Chapter 14

667 66 15
                                    

Chapter 14

"CONGRATULATIONS!"

Mahigpit niyang niyakap ang dalawa nang mabigyan siya ng pagkakataong makapagpa-picture sa mga ito. Kasama ang ilan sa mga kaibigan nila na hindi nakasama sa entourage ay malapad ang ngiti niya na nagpa-picture. Katabi niya si Cole na umakbay sa kanya. Naroon rin si Johan na tumabi sa kanya.

Malapad ang kanyang naging pag-ngiti at kahit ramdam niya ang mainit na tingin ni Callum ay hindi niya iyon pinansin. Muli niyang niyakap ang dalawa nang matapos sila. Hahakbang na siya palayo sa mga ito ngunit humarang si Callum sa harap niya at hinila siya nito pabalik kung nasaan ang dalawa.

"One more." Anito na sila lamang apat ang naroon. Ngumiti siya sa larawan kahit hindi niya iyon inaasahan. Pagkatapos niyon ay tumabi sa kanya si Callum dahilan para mapakurap siya, hinila pa siya nito palapit sa katawan nito kaya naman nagkaroon ng agwat sa pagitan nila ni Cole. Ang palad nito ay humahaplos sa ibaba ng kanyang likuran at animo'y hinihila ang paghinga dahil parang kuryente ang kamay nito na nagdadala ng nginig sa kanya.  "Another one."

Pagkatapos niyon ay tinanggal niya ang kamay ni Callum na animo'y inaangkin siya at lumayo na siya sa harapan upang bigyan ng pagkakataon ang iba.

"Eloisa, wait up!"

Nilingon niya si Johan. "Hello."

"Gusto mo bang sumabay sa akin? I am actually going to the reception." Umaasang aya nito sa kanya.

Johan is still the same. Still that handsome nerdy guy that she had met before. Tall and approachable as always. With that smile of him, he could get any girl he wants.

Marahas siyang umiling. "Oh no! Hindi ako pupunta sa reception."

"Why not?" Badha ang pagkadismaya sa mukha nito.

"I am only here to see the union." Tugon niya. "May plano rin kasi mamaya."

"Gusto lang sana kitang makausap. Ang tagal na rin kasi nating hindi nagkita. Like what? Thirteen years?

Tumango siya. "Yes. You avoided me." Magsasalita sana ito ngunit inunahan na niya. "But it's fine." Alam naman niya kung ano ang dahilan nito at mas maganda na rin na hindi nito tinuloy sapagkat hindi rin naman niya ito sasagutin dahil ang puso niya ay iisang tao lang ang mahal. "Anyway, narito pa naman ako until New Year. We can catch up anytime. Just tell me the day you are free."

"Wala bang magagalit?" Nahihiyang tanong nito sa kanya.

Napangiti siya. Bagama't hindi pa handa ang puso niya na tumanggap ay hindi naman siguro masama na kilalanin ito at kung handa na siya ay papasok na siya sa relasyon. Johan is gonna be his first boyfriend if ever she accepts him. Ngunit hindi siya sigurado dahil baka hindi nito ituloy kapag nalaman nito na may anak siya.

Wala siyang balak na itago ang kanyang anak sa mga taong gustong manligaw sa kanya. Dahil doon niya makikita kung seryoso nga ang lalaki sa kanya.

"Wala."

Malapad ang ngiti nito at kita niya ang kislap sa mga mata. "We'll, are you available before Christmas Eve?"

"Y—"

"She is not free that day."

Sabay silang bumaling kay Callum at ang kanyang ngiti ay naglaho. Masama ang tingin niya kay Callum na binigyan pa niya ng makahulugang tingin. Ngunit sadyang manhid ito na hindi manlang naintindihan ang kanyang ibig sabihin. Lumapit ito sa kanilang dalawa na buong intimidasyon na humarap kay Johan.

Siniguro pa nito at mas mataas ang tindig nito kay Johan upang ipakita na kaya nitong tapatan ang lalaki. Hindi rin naalis ang matalim at nanghahamon nitong mga mata kay Johan dahilan para makaramdam siya ng tensyon sa pagitan ng dalawa.

A Trace of YouWhere stories live. Discover now