12

12 8 0
                                    





"Dad, hindi ko po siya gusto, at isa pa, ang babata pa po namin.". Napag-usapan kasi namin yung sinabi ni Ace sa kanya.


Nasa study nya kami ngayon. Pagkatapos namin kumain kanina ay ipinatawag nya ako.


"Are you sure? He seems like a nice boy to me.". Ngumiti sya at sumandal sa kanyang swivel chair.


"That's not the point, Dad. The thing is, both of us is too young for this. Isa pa, paano ko naman malalaman kung totoo nga ang sinasabi nya sa inyo? Kung seryoso ba sya?". Paliwanag ko. Hindi pa din nawawala ang mapaglarong ngiti ni papa.


"If you say so."


( T _ T )


Halata namang hindi sya kumbinsido eh.

"Maybe he just fooling around, Mabel. Pero pinuntahan nya talaga si tito para magpaalam?". Tanong ni Kuya Trent kina umagahan.

Nasa classroom namin sya. Dahil nga maaga pa kami ay tatlo lang kaming nasa loob.

Ako, si kuya, saka si Dominic.

Nasa harap ko si kuya at pinapanood ako sa sinusulat ko. Habang si Dominic naman ay naka subsob sa desk nya.


Mukhang tulog.

"Yun ang sabi ni papa.". Sagot ko. Naka-tuon pa din ang atensyon ko sa aking notebook.


Kagabi pa to eh. Hirap i-solve. Napakamot nalang ako sa batok.


Paano ba to?


"Siguro nga seryoso sya. But as for me, ayaw ko munang mag-boyfriend ka ha?". Sabi nya. Dahil dun ay umangat ang tingin ko sa kanya.


"Hindi naman talaga.". Muli kong ibinalik ang tingin sa notebook.



May mga kaklase na din akong nagsipasok. At medyo umingay ang paligid.



At parang may familiar.



Hindi ko na iyon pinansin. Kailangan kong matapos itong sino-solve ko.



"Pero, halimbawa lang ah, kung nasa legal age kana ba ngayon, tapos nagpaalam si ace na manligaw sayo...papayag ka?". Muli nyang tanong.

Napatigil naman ako sandali.

Papayag ba ako?


"Oo naman, mabait naman sya eh.". Sagot ko. Natulala sandali.



Dinig ko ang pagtawa ni kuya.



"Siguro nga.". Tumayo sya sa kanyang upuan. "Alis na ako, ah. See you". May tiningnan pa sya sa likod ko bago kumaway para magpaalam.


Tumango naman ako bilang sagot. Yumukyok ako sa aking desk.  Siguro ay dapat ko nang bawas-bawasan yung pagtutulog ko sa klase. Wala na akong maisagot dito oh.

( x _ x )


Tumingin ako sa aking kanan at nakita ang natutulog na si Dominic.


Bati naman na kami eh. Magpaturo kaya ako?


Ngumuso at napa straight ng upo.


( O _ O )


Maybe in timeKde žijí příběhy. Začni objevovat