Chapter 24

622 54 15
                                    


Chapter 24

HINDI na siya nagulat pa nang makita ang magkakaparehong reaksyon ng mga Saavedra nang makita ang bata. Hindi maipagkakaila na ito ay anak ni Callum. Bumaling ang lahat sa kanya at mas lalong nalaglag ang panga nang mapagtanto kung sino siya sa bata. Parang palaisipan na nagtagpi-tagpi ang lahat  sa mga ito.

"You're kidding." Usal ni Cole na hindi makapaniwalang nagpalipat lipat ng tingin sa kanilang dalawa ni Callum. "How?"

Paano ba niya sasagutin ang tanong nito? Paano niya sasabihin na napagkamalan niya ang kanyang kuya na si Cole at dahil desperada siyang babae ay nagparaya siya. Sa iisiping si Callum ay si Cole.

"Oh my God!" Maluha luhang napatakip ng bibig na lumapit ang ina ni Callum sa kanyang anak. Hindi nito alam ang gagawin. Kung yayakapin ba ang anak niya o hindi. Ang mga mata ay may kislap ng saya at lungkot. Lumuhod lang ito sa harap ni Calyx saka nito hinaplos ang mukha ng bata. "What's your name?" Nanginginig ang boses nitong tanong.

"My name is Calyx Eleon Gamboa." Pagpapakilala ng anak sa buo nitong pangalan. "I am eight years old and I am in my first grade. And I want to be a farmer." Hindi niya napigilan ang kanyang ngiti dahil sa magalang nitong tono.

Nag-angat ng tingin sa kanya ang ginang at bakas sa emosyon nito ang labis na kasiyahan. Niyakap nito ang anak at gaya ng kanyang itinuro kanina sa sasakyan ay magalang na tumugon ang anak sa yakap nito. 

Lumapit rin ang ama ni Callum na bagama't nakangiti ay hindi maitago ang emosyon. Hinaplos nito ang ulo ng anak at doon ay hindi na nito pinigilan pa ang luha. "Nice to meet you, apo. I am your Lolo."

Nakaramdam naman siya ng kirot at pagsisisi sapagkat pinagkait niya ang anak sa mga ito.

Humawak si Callum sa kanyang likuran upang sabihin sa kanya na hindi niya kasalanan na hindi ng mga ito nakilala ang bata. Kakat'wang alam nito kung ano ang nasa isip niya at dahil doon kahit na papaano ay guminhawa ang kanyang kalooban.

Dumako ang kanyang mga mata sa Congressman na nanlilisik na nakatingin sa kanya. Nagdarasal na sana ay hindi ito sumabog at sumigaw sa harapan ng kanyang anak. Siya na ang unang nagbawi ng tingin dahil natitinag siya nakakasindak nitong tingin.

Tahimik lang si Lauren at batid niya na masama ang loob nito sa kanya dahil sa paglihim niya sa isang importanteng bagay. Nangako sila sa isa't isa noon na hindi maglilihiman at kahit na anong sekreto ay hindi niya pwedeng ilihim.

Iniwas nito ang tingin sa kanya at lumapit sa mga anak. Hindi niya maiwasang masaktan sa ginawa nito ngunit naiintindihan niya kung ano ang nararamdaman nito.

"Let's have a seat." Aya ng mayor sa kanila.

Hinila ni Callum ang dalawang upuan sa tabi nito sa mahabang mesa kung saan nasa hapag ang mga iba't ibang pagkain. Si Calyx na kakagising lang ay hindi pa nakaramdam ng gutom kaya naman hindi ito umupo at lumapit sa dalawang babae.

Si Cole ang nagpakilala sa dalawang anak kay Calyx na nahihiyang humarap sa kanyang anak. Pinanood niya ang interaksyon ng magpipinsan at ang unti-unting pag-komportable ng dalawang bata sa kanyang anak.

"Bakit hindi mo sinabi sa amin, Eloisa?" Kapagkuwa'y tanong ng ginang. Malungkot ang mga mata nito sa kanya. "Edi sana ay nakilala namin siya ng mas maaga."

"Eloisa, we are not mad at you." Singit naman ng Mayor upang itama ang gustong ipunto ng ginang. "Sa katunayan ay masaya kami na malaman ito. Isang napakagandang dagdag na regalo sa amin si Calyx. Ang gusto lamang naming malaman ay bakit umabot ng siyam na taon, bago mo inilabas si Calyx."

Hindi niya alam kung ano ang isasagot sa mga ito. Kaya naman bumaling siya kay Callum na naintindihan kung ano ang ibig nitong ipahiwatig.

"It's complicated." Ani Callum. "Sasabihin naman sana niya kaya nga lang, ipinagkasundo niyo ako kay Cheska." Nanlaki ang kanyang mga mata sa kasinungalingang ibinahagi nito, magsasalita sana siya ngunit hinawakan nito ang kanyang kamay saka iyon pinisil. "Kaya itinago niya si Calyx sa inyo at sa akin para hindi ang anak ko ang mapagbalingan ni Lolo. Ayaw niyang madamay ang anak ko sa kasakiman na ginagawa niya."

A Trace of YouWhere stories live. Discover now