17

12 3 0
                                    



Baliw ba sya? Halata namang girlfriend nya yung kahapon tapos sasabihin nyang boyfriend ko sya?

Hindi ko alam na naging babaero na pala sya.


Ilang araw na din matapos ang tagpong iyon. Inabala ko din ang sarili sa pagtuturo. Kinuha ko ang kanilang mga drawings para i check.

Nang mag-uwian na ay lumapit sa akin ang mga estudyante ko. Lahat sila ay mukhang iiyak. Nagtaka naman ako kung bakit ganoon na lamang ang kanilang ekspresyon.

"Ma'am, totoo po bang aalis na kayo?". Tanong ni Nene.

Hindi ko naman naitago ang gulat.

"Bakit po kayo aalis? Ayaw nyo na po sa sa amin?". Kumapit sa binti ko Stella.

Binuhat ko naman siya at tiningnan silang lahat.

"Mga bata, siguro alam nyo naman kung sino yung teacher nyo talaga dito, diba?". Hinaplos ko ang buhok ni Nene. "Ayaw nyo ba syang makasama ulit?". Naka ngiti kong tanong.

Wala naman akong nakuhang sagot mula sa kanila. Hanggang sa ang katahimikan ay nabasag ng kanilang mga hikbi.

"Nako..wag kayong umiiyak, tahan na.". Kinagat ko ang pang-ibabang labi. Anong gagawin ko?


Ang totoo nyan ay ayaw ko talagang magpaalam sa kanila bago ako umalis dahil baka maiyak ako. Pero andito na eh.


"Ganito nalang, diba pa alis naman na ako, pwede bang sumulat kayo ng letter para sa akin?yung mga gusto nyong sabihin?". Kahit medyo nanginginig na ang boses ko at sinikap kong panatilihing masaya iyon.


Lahat naman sila ay tahimik na sumunod. Pagdating ko sa apartment ay binasa ko agad ang lahat ng iyon. Hindi naman naging matagal ang pagbabasa ko dahil hindi naman ganoon karami ang mga estudyante ko.


Magluluto na sana ako ng mapansin kong wala na akong sinigang mix. Lumabas ako para bumili sa tindahan ni aling Selma.

Nang makabili ko ako ay nagtanong si aling Selma sa akin. "Ma'am Bella, totoo bang aalis kana rito?". Tumango naman ako. "Eh sayang naman.". Malungkot akong ngumiti.

"Hindi pa naman po ngayon, may tatlong weeks pa po bago sako umalis.". Niyakap ko ang ginang. Sa ilang buwan ko dito, sya at si Excel ang mas naging malapit sa akin.

Nang makabalik ako sa apartment ay sinimulan ko ng magluto. Dumating din si Excel para tumulong.

"Ang aga ata nag end yung shift mo.". Puna ko. Naghihiwa sya ng bawang pero tumutulo ang luha. "U-uy Excel! Bat ka umiiyak?". Hinawakan ko ang balikat nya.

Umiling naman sya. "Hindi, wala ito, naiiyak lang ako dito sa sibuyas.". Napatingin sya sa hinihiwa at nakitang bawang iyon.

"Bawang...*sniff*..pala..bahuwaannggg.". Hinampas nya ang braso ko. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiiyak din. "Bat di mo sakin sinabi na aalis kana?!"

"Ano ha! Iiwan mo nalang ako dito? Aalis ka nang walang pasabi?!". Pinunasan nya ang luha at nagbalik sa paghihiwa.

"Sasabihin ko naman sayo eh, kaso matagal pa naman ako bago umalis.". Buong hapunan namin ay hindi nya ako pinansin.

"Excel, sorry na. Ito naman, may balak naman akong sabihin sayo eh.". Hindi nya ako tiningnan at nagpatuloy lang sa pagkain.

"Kailan kaba aalis?". Tanong nya.

Maybe in timeWhere stories live. Discover now