Chapter 1

1.9K 62 9
                                    


Chapter 1

NANIKIP ang dibdib ni Eloisa nang kanyang mabasa kung ano ang nasa isang envelope. Isa itong wedding invitation ng kanyang dalawang kaibigan.

It's been nine years since she left, nine years of her trying to move on from her unrequited love with the man she knew will never reciprocate her feelings. She thought she had already forgotten her feelings for him. But as she stare at the invitation card, she realized that her feelings are still there. Natutulog lamang sa kaibuturan ng kanyang puso.

Bumaling siya sa batang lalaki na naglalaro ng switch sa sofa, may suot na headphone at nagsasalita mag-isa. Mas lalo lang nanikip ang kanyang dibdib, sapagkat hindi niya alam kung paano niya ipapakilala ang bata sa mga ito o kung paano niya ito itatago.

She had been friends with both Cole and Lauren. Cole is her childhood bestfriend while Lauren was her friend from college. Dahil sa kanya kaya nagkakilala ang dalawa. Magkaiba kasi ang kurso nila ni Cole at pareho naman sila ni Lauren na HRM.

Her son Calyx look exactly like his Dad. Without a doubt people can easily spot the similarities between them. Just like Cole, Calyx is an outgoing person, likes to be friends with other kids his age. Ang tanging nakuha lang ni Calyx sa kanya ay ang kutis niya. Si Cole kasi ay moreno habang siya ay maputi.

Paano nga ba nabuo si Calyx sa pagitan nilang dalawa? It was her fault, her own selfishness. She took advantage of the situation. She begged him to have sex with her and when she woke up, he's gone. She remembered how pathetic she was back then. That even though she knew Cole will never love her the way he love Lauren, she still seduced Cole.

At dahil wala na siyang mukhang maipakita kay Cole o kahit kay Lauren ay napagdesisyonan niyang magpakalayo na. Siya ay nagtungo sa Amerika upang makapagsimula ng bagong buhay at makalimot. Binura niya ang kanyang social media accounts at nagpalit siya ng number.

Akala niya ay magiging maayos siya sa Amerika at makakalimot. Ngunit makalipas lamang ang dalawang buwan nang malaman niya na siya ay nagdadalang tao. Doon bumuhos ang kanyang emosyon, sapagkat hindi niya alam kung ano ang gagawin.

Isang malaking kasalanan ang kanyang ginawa, sapagkat hinayaan niya ang sarili na magpadala sa tukso at ngayon ay pinaparusahan siya ng Diyos. Gayunpaman ay itinuloy niya ang pagbubuntis sapagkat hindi naman kasalanan ng kanyang dinadala ang maling desisyon ng ina nito.

She carried him for nine months and raised him for eight years now. She is 30 years old now, a single mother and working as a receptionist in a hotel.

Bagama't mahirap ang palakihin ito mag-isa, lalo na at habang lumalaki ito ay palaki rin ng palaki ang gastusin niya. Nagpapasalamat siya dahil may kapitbahay siyang mag-asawang Pilipino at may mga anak ito na kaedad lamang ng kanyang anak kaya naman naiiwan niya ang anak sa mga ito.

At sa pag-aakala niyang siya ay nakalimot na sa kanyang nakaraan ay siya namang pagbalik niyon sa kanya.  Lahat, maging ang akala niyang wala ng pagmamahal para kay Cole.

If only she did not accidentally meet Jace in the hotel she was working in. If only she did not tell him where she live when he insisted. And now she doesn't know what to do.

Hindi niya alam kung pupunta ba siya o hindi. Alam niyang hindi pa siya handang makita ang mga ito at ayaw niyang magkaroon sila ng ilangan ni Cole. Makokonsensya rin siya na harapin si Lauren na walang kaalam alam sa nangyari sa kanila ni Cole.

Malamang ay hindi si Cole ang nagpadala ng invitation card sapagkat ang kalapit na sulat doon ay galing kay Lauren. Marahil ay si Lauren lamang ay may gusto na siya ay imbitahan dahilan para mas makadagdag iyon sa bigat ng kanyang kalooban.

Of course, she wouldn't want to leave her son alone here. Kahit pa kilala na niya ang kanyang kapitbahay ay ayaw niya na lubusin ang pagmamagandang loob ng mga ito sa kanya.

Ngunit natatakot siya na baka puntahan siya ni Lauren at makita pa nito ang kanyang anak. Ayaw niyang pati ang kanilang pagkakaibigan ay masira. Kaya naman nalilito siya sa kung ano ang gagawin.

"Mommy, what's up?"

Bumaling siya sa kanyang anak na may malalim na gatla ang noo. Hindi niya namalayang siya ay palakad lakad sa kanilang sala na marahil ay nakapag-distract sa paglalaro ng kanyang anak.

"Nothing, Honey."

"But you are pacing back and forth. Something must've bothering you." Anito saka tumayo. Ibinaba nito ang hawak na switch at inagaw ang invitation card upang basahin.

Ang kanyang anak, kahit na walong taong gulang pa lamang ay kilalang kilala na kung ano ang nangyayari sa kanya. At kailangan alam rin nito kung ano iyon.

"You are invitated to the celebration as Cole Saavedra and Lauren Delmundo say 'I do' on Sunday, December 20th XXXX at 4:00 pm at El Paraiso Beach." Nag-angat ng tingin ang kanyang anak, ang mga mata nito ay may kislap. "You are invited to a wedding and it's in the Philippines!"

Hindi lihim sa kanyang anak ang kanyang pinagmulang bansa. Sa katunayan ay palagi niyang kinu-kwento ang Pilipinas sa anak at kung gaano ito kaganda. Palagi nitong tinatanong sa kanya kung kailan sila magbabakasyon doon sapagkat gusto raw nitong makita ang taniman ng mga saging ng mga magulang niya.

Her parents own a banana ang mango farm behind their house. Kaya sila naging magkaibigan noon ni Cole ay dahil narin sa isa sa regular buyer nila ay ang pamilya Saavedra. Dahil kasa-kasama noon ng mag-asawang Saavedra ay naging matalik niyang kaibigan si Cole habang ang kuya naman niya ay kaibigan ng kuya ni Cole.

"Mom! Can we go?!"

Napalunok siya, hindi niya alam kung ano ang isasagot sa kanyang anak. Gusto niyang pumunta ngunit natatakot siya sa posibilidad na makasira siya ng relasyon at ayaw niyang masaktan ang kanyang anak na hindi alam ang kanyang nakaraan.

Ngunit ang kislap at saya sa mukha ng kanyang anak ay ayaw niyang mawala at gusto rin niyang tuparin ang matagal ng hiling ng kanyang anak na makapunta sa bansang kanyang pinagmulan.

It's been nine years since she last saw her parents as well. They probably worried about her after she decided to cut all of them. She misses them so much. It's time she goes back home and hopes that they are not angry with her.

"Mom, can we?" Umaasang tanong ng kanyang anak.

Bagsak ang balikat siyang napabuntong hininga saka tumango. "Okay, but there is a rule you must follow."

Tumango ito. "Okay, what is it?"

"I'll tell you when we get there."

Malapad na ngumiti ang kanyang anak na kaagad na binitawan ang hawak na switch upang mag-impake sapagkat tatlong linggo mula ngayon magaganap ang kasal. Kinuha niya ang kanyang cellphone upang mag book ng eroplano online. May nakahanda na silang mga passports at pera para sa mga biglaan nilang lakad.

Napakagat siya sa kanyang labi habang nakatingin sa nakasarang pinto ng kwarto ng kanyang anak. Dinig niya ang pagkanta nito na halatang excited sa kanilang pagbisita sa Pilipinas.

Bagama't nakapagdesisyon siyang harapin si Cole at Lauren ay wala sa plano niya na ipakilala si Calyx sa mga ito. Mananatili itong lihim sa mga ito. Hindi naman sila magtatagal doon at alam niya na hindi siya ilalaglag ng kanyang mga magulang dahil alan niya na mahal siya ng mga ito.

Sisiguraduhin niya na walang makakaalam ng tungkol kay Calyx. Para sa ikabubuti ng lahat at para hindi na mas lalong masira ang pagkakaibigan nila ni Cole at Lauren.

Nagtungo siya sa kanyang kwarto upang buksan ang kanyang laptop at gumawa ng sulat para sa kanyang trabaho at para na rin makapag-book ng flight at visa para sa kanilang dalawa ng kanyang anak. Dahil pareho silang US citizen at kompleto rin ang kanilang mga dokumento ay madali na lamang para sa kanila ang magproseso lalo na kung hindi naman sila magtatagal doon.

A Trace of YouWhere stories live. Discover now