16

15 4 0
                                    







Hindi ko alam kung paano ako nakawala sa nakakahiyang sitwasyong yun. Basta ang alam ko. Hindi pa ako nakakatakbo ng ganun kabilis sa tanang buhay ko.

Sumakay ako ng tricycle para makapunta sa bayan. Lutang ako habang namimili. Muntik pa akong matisod sa hagdan nang pababa na.

Madami kasi akong pinamili. Pina box ko nalang yung iba.

"Ma'am ako na po dyan.". Naka-ngiting sabi ng isa sa mga guard. Hindi pa ako nakakapag-salita pero kinuha nya na sa akin ang mga dala ko. Pinalagay ko iyon sa tricycle para hindi na ako mahirapang maglagay mamaya.

"Salamat po manong.". Yung iba naman na kaya kong bitbitin ay inayos ko para hindi mahulog sa tabi.

Gusto ko sana syang bigyan ng tip pero tumalikod na sya para bumalik sa kanyang pwesto.

"Eto po ang bayad.". Abot ko sa driver.

Nang makarating ako sa bahay ay pasamantala kong nakalimutan ang nangyari kaninang umaga. Naging abala din ako sa paggawa ng mga origami. Gagawin ko sanang substitute sa kurtina ng classroom. Bukas ba bukas ay pupunta ako sa school para kunin ang mga kurtina at labhan.

Binuksan ko ang mga pinamili kong groceries para ilagay na lahat sa ref. Yung mga delata naman ay sa kabinet.

Ang sunod ko naman pinagka-abalahan ay ang mga payong at coloring book. Isasama ko na din ito bukas para ma-idisplay ko na. Nang matapos ko na lahat ay naglinis naman ako sa bakuran.

Itatapon ko na sana ang mga basura sa labas nang mapa sulyap ako sa ginagawang clinic. Marami ang mga trabahador kaya mabilis din ang pagpapatayo. Mataas iyon at kasalukuyan nilang ginagawa ang hagdan pataas.

Iniwas ko ang tingin nang makita ko syang nakatayo at nakaharap sa ginagawang building. Naka suot sya ng hardhat at may hawak na blueprint sa kamay.

Ang laki ng pinagbago nya. Ang mukha, ang pangangatawan at postura.

Pumasok na ako para mananghalian. Nagprito lang ako ng tuyo at bumili ng sabaw.

Naghugas muna ako ng kamay at nagdasal bago kumain. Nakabukas ang bintana malapit sa mesa kaya tanaw ko ang likod nya mula rito.

Naalala ko naman ang eye contact namin kanina. Hindi ko mapigilang iguhit sa imahinasyon ko ang mukha nya. Ang talim ng mga mata at panga nya. Kung paano kumunot ang noo. At ang boses nya ay mas lalong lumalim.

Muli ko syang pinagmasdan mula sa aking bintana.

Nagsalubong ang kilay ko ng makitang may babaeng lumapit sa kanya. Mula sa likod ay hinaplos nung babae ang braso nya pababa. Nilingon nya ito.

Nagtaka ako kung bakit ganun ang suot ng babae. Kumakapit sa katawan nito ang damit na suot. Kahit na mabato ang tinatapakan ay maayos pa din itong nakakalakad.

Malungkot akong ngumiti. Bagay na bagay sila. Maganda ang hubog ng katawan nito. Makinis at maputi din ang balat. Nakita kong pumunta sila sa likod. Siguro ay pupuntahan nila yung mga tents.

Iniwas ko ang tingin ng makitang hinawakan ni Ace ang beywang nung  magandang babae dahil muntik na itong matisod.

Parang nawalan ako ng ganang kumain. Pero sayang kasi yung niluto ko.

Kinuha ko ang aking laptop at binuhay iyon. Tiningnan ko ang mga quotes na at mga bible verse, ipapa-print ko bukas para idikit sa paligid ng classroom. Balak ko sanang i transfer iyon sa isang flash drive.

Maybe in timeWhere stories live. Discover now