11

13 8 0
                                    


"This one will definitely look good on you! Try it!". Patuloy pa sya sa kanyang pamimili ng mga dress na ipapasukat nya sa akin.

Maaga ang uwian namin kanina kaya maaga din kami dito sa mall. Gusto nya sanang pabango ang iregalo sa akin, ang kaso ay gusto nya naman daw ang amoy ko kaya damit nalang.

"How about this? Hmm...or maybe this?". Dalawang dress ang hawak nya sa magkabilang kamay. Ipinapakita sa akin ang mga designs.

Pareho naman kasing maganda. "Ayos naman na itong mga hawak ko eh.". Itinaas ko ng kaunti ang nasa braso ko.

Tatlong dress na iyon at iba-iba ang kulay. Magaganda iyon, dahil sya ang pumili.

Kumunot naman kaagad ang kanyang noo. "That's enough for you?". Turo nya sa hawak ko.

Tumango naman ako bilang sagot.

"No, no, let's look for more.". Tinalikuran nya ako at naghanap ulit ng mga damit.

Marami na ding umaaligid sa amin na mga saleslady para mag suggest ng mga mamahaling damit.

Hinilot ko ang aking sentido. "Come on, Cath. Madami na to, saka hindi din ako sigurado kung magagamit ko ito lahat.". Reklamo ko at hinawakan ang kanyang siko.

Ngumuso naman sya na parang bata. "Isa nalang, promise, isang dress nalang.". Kasabay nun ang paghablot nya ng isang dress kanyang gilid.

( -  .  - )

Pumunta na kami sa counter para mag bayad.

"29,050 po lahat ma'am."

( O _ O )

Hindi ko naitago ang aking gulat sa sinabi ng cashier. Samantalang si Cathy naman ay nakangiti habang inaabot ang kanyang card.

Kinalabit ko ang kanyang tagiliran para makuha ang kanyang atensyon.

"Ibalik nalang natin yung dalawang dress.". Bulong ko.

Nagtataka naman nya akong tiningnan.

"Why?"

"Anong 'why'? Ang mamahal nyan, and besides, wala akong pagagamitan.". Bulong ko.

"No, no, you should stop worrying about that. This is my gift for you, ayaw mo ba sa regalo ko?". Nakaramdam ako ng konsensya ng marinig ang tono ng boses nya.

Bumuntong-hininga ako bago sumagot. "F-fine. But please, umuwi na tayo pagkatapos nito. Baka hinahanap kana din.". Sabi ko.

Masaya naman nya akong sinang-ayunan bago binigay ang card nya para magbayad.

Nang makalabas kami ay dala-dala nya ng pinamili. Ayaw nyang ipabitbit sa akin dahil may pupuntahan pa daw kami.

"What? I thought we agreed to go home after?". Taka kong tanong.

Iniwas nya naman ang tingin bago humagikgik.

"Kumain muna tayo? Please?". She looked at me like a cute little puppy.

Really??

Umirap ako bago nagpahila sa kanya.

Sa isang Cafe nya ako kinaladkad.

"You go and find a table for us, I'll order nalang, okay?". Hindi pa ako nakakapag-salita nang tumalikod na sya para umorder.

Wala naman akong nagawa kundi maghanap nalang ng table.  Nakahanap ako ng  table sa gitna. Umupo ako dun at itinabi ang pinamili ni Cathy.

Maybe in timeNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ