Chapter 29

630 61 16
                                    

Chapter 28

PABAGSAK na inilapag ni Eloisa ang lukot na cheque sa mahogany table ng matanda dahilan para tumalim ang tingin nito sa kanya.

"So, Ten Million is not enough for you? Kaya ka ba nandito dahil gusto mo ng dagdag?" Sarkastiko itong natawa saka binuksan ang drawer sa nito kung saan inilabas nito ang cheque book at nagsulat ng numero roon saka pinirmahan.

Dumoble ang galit na kanyang nararamdaman nang ipakita nito kung magkano ang idinagdag nito. "Fifty million. I think that would be enough for you to give up all of your rights to Calyx. Mapapalaki namin siya ng maayos at lahat ng gusto niya ay makukuha niya." Pinagsiklop nito ang kamay. "You see, I won't allow my great grandson to be just a farmer. I want him to be like me, Eloisa. A politician. Someone that can continue my ambitions."

"My son is not a thing that you can buy just because you like it." Asik niya rito. "Pinalaki ko ang anak ko na hindi naghahangad ng kahit na anong kapalit mula sa inyo. Hindi niyo mababayaran ng kahit na anong salapi ang pagiging ina ko."

Walang kahit na anong yaman sa mundong ibabaw ang makapantay ng pagmamahal niya sa kanyang anak. Ang kanyang pagiging ina sa bata ay hindi matutumbasan ng kahit na anong papel.

"You brat!" Tumayo ito at siya ay dinuro. Nagtatagis ang bagang nito sa kanya. "You can never be part of my family! Anong klaseng gayuma ang ipinainom mo sa apo ko at natuto siyang suwayin ako?! Because of you, all of my plans are ruined! What's so good about you? You're just a farmer's daughter."

"Ipapaalala ko lang sa'yo, Congressman, na ang magsasakang iniinsulto mo ang dahilan kung bakit may kinakain ka araw araw." Saad niya saka kinuha ang cheque at pinunit iyon sa harapan ng matanda. "My son is not for sale at kahit na anong gawin niyo, hindi niyo maaalis sa akin ang posisyon bilang ina niya. My blood is thicker than yours. Calyx will never want to be part of your family without me."

"Then stay away from my grandson. I don't like you ruining his life. Dumating ka lang dito, nagkada-leche leche na ang buhay niya!"

"Hindi niyo dapat sa akin sabihin yan. It was Callum who was coming to me. Telling me that I am the only woman he ever loved. Kung meron kayong dapat bantayan, iyon ay ang apo niyo." Aniya at buong tamang siyang humakbang palapit sa mesa nito. Isinandal niya ang kanyang dalawang kamay sa makintab nitong mesa. Hindi siya nagpatinag sa nanlilisik nitong mga mata. "Imagine what will happen if he finds out that you are threatening the mother of his child. Keep your money. Hindi kami tumatanggap ng pera na galing sa masamang gawain."

"What did you say?" Tumayo ito sa kinauupuan at akma sana siyang lalapitan nito nang itinaas niya ang kanyang kamay na may hawak ng kanyang cellphone.

Naaalarmang natigilan ito.

"Don't you dare come at me, Congressman. This conversation is being recorded. Kung may mangyari mang masama sa akin, ito ang magiging ebidensya ko laban sa'yo." Hindi iyon totoo. Wala siyang balak na humaba pa ang kaguluhan na iyon pero kailangan niya iyong gawin upang walang mangyaring masama sa kanya. "Leave my family alone. Don't you ever come to our house ever again. Kung ayaw mong masira ang pangalan mo bilang isang mahusay at mabuti na naglilingkod sa bayan."

Pinukulan pa niya ito ng matalim na tingin bago tinalikuran. Binuksan niya ang pinto ng opisina nito, hindi pinansin sina Lauren at ina ni Callum na may nagtatanong na tingin sa kanya.

"Eloisa, anong nangyari?" Tanong ni Lauren ngunit hindi niya ito sinagot. Umiiyak niyang tinahak ang daan hanggang sa makalabas siya sa mansyon. Bago pa man siya makasakay sa kotse ay pinigilan siya ng ginang.

"Hija, tinawagan ko na si Callum. Please, huwag ka munang umalis." Pakiusap nito sa kanya at marahas siyang umiling. "He was mad and worried when I told him. Baka kung ano ang gawin niya sa Lolo niya kapag hindi ka niya naabutan dito."

A Trace of YouWhere stories live. Discover now