21

17 1 0
                                    





Muli kong kinalabit ang aking gitara. Lahat naman ng mga estudyante ko ay sabay-sabay na nagkantahan.


🎶 Sitsiritsit, alibangbang
Salaginto at salagubang
Ang babae sa lansangan
Kung gumiri'y parang tandang 🎶

🎶 Santo Niño sa Pandakan
Putoseko sa tindahan
Kung ayaw mong magpautang
Uubusin ka ng langgam 🎶

Ngumiti ako at naki-sabay na rin sa kanila.

🎶 Mama, mama, namamangka
Pasakayin yaring bata.
Pagdating sa Maynila,
ipagapalit ng manika. 🎶

🎶 Ale-ale,namamayong ,
pasukubin yaring sanggol,
Pagdating sa Malabon,
ipagpalit ng bagoong. 🎶

Bumirit sila sa huling mga salita. Pagkatapos ay nagpalakpakan.

"Very good!". Pumalakpak din ako at tumingin sa labas. Kung saan naghihintay ang mga magulang ng mga bata. Sumenyas naman ako na sandali lang muna.

"Okay, bago tayo umuwi, pwede bang tumayo ang lahat?". Itinabi ko ang aking gitara at tumayo na din. "Magdasal muna tayo, okay?". Tumango naman silang lahat. "Who wants lead the prayer?"

Natawa naman ako dahil halos lahat sila ay nagtaas ng kamay.


"Ma'am ako!"

"Ako ngayon, ma'am!"


Inilagay ko naman ang aking hintuturo sa pagitan ng aking labi. "Sige, para wala ng ingay, ako na muna ngayon. Now, can we please, bow our heads and close our eyes.". Hinintay ko munang makapikit ang lahat pago ko sinumulang magdasal.

"Dear Father and Lord of all, Thank you for our school and everybody who works and studies in it. We are so grateful for all the things we have learnt today. Lord, we thank You for Your glory and blessings. May the things we learned lead us closer to You. Amen."

Lahat naman sila ay kanya-kanyang kuha ng bag para lumabas. May iba din na nagmano muna sa akin bago umalis.

Ako naman ay naglinis na muna ng classroom. Wala namang masyadong kalat dahil hindi naman sila nagtatapon ng basura sa sahig.

Niligpit ko ng aking mga gamit bago isinara ang classroom.

Naglakad ako pauwi. Tumunog ang aking phone. Nang tiningnan ko kung sino ang caller ay sinagot ko kaagad.

"[Mabel... hello?]".

"Oh, Cathy, napatawag ka?". Tumigil ako at pumunta sa isang tindahan. Inipit ko ang phone sa leeg at balikat ko habang kumukuha ng barya sa aking pitaka.

"[Anong napatawag?! Hindi mo ba sinabi kay Ace kung saan ka pupunta?!]". Sigaw nya sa kabilang linya.

Natigil naman ako sa ginagawa. "Isang napkin nga po.". Sabi ko sa tindera. Inabot ko na din ang bayad ko.

Maybe in timeWhere stories live. Discover now