Chapter 42

1K 57 22
                                    


Chapter 42

"HOW is Cheska?" Tanong niya kay Rio nang makalapit ito sa kanila. Ang mga mata nito ay nakatuon lamang sa mga plano na ginagawa nila upang iligtas sina Eloisa at Calyx.

"You pray to God that she survive the fucking operation, Callum." Malamig at makapanindig balahibong tugon ni Rio at ang mga mata nito na may halo-halong emosyon ay bumaling sa kanya. "Dahil sinisiguro ko sa'yo na hindi ko hahayaan na mapunta sa'yo ang kapatid ko."

"Rio."

Pumagitna si Aidan sa kanilang dalawa nang makita nito ang galit sa kanyang mukha. Hindi niya nagugustuhan ang sinasabi nito. "Anong kinalaman ko sa nangyayari?"

"Your Grandfather started all of this! You.." Dinuro siya nito. "Because of you, my sister and Calyx are in danger. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, hindi ko sana hinayaan na pumasok ka sa buhay niya."

"Pwede bang mamaya na kayo mag-away? Kapag natapos na tayo rito at makita na ligtas silang dalawa? Sige, hahayaan ko kayong magsuntukan." Asik ni Aidan. "Isantabi muna ninyo kung anuman ang galit na meron kayo. O kung talagang gigil na gigil kayo sa isa't isa, umalis na lamang kayo rito dahil nakakaabala kayo sa trabaho ko."

Pareho silang natahimik ni Rio. Humugot siya ng malalim na hininga saka iyon pinakawalan upang pakalmahin ang sarili.

"Maghihintay tayo hanggang magdilim. Hahatiin ko kayo sa tatlong grupo." Ani Aidan. "Rio, you'll be with Keira. Callum, you'll come with me. I can't have you doing things without my approval, understood? Tandaan mong dalawa ang buhay na kailangan nating iligtas ngayon."

Tumango lamang siya. Kung para kay Eloisa at sa kanyang mga anak ay susundin niya kung anuman ang gusto ni Aidan. Kailangan niyang pigilan ang kanyang sarili na gawin ang gusto upang hindi mapahamak ang kanyang mag-iina.

Ilang oras rin silang naghintay sa labas at ayon kay Keira na siyang nakapasok sa loob ng mataas na bakod ng abondanong lugar ay walang pag-galaw ang nangyayari mula sa loob at lima lamang ang mga taong nagbabantay.

Tinanong niya mula sa walkie-talkie kung nakita ba niya ang mag-ina niya at sinabi nitong may isang kwarto ang nilalabas-masok ng isang babae na sa kanilang tingin ay si Ingrid.

Kataka-taka na nakapasok ito sa napakataas na bakod. Natatawa at napapailing na lamang si Aidan nang makita rin nila na ang kasama nito ay bumalik na sa kanila.

"With Keira, anything is possible." Nakangising sabi ni Aidan. "Good thing she's wearing black."

Nagkatinginan na lamang sila ni Rio dahil hindi nila alam kung ano ang ibig nitong sabihin.

Hindi naman nagtagal nang sumapit ang dilim na siyang naging hudyat na sila ay pwede ng kumilos. Si Rio ay sumama sa isa sa tauhan ni Aidan na siyang nakakaalam ng kinaroroonan ni Keira. Siya ay kay Aidan na sa main entrance ng bakanteng lugar pumasok. Siniguro nila na walang makakakita sa kanila at kahit hindi siya eksperto sa pagtatago sa sulok ay ginawa niya ang lahat upang maitago ang sarili.

Mula sa loob ay naaninag na nila ang isang malaki at abandonadong tahanan na tanging sindi lamang ng kandila ang meron. Dinig rin nila si Ingrid at ang isang lalaki na nagtatalo mula sa loob.

"They may be distracted but we can't be hasty." Ani Aidan. "Siguraduhin muna natin ang lokasyon nina Eloisa bago tayo pumasok. Now that we know Ingrid's location, we will cross out the area. I will divide this team into two and scout the remaining area. Aleksei and Keira's team is on the other side. Ingrid's men is nowhere to be found so.." Bumaling si Aidan sa kanya at malalim na bumuntong hininga. "I trust you handle yourself when I am not around, Callum. Sa totoo lang ay hindi talaga kita pwedeng isama rito, pero dahil alam ko na hindi kita mapipilit ay wala na akong magagawa pa. Ang tanging gagawin mo lamang ay hanapin ang lokasyon ni Eloisa kasama ng ilan sa mga agents ko. Please be safe."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 16 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Trace of YouWhere stories live. Discover now