Chapter 33LIMANG ARAW matapos ang gabi ng paghuli sa Lolo nina Callum at Cole ay naging maingay ang balita sa buong San Isidro ngunit mas pinili ng mga Saavedra na hindi magsalita tungkol roon. Napalitan ng bago o sa madaling salita ay dapat na Congressman ang kanilang lalawigan. At ang kaso ng matanda ay nailipat na sa pinakamataas na husgado. Naging abala si Callum na siyang palaging kasama ni Cole upang alalayan ang matanda sa Maynila. Kaya naman tanging tawag o video call lamang sila nagkakausap ni Callum.
Sa loob ng limang araw na iyon ay pilit siyang kinukumbinsi ng kanyang Mama na bumalik na lamang sa Amerika pansamantala at wala siyang magawa kundi ang pumayag na lamang sapagkat sa tingin niya ay iyon ang mas makakabuti sa kanila ni Calyx. Bagama't gusto niyang damayan si Callum sa problemang kinakaharap nito ngayon ay hindi niya magawa dahil maging siya ay iniisip rin ang kanyang visa. Pitong araw na lamang kasi at mag-eexpire na ang kanilang visa ni Calyx at kailangan na nilang bumalik sa Amerika.
Napabuntong hininga siya habang iniimpake ang mga damit niya. Kinailangan pa niyang tawagan ang kuya niya upang tulungan siya sa paghahanap sa kanyang mga maleta na mukhang itinago ni Callum sa pinakamataas na bahagi ng closet. Gusto niyang matawa sapagkat nahihinuha niya na ayaw siya nitong paalisin.
"Have you tell him?" Pukaw sa kanya ng kuya niya nang pumasok ito sa kwarto.
Nanlulumong umiling siya. "Hindi pa. Ayoko na kasing dagdagan pa ang problema niya kaya hindi ko na sinabi."
"You both are not a burden to him, I hope you know that." Wika ng kapatid. "If anything, he would be really upset if he finds out. Hindi mo alam kung anong nangyari sa kanya noong hindi ka niya mahagilap sa bahay, nine years ago."
Napakurap siya at hindi makapaniwala.
"Yeah, he went crazy as hell! I remember how desperate he was to find you back then." Sabi pa nito. "Para siyang bata na nawalan ng mamahaling bagay na ikamamatay niya kapag hindi niya nakita. Bilang kuya mo, of course I asked him why he was looking for you. I knew he liked you, but I fiegned ignorance because I thought it was just a simple affection. Little did I know, he was.." mariin nitong ipinikit ang mga mata saka sinuklay ang mahaba nitong buhok.
"I don't regret what happened that night, kuya." Aniya rito upang kahit papaano ay maibsan ang kung anuman ang nararamdaman nito. "If anything, it was a blessing in disguise. Atleast, nawala 'yong guilt na nararamdaman ko at hindi ko na kailangan pang itago si Calyx. Siguro kung hindi ko lang nilayasan ang problema ko noon, baka noon palang si Callum na ang mahal ko. He was not hard to love, you know."
"But I did stand in the way." Nanlulumong sabi ng kuya niya. "Kung hindi ko siya pinigilan, siguro hindi mangyayari ang lahat ng ito."
"Just so you know, I am not a baby anymore. Hindi mo na ako kailangan pang protektahan dahil nandiyan si Callum para gawin 'yon." Tumayo siya at mahigpit na niyakap ang kuya niya. "You don't have to worry about me. I will be fine."
"To me you are still my baby sister. Kahit matanda ka na, huwag kang makakalimot na lumapit sa akin. Be it financially or emotionally, I'll always be here for you."
"I know." Ang kanyang kuya ay hindi pumalya na iparamdam sa kanya kung gaano siya kaswerte rito.
"So, matutuloy kayo sa Amerika?"
"Para mapanatag si Mama. Hanggang sa matapos ang problema ni Callum. Tatawagan ko siya para hindi na niya ako hanapin pa."
Malalim ang naging pagbuntong hininga ni Rio at naramdaman niya ang pagtango nito. Kalaunan ay nai-impake na nila ang mga gamit saka sila bumaba. Bumalik sa kanilang bahay upang kunin si Calyx na naghihimutok at gustong magpaiwan.
YOU ARE READING
A Trace of You
General FictionAlam ni Eloisa na hindi matutuhugunan ang kanyang lihim na pagmamahal sa kanyang kaibigan. Kaya naman nang magkaroon siya ng pagkakataon ay ginamit niya iyon upang makasama ito kahit isang gabi lamang. Paglipas ng siyam na taon ay muling babalik sa...