20

14 1 0
                                    


Kahit na ganoon ang nangyari ay nakatulog naman ako ng maayos. Sya naman ulit ang nagluto dahil mas nauna syang nagising kesa sa akin.

"Babe?". Tawag nya sa akin mula sa banyo.

"Oh?". Sagot ko.

Nilingon ko sya at nakitang kalalabas nya lang sa banyo. Inaayos nya ang kanyang long sleeve. Kinuha ko ang necktie nya at inilagay iyon ang sa kanyang kwelyo.

"I'll be gone for two days. I need to report to the board about this project.". Sinuklay-suklay nya ang buhok ko gamit ang kanyang daliri. "But I'll try to finish it as soon as possible, so we can have our alone time together."

"Time together? Eh parati naman tayong magkasama, ah?". Tumawa naman sya at niyapos ako. "What I meant was a date, babe."

Tumawa na din ako. "Oh sya, sige na. Ayusin mo na yung mga dadalhin mo."




"I'll call you once I arrive, hmn? Don't forget to eat your breakfast.". Mabilis nya akong hinalikan sa labi bago kumaway paalis.

Inayos ko naman ang bayong na paglalagyan ko ng mga bibilhin sa palengke. Naghihintay na din si Cathy sa akin sa labas.

Nagulat ako ng makitang kasama nya si Eros. Kumaway silang dalawa sa akin. Ngumiti naman ako.

Mukhang third wheel ako ngayon ah.

"Hi Mabel! Nako, itong Eros isama na natin ah? Baka kasi may mga mabibigat tayo na bibilhin, sa kanya na natin ipabitbit.". Tumawa sya ng malakas at hinampas si Eros.

"So sinama mo lang pala ako para may tagabuhat kayo?". Tanong ni Eros.

Tumaas naman ang kilay ni Cathy. "Oo, saka wala ka namang gagawain sa bahay eh, day off mo naman ngayon, diba?"

"Yeah."

"Wag ka na kasing umangal no? Andito na tayo eh."

Pinagmasdan ko sila. Ang cute kasi nilang tingnan. Napa-iling nalang ako. Paniguradong magiging masayahin ang magiging anak nila.

Nagsimula muna kami sa mga gulay. Sunod naman ay sa mga isda at karne. Doon pa lang ay nahirapan na si Eros sa pagdadala.

"Pwede bang ilagay ko muna ito sa sasakyan? Masyado nang mabigat eh.". Nasa mall na kami ngayon. Gusto kasi ni Cathy na mamili ng mga damit.

Tumango naman ito. "Basta bilisan mo ah?". Sabi ni Cathy. Abala kasi sya sa pamimili.

Umalis naman na si Eros. Kanina ay balak ko sana syang tulungan dahil halatang hirap na sya.

"Wag na, kaya ko to, saka baka magalit yung dragon ko eh."

"This color is nice! What do you think?". Ipinakita nya sa akin ang kulay peach na damit.

"Bagay sayo yan kasi maputi ka, isukat mo!". Naka-ngiting sabi ko.

"Talaga?"

"Oo nga."

In the end. Mas marami pa ang damit na nabili nya kesa sa pinamangleke namin. Inihatid nila ako at nagpaalam na uuwi na.

Binuksan ko ang pinto ng apartment at dumerecho sa kusina. Inilabas ko na din ang mga pinamili namin kanina.

Nang matapos ako ay bumalik ako sa sala. Nakabukas pa din pala ang aking pinto. Isasara ko na dapat iyon kaso ay may dumating. Isang nasa middle age na babae. Magada ito at ang classy tingnan. Naka suot ito ng pulang bestida at may hawak na puting handbag. Maluwag ang ngiti nito sa akin.

Maybe in timeWhere stories live. Discover now