Chapter 15

585 55 18
                                    


Chapter 15

SINIGURO ni Callum na hindi siya makakawala kaya halos nakabantay ito sa kanya sa bawat galaw niya. Nang umupo siya sa kanyang upuan kung saan naroon ang kanyang pangalan ay tumabi ito sa kanya. Nagkataon rin kasi na ang kanyang katabi ay si Johan na mukhang hindi na tumuloy pa sa reception. Hindi nakatakas sa kanyang mga mata ang pagpunit na Callum sa pangalan ni Johan nang makita nito iyon.

Naiinis siya sa prisensya ni Callum pero hindi niya alam kung bakit nalilito siya sa kanyang nararamdaman sa simpleng kilos lang nito. Lalo na nang ito ang kumuha ng kanyang pagkain sa buffet at lahat ng nasa plato niya ay mga paborito niya. Ito rin ang humiwa ng steak niya at naglagay ng napkin sa ibabaw ng kanyang hita. Tuloy ay nalilito siya kung maiinis ba siya o matutuwa sa kilos nito.

Maging ang mga taong naroon at nakakakita sa ginagawa nito ay hindi rin alam ang magiging reaksyon. Dahil kilala ang mga Saavedra ay hindi kaila sa mga ito na si Callum ay engaged na sa anak ng mga Delmundo.

Speaking of Cheska, she didn't see Cheska enter the hall, even in the church, she couldn't her. Isa ito sa mga entourage at hindi niya ito nakita nang tawagin ng host isa isa ang mga abay. Si Callum na siyang bestman ay nagpakita lang bago tumungo sa kanya.

"Eat." Pukaw nito sa kanya.

"I only eat a little." Kunot noong sabi niya. "Andami mong nilagay sa plato ko."

"Eat half, I'll eat the rest."

Nanlaki ang kanyang mga mata. "Wala ka bang sariling pagkain? Eat yours."

"I might eat something later if you don't behave, Eloisa."

Tumikom siya at sinimulan na lamang ang pagkain. Hindi na siya bata para hindi maintindihan kung ano ang ibig nitong sabihin. Bagama't alam niyang ayaw niya na mangyari iyon ay iba ang reaksyon ng kanyang katawan.

It's been nine years since she had sex. Her first and probably her last, because the man she had sex with is now married. Malamang ay dahil sa tagal ng panahon na hindi niya naranasan iyon kaya nagkakaganoon ang kanyang katawan.

Tahimik nilang pinagsaluhan ang hapag. Hindi niya napansin na tumayo si Callum dahil natuon ang kanyang atensyon sa masarap na pagkain. Maging ang pagsalin nito ng tubig sa kanyang baso ay hindi rin niya pinansin.

"Mmm." Tatango tango niyang ungol.

"You want more?"

"No!" Sambit niya na hindi namalayan na nauubos na pala niya ang laman ng kanyang plato. Nanlaki ang kanyang mga mata at napapahiyang bumaling kay Callum.

"It's fine. Mas gusto kong nakikita kang kumakain ng maayos." Anito dahilan para balingan niya ito. "You're thin."

"So?"

"What have you been doing in the States that you forgot to take care of your body?" Tanong nito.

"Work."

Tinitigan lang siya nito kaya naman siya na ang nag-iwas ng tingin at inubos na ang laman ng kanyang plato.

Higit kalahating oras siyang naghintay sa kanyang kinauupuan bago muling nagsalita ang host kung saan binanggit nito ang mga principal sponsors at inimbitahan ang bagong kasal sa stage para sa dance number ng mga ito.

Nakangiting pinanood niya ang dalawa na sinasayaw ang paboritong awitin ng mga ito. Mula sa kanyang kinauupuan ay kita niya ang saya sa dalawa na hindi naalis ang tingin sa isa't isa. Maging ang dalawang anak na babae ay nasa entablado rin at sinasabayan ang bagong kasal.

Muli niyang kinapa ang kanyang puso sa sandaling iyon, ngunit hindi na niya maramdaman pa ang sakit. Talaga nga na tanggap na niya ang lahat.

Nang matapos ang dance number ng dalawa ay tinawag naman ng host ang mga malalapit sa buhay ng dalawa kung saan ang mga ito ay magbibigay ng mensahe sa bagong kasal. Nagpasalamat naman siya dahil hindi siya napabilang sa mga ito. Ang kanyang mensahe sa dalawa ay ipaparating na lamang niya sa mga ito mamaya.

A Trace of YouWhere stories live. Discover now