4

44 21 0
                                    


"Mabel, gusto ka daw kausapin ng mama mo."

Nalipat ang tingin ko sa bukas kong pinto. Kung nasaan si papa. May hawak syang laptop at nakita ko doon ang mukha ni mama.

Somehow...i feel a little weird. Parang naaalala ko lahat ng dahilan kung bakit ako nandito. Parang...bumalik lahat ng galit ko kay papa.

Nathan is asleep beside me. Halos gabi-gabi nalang ay parati na syang natutulog dito.

"Sandali lang po."

Tumayo ako sa kama ng dahan-dahan para hindi magising si Nathan.

Ipwinesto nya naman ang laptop sa study table ko. Nakita ko ang namumulang mga mata ni mama.

Nang makita nya ako ay isang malaking ngiti ang ipinakita nya.

"Mabel, anak, kamusta kana dyan? Ayos ka lang ba? Kumakain ka ba ng maaayos?". Sunod-sunod ang naging tanong nya.

"Ayos lang po ako.". Maikling sagot ko. "Sina..lola po?".

"Ah nasa bahay anak. Nandito kasi ako sa bayan, may ginagawa lang ako. Nakitawag lang kase ako ng laptop dito sa tita mo.". sabi nya. Halata nga na nasa palengke sya. Ng ganitong oras. Madaming tao sa likod at mga nagtitinda ng isda. Samantalang ako dito, nakahiga na. Handang matulog.

Hindi naman ako tanga para hindi mapansin kung bakit sya nandun. Malamang ay nasa ospital na naman si lolo, at nagtratrabaho na naman sya sa palengke para pandagdag sa gastos.

Nagsalubong ang kilay ko. Nakitawag?

"Di po ba may sarili kayong laptop?". Ginagamit nya iyon sa trabaho nya.

"Ayun nga yung ipapadala ko dyan sayo.". sabi nya. Pinunasan nya naman ang tumulong pawis sa leeg at pisngi nya.

"Ma, akala ko ba nag-usap na tayo tungkol dyan? Kung ipapadala mo sakin yang laptop mo, anong gagamitin nyo dyan?". Sa tabi ko naman ay nakikinig lang si papa.

"Eh paano ka naman? Dito marami akong mahihiraman, ikaw--".

"Magpapabili po ako kay papa ma, wag nyo na po akong padalhan ng laptop.". Mahinahon kong sabi. "Saka bakit po ba kayo nandyan?". Tanong ko. Sana nga ay magsabi sya ng totoo sakin.

"Ah namili lang ako nak.".

Sinunggaling.

Why does she need to lie?

Naging kabado ang boses nya ng sagutin nya ako. Makikita din sa mukha nya na pagod nya sya. Pero kahit gabi na ay nagtratrabaho pa din.

"Nasaan po yung pinamili nyo?". tanong ko ulit.

"Ahh..nasa...nasa tricyle na..". Hindi sya makatingin sa akin ng maayos. "Mabuti pa siguro ay magpahinga kana, gabi na at may pasok kapa bukas.".

"Umuwi na po kayo, paki kamusta lang po ako kay lola at lolo.". bilin ko.

Hindi ko mapigilang magalit kay papa. Kung hindi lang sana sya nagloko noon..hindi sana kami nagkahiwalay. Hindi sana... naghihirap si mama.

"Sige nak, bye na ha? Ingat ka.".

"Ma?". Pigil ko. Binigyan nya naman ako ng nagtatanong na tingin. "Miss ko na po kayo. Ingat po.". Ngumiti naman ako bago pinatay ang video call.

Baka kasi tumulo yung luha ko bigla. At mag-alala sya.

Lumunok ako bago ibinalik ang laptop kay papa.

Maybe in timeWhere stories live. Discover now