13

23 7 0
                                    

Umupo ako sa sofa at inilagay ang bag sa aking tabi. Wala na akong lakas pa para umakyat at magbihis. I was exhausted.

Months felt like days living in here. It doesn't feel like home.... maganda ang bahay at puro mamahalin ang mga gamit. Pero wala namang tao parati.

It's been what? 7 months?

I remember when i was 7. I went home upset because my friend didn't play with me.... instead she played with her new set of friends. But at night, my mom read me a bedtime story, sang me a lullaby and slept with me.

I smiled. I miss those good old days.

Hindi ko namalayang nakatulog ako sa sofa. Kung hindi pa ako ginising ni tita Veronica ay baka dun na talaga ako natulog magdamag.

"Kain na tayo, Mabel.". Bumungad sa akin ang maluwag nyang ngiti. Simpleng pambahay ang suot nya. Ako naman ay hindi pa nakakapag-bihis.

"Sila papa, po?". Tanong ko.

I didn't even bother to change my clothes. I went directly to the kitchen.

"Wala sya ngayon, kasama nya si Nathan. Pumunta sila sa lola Hera mo. Mukhang doon matutulog.". Sabi nya. Naglagay sya ng kanin at ulam sa plato ko.

"Oh eto, kumain ka ng marami ah, tayong dalawa lang ngayon kaya kailangan maubos natin itong ulam.". Nilagay nya sa harap ko ang plato.

"Anong gusto mo? Gatas o juice?". Tanong nya na naka-talikod sa akin. Nakaharap sya sa ref at hinihintay ang sagot ko.

"Gatas nalang po.". Tumayo din ako para maghugas ng kamay.

Siya naman ay nag salin ng gatas sa aking baso. Samantalang kape naman ang tinimpla nya para sa sarili.

"Kamusta naman ng school mo? Ayos lang ba?". Tanong nya.

"Ayos lang naman po.". Sagot ko. Naupo na din ako at kumain.

"Buti naman. Gusto mo ng tinapay?". Inalok nya ako ng kinakain nya. Magalang ko namang tinanggihan iyon.

Maganda si Veronica. Maasikaso din. Siguro nga, yun ang nagustuhan ni papa sa kanya. Dati kasi....madalang lang sila ni mama magkausap ng matino. Lahat nauuwi sa sigawan.

"Oh, hindi mo ba nagustuhan ang luto ko?.". Mukhang napansin nya ang pag-iiba ng mood ko.

Umiling naman ako. "No, it's good.". Sabi ko at patuloy na  kumain.

Hindi naman kami naging awkward nung gabing iyon.

Pero.....




Hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari.




Kinaumagahan ay si papa ang naghatid sa akin. Na ipinagtaka ko. Kaming dalawa lang sa loob ng sasakyan.

Something is wrong. I can feel it.

Hindi ko mabasa ang mga emosyon na nasa mukha ni papa.

Mas lalo pang lumakas ang kutob ko ng huminto kami sa isang malaking building.

"Dad, bakit po tayo nandito?". Tanong ko.

Huminga syang malalim.

"I'm so sorry, darling...but I can't let this happen to you.". Isinandal nya ang noo sa manibela.

"Ano pong pinagsasabi nyo?". Nagsimula nang manginig ang kamay ko. I have a bad feeling about this.

"What ever happens, just remember, papa loves you okay?". Ngumiti sya kahit kita ko ang kaba nya.

Maybe in timeWhere stories live. Discover now