7

25 15 0
                                    






3rd person's POV

"Manang, paki tawag nga si Gab, sabihin mo kakain na.". Mahinahong utos Mrs. Cordova.

Agad namang umakyat ang punong kasambahay at ginawa ang utos ng amo.

Nasa hapag na ang buong pamilya ni Ace at sya na lamang ang hinihintay. Kadarating lang ng kanyang Kuya Aidan galing Canada. Doon ito nag-aaral ng Medisina.

Mag-dadalawang taon na syang nag-aaral sa ibang bansa. At tanging isang linggo lang sya sa tatlong buwan kung umuwi.

"How's Gab, Mom?". Tanong ni Aidan sa kanyang mommy. Hindi nya pa din ginagalaw ang kanyang pagkain.

Gusto nyang antayin ang bunsong kapatid.

"He's doing well...lalo na sa school.". Tahimik naman ang kanyang Ama sa gitna. "He is more interested in cooking these past few days, which is a bit.. you know, unusual."

Kumunot naman ang noo ni Aidan.


"Cooking? That's new.".



Tumawa naman ang kanyang mommy.

"But i have to admit. He cooks well.". Papuri nito.


Hmn...i wonder why?


Bumaba ang punong kasambahay nang mag-isa.


"Manang? Where's Gab?". Tanong ni Aidan.


"Busy raw po siya sir. Bababa nalang daw po sya mamaya.". Sagot nito sabay yuko.

"Why? What is he doing? Homeworks?". Tanong ng mommy nila.

"Hindi po niya sinabi eh.". Umalis na ito pagkatapos.


"I'll go check on him.". Sambit ni Aidan at tumayo.

Tinahak nya ang daan patungo sa kwarto ng kapatid at kumatok ng tatlong beses.

"I said I'll be there once I'm done here.". Sagot nito mula sa loob.

Nagtaka sya dahil kalmado lamang ang boses nito. Dati-rati ay halos pasigaw ito kung sumagot.

"It's me, Gab.". Aniya.


Sandaling katahimikan ang namayani bago bumukas ang pinto ng kwarto nito.

Bumungad sa kanya ang mukha ng kapatid. Naka pambahay na shorts lang ito at black t-shirt.

Pumasok sya at inilibot ang tingin sa loob.


Wala pa ding pinag-bago.


Natawa sya nang maalalang natanggal ang isa nilang katulong dahil pumasok ito sa kwarto ng kapatid para maglinis.


Knowing his brother, ayaw nitong may pumapasok na ibang tao sa kwarto nito.


He prefers cleaning his own room.


"What are you doing? Supper's ready".


Wala itong sagot. Sa halip ay umupo ito sa harap ng salamin at inisa-isang tinanggal ang mga hikaw sa tenga. Marahan nya ding nilisan ito gamit ang sanitizer.


"You can eat without me.". Sabi nito.

"May nangyari ba?". Tanong nya sa kapatid.

Maybe in timeWhere stories live. Discover now