Chapter 35

554 52 9
                                    


Chapter 35

NANG sila ay makarating sa restaurant sa isang hotel ay sumalubong sa kanya ang malamig na simoy ng hangin. Kahit pa naka-long sleeve siya ay dama niya ang lamig dahil nasa rooftop ito nakalagi.

Humawak ang palad ni Callum sa kanyang tagiliran dahilan para maramdaman niya ang init ng katawan nito. Kahit na papaano ay naibsan ang panlalamig ng kanyang katawan.

"Table for two, under my name. Callum Saavedra." Imporma ni Callum sa waitress na sumalubong sa kanila.

"Ah yes, sir." Iminuwestra nito ang isang table sa pinakagilid kung saan matatanaw nila ang buong Maynila.

Hindi kaagad siya umupo nang hilain ni Callum ang upuan. Bagkus ay tinanaw niya ang iba't ibang ilaw sa ibaba at mga gusali. "This is nice." Kung siya ang tatanungin ay mas gusto niya ang simpleng date lamang sa tabing ilog sa kanilang probinsya, mas nawawala ang stress at pagod niya dahil sa maberdeng tanawin.

Pero masaya siya dahil nag-effort si Callum at ibinigay sa kanya ang isang date na kahit minsan sa buhay niya ay hindi niya natanggap.

"Do you like it?"

"I love it, Callum."

Iminuwestra ni Callum ang nakalabas na upuan at siya naman ay nagtungo upang umupo roon. Maingat na ipinasok ni Callum ang upuan kasama siya bago ito umupo sa upuan na nakaharap sa kanya.

The ambiance was beautiful. She can see a lot of people at every table. Couples, groups and even families are there to enjoy not just the food but also the scenery.

"We should've brought Calyx." Aniya nang makita ang isang pamilya 'di kalayuan sa kanila. May dalawang bata na babae at lalaki na kasama ang mga ito at habang nag-uusap ang dalawa ay naglalaro naman sa upuan ang mga bata.

"Next time. For now, I want to enjoy this date with you."

Hindi na siya tumanggi pa.

Lumapit ang waitress sa kanila dala ang menu na inilapag nito sa kanilang harapan. Nakatayo ang babae sa harapin at hinihintay ang kanilang order. "What's your best dish? Can you tell us?" Tanong ni Callum na hindi inaalis ang tingin sa menu.

Hindi niya maiwasang mapangiti dahil sa nakapalalim ng gatla ng pagkakakunot ng noo nito at marahil ay marami ang magsasabi na hindi ito ang klase ng lalaki na lapitin. Malamang ay pinapakita nito ang ganoon klase ng personalidad upang walang babae ang magka-interes na hangarin itong maging kasintahan.

But unfortunately to all the ladies who would dare to even think of talking to him, he's already taken. And Eloisa would kill just to make sure no other woman can steal him from her. Hindi niya hahayaan na may makalapit at magtangka na akitin ito dahil baka makita ng mga ito kung paano siya magalit.

"El,"

Napakurap siya nang pukawin ni Callum ang kanyang atensyon. Hindi niya namalayan na siya ay nakatingin rito at hindi rin niya narinig ang mga putaheng binanggit ng waitress.

Tumikhim siya nang makita niya ang pagsilay ng ngisi sa labi ni Callum at ang nanunukso nitong tingin. "What is their best dish?"

"All of them." Nakangising ani Callum.

"Kung ano ang sa'yo, iyon rin ang akin." Hindi niya mapagkakatiwalaan ang kanyang pagpili ngayon dahil hindi naman niya narinig ang mga sinabi ng waitress.

"One cajun shrimp regatoni, two seafood chowder, chicken tandoori salad, and chili calamari." Saad ni Callum.

"Ok, sir. We'll be expecting your order in 30 minutes, please enjoy yourself with our best seller wine." Inilapag nito sa mesa ang wine bottle kasama ng wine glass. 

A Trace of YouWhere stories live. Discover now