Chapter 7

709 56 19
                                    

Chapter 7

BAKAS ang iritasyon sa mukha ni Callum pagpasok niya sa kanyang Private Suite kung saan naroon ang dalawa niyang kaibigan na si Aleksei at Aidan na nakaupo sa sala at umiinom. Inis niyang tinanggal ang kanyang kurbata at ibinaba sa mesa. Alam niya na pinapanood ng dalawa ang bawat galaw niya at dinig niya ang pag-ingos ni Aleksei.

"What's the problem?" Tanong nito sa Russian accent nito. Si Aleksei ay may ugali na kapag mang-iinis ay Russian accent nito ang gagamitin.

"Nothing."

"It could be something." Natatawang sabi nito saka sumimsim sa hawak na bourbon. "Hindi ka aakyat dito kung walang dahilan. And why the hell did you even come down? I thought you invited us because you hated parties."

"It's for my brother." Tiim bagang na sagot niya, ngunit ang pagbanggit pa lamang niya sa kapatid ay mas lalong nagpapainit ng ulo niya.

Totoong hindi niya gusto ang dumalo sa ganoong pagsasalo. Kaya nga inimbitahan niya ang mga kaibigan sa El Paraiso upang samahan siyang uminom. He was with them when he recieved a text from Cheska, informing him that Rio and Eloisa were there. So as fast as lightning volts, he went down.

And he'll be damned if he lies to himself that his heart did not beat fast when he saw her. The woman he loved for twenty four years. Na huminto ang oras at mga tao sa paligid at tanging ito lamang ang nakikita ng kanyang mga mata.

She became even beautiful, still flawlessly gorgeous, from head to toe. Mas gumanda ang hubog ng katawan at mas naging mature ang kilos. Bagay na mas lalong nagpadagdag sa pagmamahal niya rito.

Bumalik sa kanya ang batang Callum na lihim na nagkagusto sa isang batang Eloisa. Callum na nawawala sa  katinuan kapag nasusulyapan si Eloisa. Walang sinuman ang makakapantay rito sa kanyang puso.

"Wala ka bang natipuhan sa baba kaya naiinis ka na bumalik dito?" Muli nitong tanong.

"Rio is here."

Lumingon sa kanya si Aidan na umaasa na hindi nagkaroon ng away sa pagitan nila ni Rio. He knew how much they value their friendship. At kahit na hindi na tulad ng dati ang pagkakaibigan nila ni Rio ay walang kinakampihan ang dalawa.

"Why would he come here?" Kunot noong tanong ni Aleksei na tinanggal na ang accent nito. Tumayo ito saka kinuha ang binocular at tumungo sa labas ng kanyang veranda marahil upang hanapin mula roon ang kaibigan.

"He is with Eloisa." Sabi niya kay Aidan.

"Nandito siya?" Namamanghang tanong ni Aidan. "How?"

Aidan is a first class Private Investigator. Ito ang kinuha niya noon upang hanapin si Eloisa noong ito ay mawala. Bagama't alam nila na ito ay lumabas ng bansa, hindi nila alam kung saang bansa sapagkat hindi nito kayang pasukin impormasyon mula sa Airport.

Hindi siya sumuko noon at kung saan saang bansa siya pumunta para lamang makita ang babae na bumabaliw sa kanya. Ang dahilan kung bakit nagawa niyang ipagpalit ang pagkakaibigan nila ni Rio.

Lingid sa kaalaman ng iba na akala ay si Cheska ang dahilan kung bakit nasira ang kanilang pagkakaibigan, siya at si Rio ay matagal ng hindi magkaibigan noong araw na aminin niyang may nangyari sa kanila ni Eloisa.

He knows how Rio is when it comes to his little sister. He was very protective towards her and never fails to remind them to stay away from her. He even set so many rules that to him are so damn hard to follow.

Kahit gusto niyang kausapin si Eloisa ay bawal niyang gawin. Bigyan ng regalo ay hindi pwede. Kaya naman iniwasan niya ito baka sakali na makalimutan niya ang nararamdaman kay Eloisa. Tiniis niya na makita na nakangiti at masaya ito sa kanyang kapatid. Umasta siya na walang pakialam rito gayong sa kaloob looban niya ay namamatay na siya sa selos.

A Trace of YouWhere stories live. Discover now