Chapter 2

756 53 3
                                    


Chapter 2

"ARE you ready?" Tanong niya sa anak nang sila ay makalapag sa NAIA. Tumango ang kanyang anak sabay inat sa katawan sapagkat ilang oras rin itong nakaupo. "Put all your stuff inside your bag."

"Okay." Sinunod siya nito.

Siya naman ay kinuha ang mga ibang gamit sa compartment. "Let's go?"

Tumango ang anak at pinauna niya itong maglakad. Siniguro niya na malapit lang sa kanya ang anak paglabas nila ng airplane at patungo sa immigration upang ipakita ang kanilang dokumento. Kahit na kausap niya ang officer ay sa anak parin ang kanyang atensyon.

Nang ma-aprobahan ang kanilang tourist visa ay kaagad silang nagtungo sa baggage reclaim area upang kunin ang kanilang mga luggage. Dalawang luggage lamang ang dala nila. Sakto lamang para sa ilang linggo nilang pananatili sa bansa.

Paglabas nila sa airport ay sumalubong sa kanila ang simoy ng hangin ng Disyembre. Hindi kasing lamig ng Amerika. Ang kanyang anak ay hindi niya nakitaan ng pagkadismaya, sa katunayan ay natutuwa ito sa mga nakikita sa paligid.

"Eloisa!"

Bumaling siya sa pamilyar na boses na tumawag sa kanya. Hindi na niya kailangan pang hanapin ito sa dami ng taong naghihintay sa labas ng airport dahil narin sa tangkad nito.

Bigla siyang napaiyak nang makita ang kanyang kuya. Maliban sa katawan nito na matipuno ay walang nagbago sa kanyang kuya. Kutis moreno parin ito at halata na hindi umalis ng probinsya base narin sa suot nitong damit.

Pagkatapos niyang mag-apply ng tourist visa at makapagpaalam sa kanyang trabaho ay hinahanap niya ang kuya mula sa social media at doon ito kinontak. Ipinaalam na siya ay babalik sa bansa para sa kasal ni Cole at Lauren. Kaagad itong nakipag-videocall sa kanya at inaasahan na niya ang sermon na kanyang natanggap mula rito.

Bukod sa sermon, pangungumusta at pangungulila sa kanya ay hindi na ito nagbanggit pa ng iba. Kataka-taka na hindi nito binanggit ang kasal ni Cole at Lauren gayong magkasundo rin ang dalawa. Ni minsan sa kanilang pag-uusap ay hindi nito binanggit ang pamilya Saavedra.

Sumunod naman ang kanyang mga magulang na humagulgol nang siya ay makitang muli. Hindi man siya sinermonan ay kita niya ang magkahalong galit at pangungulila sa mga mata ng dalawa.

Hindi niya binanggit ang tungkol kay Calyx. Ang plano niya ay ipakilala ang anak sa mga ito pagdating at para mapag-usapan nila ang mangyayari kung sakali man na nasa bansa na sila. Alam niya na ang kuya niya ang magsusundo sa kanila kaya naman sa kuya niya muna ipapakilala ang anak at sasabihin ang mga dahilan ng kanyang pag-alis noon.

Alam niya na kahit hindi niya banggitin ang pangalan ng ama ni Calyx ay kaagad na makilala ito ni Rio.

Iniwan niya ang kanyang mga bagahe at tumakbo palapit sa kuya niya. Mahigpit silang nagyakapan at humahagulhol.

"Na miss kita!" Aniya sa kuya.

"Miss rin kita."

Sandali pa nilang dinama ang pangungulila sa isa't isa bago niya ito pakawalan. Pinanood niyang punasan ni Rio ang mga mata at bago pa man ito makapagsalita ay bumaba ang mga mata nito sa kung saan. Natigilan ito at napakurap saka muling tumingin sa kanya.

Tumango siya. "I know you have a lot of questions."

"Cole?" Hindi niya alam kung bakit hindi pa ito kumbinsido sa tanong.

Tumango siya at hindi na umimik pa ang kuya niya. Bagkus ay lumuhod ito sa kanyang anak. Nagkatitigan ang dalawa bago siya tiningnan ng anak.

"Calyx, this is my brother Rio. Your uncle. Rio, anak ko si Calyx."

A Trace of YouWhere stories live. Discover now