23

12 1 0
                                    






3rd person's POV


"We better off as friends? Mukha mo, Gabriel!". Tumawa si Vince habang nasa conference room sila. "Friends pala eh! Bat mo hinahanap ngayon? HAHAH ang rupok mo din eh!"

"I'm just checking on her."

"Wag na natin asarin, nagbibinata eh."

"Nagbibinata? Eh nung highschool pa yan."



Kakatapos lang ng kanilang meeting. Nagpaiwan naman sina Vince at Eros dahil napapansin nilang medyo lutang si Ace.

Kanina pa kasi ito absent minded.

'What can you say Mr. Cordova? Do you agree?'

'I'll review your presentation later. This meeting is dismiss.'



Pagkatapos nun ay yumukyok lang ito sa long table. Saka lang nito naisip kung ano ang sinabi nya kay Nathan.


I should never open my mouth when I'm upset.


What he meant was to give Mabel some space, while he fix his problem with his Mom.


He didn't know know why those words came out from his mouth. 


"Are you sure? Kaibigan nalang talaga?". Tanong ni Eros.

"Of course not.". Isinandal nya ang likod sa upuan.

Napangiti sya ng maalala kung paano nya ito halikan noon. Hinawakan nya ang sariling labi.


Soon, babe. Soon. I'll be able to taste those luscious lips of yours again.


Just a little more.




++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++













Isinara ko ang laptop at nag-unat ng kamay. Hinilot ko ang gilid ng aking ulo.

Hmn..

Binuksan ko ang aking kabinet para mag-hanap ng paracetamol. Parang napapadalas na ata ang pag sakit ng ulo ko ah.


Napangiti ko ng tumunog ang phone ko.


"Hello, Nathan. Kamusta?". Bati ko sa kanya.


["Hi ate! Ayos lang naman po ako.".] Medyo nalungkot ako ng mapansin ang ang boses nya. Matamlay.

"Mabuti naman, magpapadala pala ako ng allowance mo bukas ha? Teka, kamusta na pala si tita? Hindi sya sumasagot pag tumatawag ako eh.". Inayos ko ang aking mga unan pati ang kumot. Balak ko na kasing matulog. Maaga pa ako bukas dahil balak ko nang mag linis ng classroom.


["Ayos naman si mama....uhm..kukunin ko nalang bukas yung pera pagkatapos ng klase ko.".] Naramdaman kong may gusto pa syang sabihin kaya tumahimik lang ako.

["Ate...a-ayaw mo na ba kay kuya Ace?"]

Sandali pa akong natahimik. "Bakit?". Tanong ko.

["Sabi nya kasi sakin nung isang araw.....mas mabuti nalang na magkaibigan kayo."]


(⁠・⁠_⁠・⁠;⁠)


"Sinabi nya yun?"


["Oo, nag-away ba kayo ate?"]



Anong...



Maybe in timeOnde histórias criam vida. Descubra agora