Chapter 22

618 57 14
                                    

Chapter 22

NANLAKI ang mga mata ni Eloisa nang makita ang bahay na Callum na ngayo'y may laman na. Ang walang laman nito noong sala ay mayroon ng sala at Christmas tree. Ang limitadong kagamitan sa kusina ay nadagdagan ng mga kitchenware at kung anu ano pa. Hindi rin nakatakas sa kanyang paningin ang mga regalo sa ilalim ng Christmas tree.

Bumaling siya kay Callum na nagkibit balikat. "I brought my trusted designer to do the makeover."

"That fast?"

"I payed them in advance." Sagot nito. "Nakadepende ang bonus kapag nagustuhan mo ang gawa nila."

Napakurap siya. "Bakit sa akin nakadepende?"

"Because you are also living here, I want you to get comfortable."

"Hindi naman mahalaga sa akin kung ano ang hitsura ng bahay. Ang mahalaga ay may masisilungan si Calyx."

Tumango si Callum na nagtungo sa mahabang sofa at umupo. "Feel yourself at home. Since we're going to live together for awhile."

Nagkaramdam siya ng pagkailang sa sinabi nito. Lalo na sa uri ng tingin sa kanya ni Callum na naging dahilan ng mabilis na pagtibok ng kanyang puso sa hindi maipaliwanag na dahilan. Nagbawi siya ng tingin rito sapagkat pakiramdam niya ay nahahatak siya ng mga mata nito.

"So, saan kami matutulog ni Calyx?"

"Oh, since they are not here yet, why don't we make sleeping schedule for Calyx? Mga rules na gusto mong ilatag para mas magkaroon ng harmony ang ating pagsasama?"

"Sigurado ka ba sa ganitong klase ng set up?" Dahil hindi niya alam kung ano ang makukuha nito. At hindi niya alam kung makakaya ba niya na makasama ito araw araw na magpapaalala sa kanya na nagkaroon sila ng mainit na gabi.

"Anything that can bring you two under my roof is fine with me." Sagot nito sa kanya. "Alam ko na magiging mahirap ito para sa'yo. After all, you thought I was Cole that night. Like I said El, I am not gonna force you into something you don't want. But since you agree to this kind of set up, must be because you don't want to be separated from Calyx. I will match your pace, as long as I'll have you both with me."

Hindi na siya nagsalita pa at tumango na lamang. Siguro nga ay baka wala na itong nararamdaman sa kanya at ang anak na lamang niya ang dahilan kung bakit kaya nitong makisama sa kanya. Gusto nitong mapalapit sa kanilang anak kaya titiisin siya nitong makasama. What could be the reason except Calyx.

"Alam na ba ng mga magulang mo ang tungkol kay Calyx?" Pag-iiba niya ng usapan.

Umiling ito. "Honestly, I don't want to tell them yet. Not when the marriage is still on the table."

"E bakit hindi ka na lang maghanap ng iba? Hindi lang naman si Cheska ang mayaman dito sa bayan natin."

Biglang sumama ang ekpresyon ng mukha ni Callum. "What do you take me for? Hindi ako ang tipo ng lalaki na maghahanap ng ibang babae dahil lang ayaw sa akin ng isa. Cheska and I knew we don't belong to each other. Simula pa lamang ay iba na ang gusto naming dalawa."

"Then why did you end up in an arrange marriage?"

Sandaling natigilan si Callum, naghahanap ng tamang sagot sa kanyang tanong. Paano nga ba napunta ang dalawa sa ganoong posisyon gayong hindi naman ng mga ito gusto ang isa't isa.

But then again, who is she to asked him something that was in the past. Hindi na niya problema pa ang problema nito. Ang kailangan niyang isipin ngayon ay ang kung paano siya tatagal sa set up nila ni Callum.

"It's ok kung ayaw mo sagutin." Aniya nang hindi ito magsalita. "I am actually exhuasted so, I kind of want to rest."

Tumango nalang si Callum dinala siya nito sa isang kwarto sa itaas. Bago siya nito iwan ay ipinaalala nito sa kanya ang mga patakaran na kailangan niyang isulat para maging maayos ang pagsasama nila sa iisang bubong.

A Trace of YouWhere stories live. Discover now