8

24 13 2
                                    






"Ano ba kasi nangyari?!".


"A-ano bigla nalang syang namutla kasi kanina tapos--"


"Namutla?! Tapos di nyo pa dinala dito?"


"Ano ba Dominic?! Tingin mo kakayanin ni Cathy si Mabel?! Saka biglaan naman yun ah!". Boses iyon ni Elaine. "Ano, nawala utak mo? Di mo naisip yun?".


"Students! Lumabas na muna kayo. Baka maistorbo si Miss Davidson sa ingay nyo.". Mahinahong utos ng MAPEH teacher namin.


"We have to call her parents first.". Dinig kong sabi ni Cathy. "Kung wala ay ako nalang ang maghahatid sa kanya."


"Ano ba tingin mo sa kanya? Bata? Malaki na yan kaya na nya ang sarili nya!". Mariing sabi ni Dominic.


Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata.


"Palibhasa kasi, wala kang konsensya kaya ganyan ka mag-isip.". Boses uli ni Cathy.


Kahit nahihilo pa ng kaunti ay pinilit kong umupo. Agad namang may humawak sa aking balikat para maibalik ako sa pagkakahiga.

Bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Ace.


"Wag mong pilitin ang sarili mo kung hindi mo pa kaya.". Sabi nya.


Sa gilid nya ang school nurse na nakangiti sa akin. "Kamusta na ang pakiramdam mo?". Tanong nito.


"A-ayos lang po."


Tumalikod naman si Ace para lumabas.


Oh.


Agad namang lumapit sa akin si Cathy hinawakan nya ang kamay ko. Namumula ang mga mata nya.


"Mabel..why didn't you tell that you're not feeling well?". Pinipigil nya ang kanyang mga luha.


Napalunok nalang ako ng laway. Dahil talagang wala akong maisasagot sa kanya.


"May sakit kaba, Miss Davidson?". Tanong ng school nurse.


Umiling nalang ako bilang sagot.


Napansin kong wala ng tao sa lobby kay siguro ay bumalik na sila sa field.


"Walang asthma? Sakit sa puso?". Tanong muli ng  nurse.


"Wala po."


"O nalipasan ka lang ng gutom?".


( O _ O )


"Kumain kaba ng almusal kanina? Paiinumin nalang kita ng gamot.". Tumalikod ito para kumuha ng gamot.


"I'm so sorry, I don't have your parent's number. I haven't told them what happened.". Hawak-hawak pa din ni Cathy ang kamay ko.


"Okay lang yun. Hindi naman ako uuwi eh, magpapahinga lang ako sandali.". Pinisil ko ang kanyang palad.


"No, you need to rest. Paano kung lumala yan, ha?".


Pareho kaming tumingin sa pinto nang bumukas iyon at pumasok si Ace.


"Oh, ito oh.". Inilahad ng nurse ang isang gamot sa akin.


Maybe in timeWhere stories live. Discover now