9

27 12 0
                                    





Magdamag akong hindi nakatulog sa kakaisip sa sinabi nya. Matapos nya kasing sabihin yun ay tinawag na ako ni papa kaya hindi ako nakasagot.



Tiningnan ko si Nathan nakayakap sa akin at mahimbing ang tulog.



Maya-maya ay alas-dose na. Tsk. May pasok pa ako bukas eh.



Napapikit ako sa inis. Ano ba kasing pumasok sa isip nya at sinabi nya yun? Eh ilang buwan palang kaming magkakilala ah.



Baka naman as a friend lang Mabel. Wag ka kasi mag assume.



E-eh papaano nga kung gusto nya nga ako?..



Sus! Impossible! Halata namang hindi ako ang type nun no!



Kinagat ko ang pang-ibabang labi.



Ano kayang mga tipo nya sa babae?



Yung hindi ako.



Aaaand why am i even thinking this way?! Wala naman akong pake!



Nauuhaw tuloy ako. Maingat kong inalis ang pagkakayakap ni Nathan sa akin. Inayos ko ang kanyang kumot bago dahan-dahang lumabas.



Madilim ang paligid dahil patay ang lahat ng ilaw. Maingat akong bumaba ng hagdan na nangangapa.  Asan ba yung switch dito?



Nang makarating na ako sa ibaba ay nagitla ako nang marinig ang boses ni papa.



Bakit hindi niya binuksan ang ilaw?



"Hindi naman. Sige, pupunta ako.". Dinig kong sabi ni papa.



Mukhang may kausap sya telepono. Umilaw ang kanyang phone kaya nakita ko ang kanyang mukha.



Maya-maya pa ay narinig ko ang pagbukas-sara ng pinto.



Nanatili ng tingin ko sa pinto.



Saan naman sya pupunta? Hindi ko narinig ang tunog ng sasakyan kaya siguradong naglakad lang si papa.



Nawala sa isip ko ang sadya sa kusina, kusa nalang ding naglakad ang mga paa ko palabas.



Paglabas ko ay bumungad sa akin ang malamig na hangin. Hindi ko ininda iyon at nakitang ang layo na ni papa.


Ang tahol ng mga aso at ang tunog ng hangin lang ang naririnig ko. Iniyakap ko ang aking mga balikat.



Why do i have a feeling that something bad is gonna happen?




Bakit pa sya lalabas ng ganito ka gabi kung king hindi importante.




Mabagal akong sumunod sa kanya. Lumiko sya sa isang kanto kung saan naroroon ang isang basketball court.



Siniguro kong nasa maayos na dinstansya lang ako para makita kung ano ang gagawin ni papa.



Nagulat ako nang makita si Trenton na naka upo sa isang monoblock. Nang makita nya si papa ay agad syang tumayo para bumati.



Lumapit pa ako ng kaunti para marinig ang mga boses nila.



Hayst. Mukha tuloy akong chismosa.




"Narinig ko po yung nangyari kay Mabel, ayos lang po ba sya?".



"Yes, ang sabi ng doktor ay nalipasan lang sya ng gutom."



Maybe in timeWhere stories live. Discover now