18

11 3 0
                                    





Sa sobrang pagod ko ay hindi ko namalayang nakatulog pala ako sa gitna ng pag-uusap namin. Nagising nalang ako nang maramdaman ang sinag ng araw sa aking mukha.


Tiningnan ko ang paligid. Nasa kwarto ako. Naging mahinahon ang aking sistema. Saka ko lang naalala ang nangyari kagabi.


Bigla akong tumayo mula sa pagkakahiga.



Si Ace!

Nandito pa kaya sya? Malamang umalis na yun.

Dahil sa bigla kong pagtayo ay nahilo ako sandali. Sandali kong hinilot ang aking sentido. Pumasok ako sa banyo ng kwarto ko para maghilamos at magsipilyo.

Nang bumula ang toothpaste sa aking bibig ay nakaramdam ako ng hapdi. Napapikit ako sa sakit at binilisan ang pagsisipilyo.

Tiningnan ko ang aking labi sa salamin at nakitang namumula ang ibaba. Hinaplos ko ang bandang iyon. Medyo namamaga din ang kabilang gilid.


Ano bang nangyari dito? Err... sige Mabel, isipin mo kung gaano ka karupok kagabi.


"Please... Maria Isabelle...please take me back."

Napalunok ako ng maalala kung ano ang pinagsasabi nya sakin kagabi. Like... I wasn't expecting him to say those words..

Akala ko magagalit sya.

Naligo ako at baka sakaling mawala sa isip ko ang nangyari. Pagkatapos kong maligo ay binuksan ko ang aking aparador para mamili ng damit. Nang mapansin kong....teka, bat parang dumami ang damit ko?

Sa pagkaka-alam ko ay wala akong polo shirts.

Hindi ko na lamang pinansin iyon dahil nahihilo na talaga ako sa gutom. Isang simpleng puting blouse at black shorts ang isinuot ko bago lumabas ng kwarto. Kailangan ako pang mag-luto---what?!

Napabalik ako sa pinto ng aking kwarto. Sinilip ko kung sino ang tao sa aking kusina. Paniguradong hindi iyon si Excel. Hindi naman iyon basta-bastang pumapasok dito eh. At malamang nasa trabaho na yun.


Sino ba itong..?


d - _ - b


Oh e sino pa nga ba?


Nakita kong nagluluto sya ng tuyo. Weh? Kumakain sya nun? Naka simpleng pambahay lang din sya. Isang beige na shorts at blue na t-shirt...na medyo pamilyar sa akin.

???

Tiningnan kong mabuti ang suot nya.

d O _ o b

Eh akin yun eh! Yun lung hindi ko na nasusuot na shirt kasi sobrang laki nun sakin tingnan.



"Damit ko yan ah.". Bungad ko sa kanya. Umakto lang din ako na parang bang natural lang ang nangyayari. Tumalikod ako sa kanya para buksan ang ref.


Kumuha ako ng pitsel at isinara iyon. Pagharap ko sa kanya ay nakalahad na akin ang baso. Sandali ko pa syang tiningnan bago iyon tinanggap.



"Let me borrow this shirt for a while.". Bumalik sya sa pagluluto. "Take your seat, I'm almost done.". Aniya.



Gusto ko sanang mag ayos nalang ng mga pinggan namin, kaso pag tingin ko sa mesa ay nakaayos na ang lahat.


Umupo nalang ako at nagsalin ng tubig sa aking baso. Wala naman akong magagawa. Nagluto na sya eh. Inayos nya din yung mesa. At kung pupunahin ko pa iyon ay baka kung saan na naman mapunta ang usapan namin.


Maybe in timeOù les histoires vivent. Découvrez maintenant