6

27 16 0
                                    






Akala ko pa naman ay malinaw na yung sinabi kong 'kaya ko naman'


"Ahh kaklase ka pala ng anak ko?".


Eh ayun. Pumunta pa din sya.


Komportable syang naka upo sa sofa kaharap ang papa ko. Samantalang ako ay nasa dining table at kumakain pa lang.


Pano, mala Dominic din yung style. Ang aga-aga dumating. Ang kaibahan lang ay hindi sya nagmamadali.


'Don't mind me. Take your time.'


Iyon ang sabi nya ng dumating syang hindi pa ako nakakaligo.


Pero mabilis akong naligo at nag-suot ng black shirt at cargo pants.

"Opo.". Nakangiting sagot nya.


Palihim akong umismid.


Bait mo ah.


"Sino pala ang mga magulang mo? Cordova ang family name nyo, hindi ba?". Nakakape palang si papa nang dumating sya.


"Emerald Solanna Cordova po, sir.".


"Oh? She's your mom?". Mukha namang may naalala si papa base sa kanyang reaksyon.


"She used to talk about you sometimes, she told me that you were friends way back in highschool.". Hindi nya pa din na gagalaw ang kanyang juice.


Kanina pa iyon doon inilagay ni tita Veron.



"Yes..yes we used to be friends back then, pero wala na akong balita sa kanya nang pumunta sila ng papa mo sa Europe.".


Hinugasan ko ang aking pinag-kainan ng matapos akong kumain.


Pumunta ako ako sa sala kung nasaan sila.


Nang makita ako ni papa na papalapit ay ngumiti sya at sinalubong ako ng yakap.


"Wag ka magpapa gabi ha. And your friend here...". Pagtukoy nya kay Ace. "Well...sabi nya sya na din ang maghahatid sayo.".


Hinalikan nya ang aking noo bago ngumiti kay Ace para magpaalam.

Nang maka-alis si papa ay umupo ako sa kanyang inupuan kanina.


Bakit ba lahat ng suotin nya ay bagay sa kanya? Gaya na lang ngayon.


White t-shirt, maong pants at isang black leather jacket.


"Diba sabi ko sayo, kaya ko nga? At pano mo nalaman kung saan ang address ko?". Masama ang tingin ko sa kanya.


Sya naman ay patingin-tingin lang sa mga pictures na naka display malapit sa kanya.


"Why? Never heard of students profile?". Sagot nya nang hindi tumitingin sa akin.

Pumikit ako ng mariin. "You do realize that you're invading my privacy. Right?"


Sino ba sya para basta-basta nalang pumunta dito nang hindi nagpapaalam sakin?


Like how dare he?


"Invading? I'm just picking you up. And you knew about it.". Hinarap nya ako ng may nakakalokong ngiti.


I stood up, not breaking our eye contact.



Maybe in timeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora