Chapter 41

733 54 41
                                    

Chapter 41

UNTI-UNTING nagising si Eloisa nang maramdaman niya ang pag-alog ng kanyang katawan at ang pagtawag ng kanyang anak sa kanyang pangalan. Hindi niya alam kung ilang oras siyang walang malay dahil nang imulat niya ang kanyang mga mata ay   hindi niya alam kung nasaan sila.

"Mommy!"

Kaagad siyang bumangon mula sa malamig at maduming sahig saka niyakap ang kanyang anak. "Ok ka lang? Did they hurt you?"

Marahas na umiling ang anak. "Mommy, I want to go home! I want Daddy."

"I know, baby."

"They're mean, Mommy!"

"I'm so sorry you had to experience this." Aniya sa anak at maingat na inangat ang mukha upang punasan niya ang mga luha nito. Hindi niya alam kung ilang oras na itong umiiyak pero base sa lagkit at madumi nitong mukha ay marahil kanina pa ito umiiyak. Namumugto rin ang mga mata nito. "Calm down, baby. You need to stop crying now, ok? We don't know what these people will do to us. And I don't want them to hurt you, ok?"

Bagama't tumango ay hindi parin ito nahinto. Malalim ang kanyang buntong hininga at muling niyakap ang kanyang anak. Iginala niya ang kanyang mga mata sa isang silid na sa tingin niya ay mula sa isang abandonadong lugar.

May maliliit na butas sa paligid at kahit papaano ay naaaninag niya ang liwanag sa labas. Sa loob ng silid na iyon ay walang kahit na ano, maliban sa mga luma at sirang muwebles.

Nasa ganoong sitwasyon sila nang bumukas ang pinto at pumasok si Ingrid kasama ng lalaki na kasama nito sa pagdukot sa kanya. Dahil doon ay bumalik sa kanya ang nangyari sa bahay ni Callum at si Cheska na hindi niya alam kung ano na ang lagay.

Matalim ang tingin na pinukol niya kay Ingrid. "You!"

Hindi ito nakakibo, bakas parin ang pangamba sa mukha nito at ang tensyon sa katawan nito dahil sa ginawa. "Manahimik ka! Hindi iyon mangyayari kung sumama ka ng maayos! Kasalanan niya kung bakit siya nabaril."

"Napakawalang puso mo! Hindi ko akalaing ganito ang magiging kinahinatnan mo dahil lang sa paghahangad mo ng magandang buhay!" Alam niya na ambisyosa si Ingrid, simula pa noon ay kilala na ito sa pagdikit sa mga mayayamang lalaki. Pero hindi niya akalaing aabot ito sa ganoong klase ng lebel para lamang sa pangarap na maging isang mayaman. "Sa tingin mo ba papayag ang pamilya Saavedra na maging asawa ka ng Congressman? Baka nakakalimutan mong nasa korte siya at pinaglalaban ang kalayaan. Walang tutulong sa'yo kung sakali man na tuluyan siyang makulong."

Ngumisi ito. "Tingin mo ba gusto kong maging misis ng isang hukluban? Ang tanging gusto ko lang ay ang pera na ibinibigay niya sa akin. Oo, tama ka, ambisyosa ako pero hindi ako tanga para magpatali sa isang tao na malapit ng maibaon sa hukay. Sa pera nabubuhay ang tao, hindi sa habang buhay na kontrata."

"At sa tingin mo mabibigyan ka niya ngayon na nilagay mo sa peligro ang buhay niya? Tingin mo ba hindi ka makakawala sa ginawa mo kay Cheska? Kilalang tao ang pamilya niya at nag-iisa siyang anak kaya gagawin ng mga Delmundo ang lahat makamit lang ang hustisya sa kanilang anak."

Ang ngisi sa mukha nito ay napalitan ng takot at galit para sa kanya. Gayunpaman ay hindi siya natatakot at kung hindi man siya makaligtas ay kahit na anak na lamang niya ang makalabas ng maayos ay sapat na para sa kanya. Ngunit hindi nangangahulugan na hindi niya ipinagdarasal ang kaligtasan niya lalo na at may dinadala siya. 

"Ipinapaalala ko lamang sa'yo. Ang aking anak ay apo ng Mayor at Congressman. Galawin mo siya, tinitiyak ko sa'yo na hindi pera ang matitikman mo kundi kulungan."

Bumaling siya sa lalaki na mukhang nasisiyahan sa nangyayaring bangayan sa kanila ni Ingrid. Hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang mga tattoo nito sa katawan dahil tanging cargo shorts lamang ang suot nito. Kunot noo niyang ibinalik ang tingin kay Ingrid kung saan kapansin pansin ang mga pulang marka sa leeg nito.

A Trace of YouWhere stories live. Discover now