Chapter 32

815 77 11
                                    


Chapter 32

DAYS went by.

Huling araw na ng taon. Hindi niya akalaing marami ang nangyari sa nakalipas na mga linggo at biglaang pagbabago ng kanilang buhay ng kanyang anak. Sila ay dadalaw lamang sana sa kasal ng kanyang unrequited love at best friend na sina Cole at Lauren, pagkatapos ay babalik na rin sa Amerika upang makapagsimula ulit.

Ang buong akala niya ay hindi siya makakapag-move on kay Cole. Maraming taon rin niya itong palihim na minahal kaya para sa kanya ay hindi madaling kalimutan iyon. Ngunit dahil kay Callum, na hindi niya inaakalang nandiyan lamang at naghihintay ng pagkakataong mapansin niya ay nagbago ang lahat.

Hindi siya makapaniwala na nahaplos nito ang kanyang puso. Hanggang ngayon ay hindi parin niya alam kung nananaginip lamang ba siya o sadyang pinaglaruan lamang siya ng tadhana. Marami ring pumasok na 'what if's" sa kanyang isip sa tuwing maaalala niya ang lahat ng nangyari sa kanyang buhay.

What if she stayed instead of running away? What if she came back home after finding out she was pregnant? Or what if she fell inlove with Callum instead of Cole? Kung hindi lang siya nakatingin palagi kay Cole ay marahil napansin na niya si Callum. Ngunit ano nga ba ang magagawa niya kung tanga ang puso niya at hindi marunong tumingin sa iba?

Napabuntong hininga siya saka bumaling sa singsing na kanyang suot na siyang nagpapaalala sa kanya na siya ay magiging isang ganap na Saavedra na kung papayag lamang siyang pakasalan si Callum.

It wasn't an engagement ring. Siniguro sa kanya ni Callum na ang singsing na kanyang suot ay regalo nito dapat sa kanya noong 18th birthday niya na hindi nito naibigay dahil naunahan ito ni Cole na nagbigay naman sa kanya ng jewelry set na may Peridot gemstones. Alam kasi ni Cole na paborito niya ang kulay berde.

Pag-gising niya kahapon ay suot na niya ang singsing na pinagmamasdan naman ni Callum sa kanyang palasingsingan.

Marami ang nagbago sa nakalipas na mga araw, tulad na lamang ng bago niyang kwarto ngayon kung saan katabi na niya si Callum. Akala niya ay poprotesta ang kanyang anak nang ipaalam ni Callum sa bata na siya ay mananatili na sa kwarto nito, ngunit nagtatalon-talon pa ito sa tuwi.

"I get to have my own room!" Sabi pa nito, kaya naman wala siyang nagawa kundi ang pumayag na lamang sa gusto ni Callum.

At dahil ngayon na magkasama na sila sa iisang kwarto, hindi sila nawawalan ng oras sa isa't isa. Tatlong araw na siyang naroon kaya naman walang gabi na hindi siya inaangkin ni Callum at siya naman ay hindi tumatanggi rito. Pareho nilang hangad ang katawan ng isa't isa. Naiisip pa lamang niya ang nangyari sa kanila kagabi ay namumula na ang kanyang mukha at ang kanyang katawan ay nabubuhay na naman.

Callum knows how to pleased her, he can find her spot so easily. He can make her beg for more.

"My God." Hinawakan niya ang kanyang magkabilang pisngi dahil sa nang-iinit iyon. Tuloy ay hindi na niya  alam kung ano ang mangyayari sa kanilang dalawa mamaya ni Callum. Kung sasalubungin ba nila ang bagong taon kasama ang mga pamilya nila o kung silang dalawa ba ay mananatili sa loob at sasabayan ang pagpasok ng bagong taon.

Callum made it clear to her every night that he will have his way with her. Na hindi siya nito pagsasawaan, kaya naman halos gabi gabi ay hinahanda niya ang kanyang sarili.

Napukaw siya sa kanyang kaisipan nang bumukas ang pinto ng banyo at lalo lang siyang pinamulahan ng pisngi nang makita ang hubad na katawan ni Callum. Katatapos lang nitong maligo at hindi nito alintana ang kanyang prisensya.

Hindi niya maiwasan na mamangha sa napakatipuno nitong katawan. Wala siyang makitang kamalian sa katawan nito. "You can stare at it all you want, Babe. It's all yours."

A Trace of YouWhere stories live. Discover now