14

17 4 0
                                    


"So..sya pala nakakuha ng first kiss mo?". Tanong ni Jasper sa akin.

"Binigay ko, hindi nya kinuha". Pagtatama ko.

Bumisita kasi sya sa akin dito sa San Jose Elementary school. Kung saan ako nagtratrabaho. Isa akong substitute teacher dito. Medyo maselan kasi ang pagbubuntis ng teacher sa kindergarten. Kaya nag file ng may katagalang leave.

Teacher din naman si jasper, college level nga lang.

Matapos ang nangyaring kababalaghan sa buhay ko. Pitong taon nang nalilipas, ay lumipat kami ng bahay nila Mama. Nagsimula kami ng bagong buhay, at nagpatuloy na din ako sa pag-aaral. Kumuha ng kursong Education. Nang makapag-tapos ay naghanap ako ng trabaho. Pero dahil nga baguhan lang ako ay kung saan-saan ako na a-assign.

"Pero in fairness friend ha, ang gwapo pala nung Ace! Nakita ko yung Facebook nya, may ibubuga din naman pala.". Pabiro nyang hinampas ang braso ko. "Di na ako magtataka kung bakit mo binigay yung first kiss mo!". Dagdag nya. At humalakhak.

Buti nalang nga at uwian na. Walang nakakarinig sa mga pinagsasabi nya. Isinara ko ang pinto ng classroom at sabay kaming naglakad palabas ng ng gate.

"Eh kamusta naman pala yung best friend mo dun? Si Catherine? Catherine ba?". Tanong nya. Naglakad lang kami papunta sa sasakyan nya. Malayo kasi ang apartment nya dito. Samantalang ako ay nasa malapit lang. Sampung minuto lang ang lalakarin.

Catherine...

Bigla naman akong nalungkot. "Hindi na kami nagkita ulit eh, saka hindi na din ako gumagamit ng social media masyado.". Sagot ko.

Naisip ko kasing madadamay sya sa problema ko kung sasabihin ko pa sa kanya.

I know her. She would do anything to help.

Binigay ko din kay kuya Trent ang cellphone na binigay ni papa sa akin. Hindi ko alam kung anong ginawa nya dun. May komunikasyon pa din naman kami ng papa ko. Pati ni tita veron at ni Nathan.

Pero ayun nga. Kahit malayo na ako, patuloy pa din ang pangungumbinsi ni lola Hera kay papa.

"Ay ano ba yan girl, mukha pa namang mabait yun. Sayang nga eh, hindi ko sya nakilala.". Sumakay sya sa sasakyan nya.



"Sya sige, mag-ingat ka ah? Uuwi na ako. Susubukan ko bukas kung makakapunta uli ako dito.". Sabi nya. Nagpapasalamat din ako kasi, kahit malayo ang school na pinag-tratrabahuan namin ay naglalaan pa din sya ng oras para puntahan ako dito.


"Sige, ingat ka.". Kumaway ako sa kanya.

Tumingin ako sa relo ko para tingnan kung may time pa ba akong ma malengke.

4:23:pm.

Hmn. Pwede pa. Nakakasawa na din minsan ang delata.


Pumunta ako sa may pinakamalapit na palengke sa apartment ko. Nakabihis na din ako ng pambahay.

Maingay ang paligid. Marami ding natitinda ng mga gulay, karne at isda.


"Miss Belle, bili na po kayo, bagong dating lang po ito, sariwang-sariwa!". Hikayat ng tindera sa akin.

Ngumiti naman ako at tumingin sa mga paninda nya.

Ano kayang magandang ulam? Namili ako ng mga gulay. Balak ko na kasing magluto ng pakbet. Bumili na din ako ng dalawang kilo ng baboy. Para hindi na ako ma-malengke sa susunod na araw.

Maybe in timeWhere stories live. Discover now