Chapter 20

638 77 28
                                    


Chapter 20

WALANG emosyon ang mga mata ni Callum habang nakatingin sa hindi inaasahang mga bisita na ngayon ay kinakapa kung siya ba ang magsisimula ng usapan. Lumipat ang kanyang tingin kay Rio na tulad niya ay hindi rin gustong humarap sa kanya.

Wala siyang plano na harapin ang mga ito ngayon dahil pino-problema pa niya ang kanyang mag-ina. Ngunit dahil nandito naman na ang mga ito ay baka kailangan na talaga niyang kausapin ang mga ito ng masisinan.
Nang sa gano'n ay matapos na ang lahat at malinawan na ang mga ito kung ano talaga ang pakay niya kay Eloisa.

At kung hindi man siya tanggap ng mga ito para sa anak ay wala na siyang pakialam. Hindi siya papayag na ang mga ito ang maging hadlang sa gusto niyang makamit. Nagpaubaya na siya noon kay Rio nang pigilan niya ang kanyang nararamdaman kay Eloisa. But not anymore. This time, he'll fight for his right.

"I don't have all day." Malamig na aniya sa mga ito. "Sabihin niyo na kung ano ang gusto niyong sabihin. Ilabas kung ano ang gusto niyong ilabas."

"Callum.." Ang ama ni Rio ang unang nagsalita na mukhang sa tatlo ay ito lamang ang hindi niya nakitaan ng galit sa kanya. "Humihingi ako ng tawad sa paglihim namin kay Calyx sa'yo. As a parent, I only wants what is best for my daughter. Hindi naman sinabi sapagkat, komplikado ang lahat. You are engaged to Cheska at kapag lumabas ang katauhan ni Calyx, magugulo ang buhay ng anak ko. Kilala namin ang pamilya mo, at kung ano ang kayang gawin ng Lolo mo masunod lang ang mga plano nito. Of course, as a parent, I want to protect her."

"And you think I can't do that?"

Sarkastikong natawa si Rio dahilan para pukulin niya ito ng matalim na tingin. Nagtatagis ang bagang na tumayo siya sa kanyang kinauupan at malalaki ang hakbang na lumapit kay Rio. Kakat'wang hindi nito inilagan ang kanyang kamao nang dumapo ito sa pisngi at dahil nailabas na niya ang galit niya rito ay hindi na niya napigilan pa ang sunod na kamao niya na dumapo rito.

Nawalan ng balanse si Rio dahilan para mapahiga ito sa sahig. Siya naman ay akmang dadantayan ito nang hilain siya ni Aidan. Pumagitna naman si Aleksei at matalim ang tingin nito sa kanya. Kung hindi lang dahil sa dalawa ay baka hindi niya alam kung hanggang saan siya kayang dalhin ng galit niya.

"You piece of shit!" Singhal niya kay Rio na inaalalayan ng mga magulang sa pagtayo. "Are you happy now?! Was it fun for you, seeing how miserable I am?"

Matalim rin ang tingin ni Rio sa kanya habang pinupunasan nito ang basag na labi. "You think? That's my sister you touched. I told you to never cross the line, Callum. I trusted you!" Dinuro siya nito. "You can get any woman you want, but my sister."

"Kahit sino ang babaeng ireto mo sa akin, hindi sila si Eloisa." Mariing aniya. "You can't force me to like someone when my heart wants it wants!"

"Tama na Rio." Suway ng ama nito. "Hindi tayo nagpunta rito para makipag-away kay Callum. Nandito tayo dahil gusto nating ayusin ang lahat ng gulong ito, nang sa ganoon ay bumalik si Eloisa."

Natigilan siya sa tinuran nito. "Where is she?" Hindi niya maiwasang maalarma sa iisiping ang mag-ina niya ay nasa kung saan. "Nasaan ang mag-ina ko?"

"Nasa ligtas silang tao, huwag kang mag-alala." Anito. "Nandito kami upang humingi ng tulong sa iyo na huwag na sanang maulit pa ang nangyari noon. Hindi ko makakaya na mawala muli si Eloisa at baka hindi lang siyam na taon ang lilipas na hindi namin siya kasama. I am here as a Dad, Callum. Bring my baby home." Nagsusumamong saad nito sa kanya.

"This is how it's going to be, Mr Gamboa," Wika niya na mariing tiningnan isa isa ang mga ito. "They're coming home with me, on my roof, where they belong. Wala kahit na sino sa inyo ang magdidikta sa akin, not even you Rio."

A Trace of YouWhere stories live. Discover now