyon ng pasyente sa dala niyo."

Iritado namang binalingan ng ginang ang nurse. Tiningnan nya ang nameplate na nasa kaliwang dibdib nito. Allison.

Peke nya itong hinarap. "Miss Allison?". Tawag nya rito.

"Ma'am?"

"You know me, right?". Tumango naman ito. "Good, ngayon, alam mo din siguro kung ano ang mangyayari sayo kapag pinigilan mo pa ako diba?"

Ngumiti naman ng matamis ang kausap. Maging sya ay naiinis na sa matandang kaharap. "Ma'am, sinasabi ko po sa inyo, I'm just doing my job. And following our protocols. Ayaw ko lang pong may mapapahamak dahil lang dito."

"Let her be, Nurse Allison. Bantayan mo nalang ang pasyente mo, ako na ang bahala rito."

Pareho silang lumingon sa nagsalita.

"Dra. Dela Cruz. It's been awhile."

Yumuko naman ang nurse ay tumalikod na para umalis. "Pag pasensyahan mo na ang mga nurse dito. They're just worried for the patients."

"I hope this won't happen again.".

"Please". Inilahad nito ang pinto ng kwarto ni Veronica. "These past few days ay bumuti ang lagay nya. Naging hiyang sya sa gamot na binibigay namin."

Nang makapasok sila ay nagtaka si Mrs. Hera ng wala syang makitang kahit anong gamit. Maliban sa hospital bed kung nasaan nakahiga si Veronica.

Madami syang nabalitaan tungkol sa matandang Davidson, at kahit alam nya kung ano talaga ang ugali nito ay kailangan nya paring makisama.

Napansin naman ito ni Dra. Dela Cruz. "Gusto lang namin maka sigurong wala syang magamit kapag magwawala sya. Even though she's doing well, we can't risk the trouble."

"I see...well. Flowers are harmless aren't they?". Nilibot nya ang tingin sa paligid. "Oh wait, wala pa naman akong natatanggap na hospital bills, si Rodolf ba ang nagbabayad?".

Kumunot naman ang noo ng Doktor. "Rodolf? Nasagot na ni Mr. Cordova ang lahat ng gastusin."

"Cordova? Si Emerald?". Tanong nito.

"Her son."

Sasagot na sana sya nang bigla nalang magising si Veronica.

"Would you mind leaving us for a minute? I just want to talk to her."

Tumango naman ang doktor bilang tugon. "Sure."

"Ma...bakit po kayo nandito?". Tanong ni Veronica. Dahan-dahan itong umupo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 10 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Maybe in timeWhere stories live. Discover now