Chapter 4

605 51 8
                                    


Chapter 3

MULA sa driveway ng El Paraiso na pag-aari ng pamilya Saavedra ay tanaw niya hindi lang ang kanyang mga kaibigan na si Cole at Lauren, naroon rin ang mga magulang ni Cole. Bumaling siya sa kanyang kuya na siyang kasama niya sa gabing iyon. Matalim ang tingin nito sa kinaroroonan ng pamilya Saavedra.

Hindi niya akalaing mapapaaga ang pagkikita nila. Nang tawagan kasi niya si Lauren mula sa temporary account niya upang ipaalam na nasa Pilipinas na siya ay hindi niya akalaing may okasyon pala na magaganap kaya naman inimbitahan siya nito. Tatanggi sana siya sa imbitasyon nito, ngunit nagsimula na itong humikbi at sabihin sa kanya na gusto siya nitong makita.

Wala na siyang nagawa kundi ang pumayag ngunit hindi niya kaya na harapin ang mga ito na mag-isa kaya naman nagpresinta ang kuya niya na samahan siya. Ngunit mukhang maging ang kuya niya ay hindi rin komportable.

"If you are uncomfortable, you can just drop me off, I can—"

"I promised you, I'll be your escort tonight." Putol nito sa kanya na ang mga panga ay gumagalaw. "Cole has nothing to do with what happened between the three of us."

Napabuntong hininga na lamang siya saka tumango.

May mga bisita na nauna sa kanila sa driveway na bumababa sa sasakyan na sinasalubong naman ni Cole at Lauren. Pinanood niya ang pagbeso at pakikipagkamay ng dalawa sa mga bisitang makakasalubong.

Noon lang rin niya napansin ang malakas na tibok ng kanyang puso. Alam niya na kakabahan siya sa muling pagkikita nila, ngunit hindi niya akalaing ganoon kalala ang kaba at takot niya sa mga oras na iyon. Malamig ang aircon ng kotse ngunit pinagpapawisan na siya. Kuyom niya ang nanginginig na mga kamay at kagat niya ang kanyang mga labi.

"Oh my God!" Kinakabahang sambit niya nang ang sasakyan na nila ang tumapat sa entrance kung saan inaasahan na sila ng pamilya Saavedra. Kita niya ang pagngiti ni Lauren at maging si Cole ay masaya na makita ang pamilya na pick up truck ng kuya niya.

"Are you sure you want to do this?" Kunong noong tanong ng kuya niya na nag-aalala para sa kanya.

Habol niya ang kanyang pag-hinga dahil sa mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Bagama't hindi siya sigurado sa kanyang desisyon ay tumango siya. "Yes."

Unang bumaba ang kuya niya, hindi nito tinapunan ng tingin ang pamilya Saavedra na naglakad patungo sa pintuan ng passenger seat upang pagbuksan siya. Inalalayan siya nito paglabas bago nito isinara ang pinto at ibigay sa Valet ang susi nito. "I-park mo lang sa labas, ibigay mo na lang sa akin ang susi mamaya."

"Yes, sir."

Iniangat nito ang siko upang mapatong niya ang kanyang kamay. Napangiti naman siya sa simpleng kilos na iyon ng kanyang kuya. Alam niya na pareho silang kinakabahan at ang kuya niya na ayaw ng makita pa ang kahit na sino sa mga ito, kaya naman nagpapasalamat siya sa kanyang kuya na ibinaba ang pride para lang samahan siya.

Humakbang sila paakyat, ngunit si Lauren ay bumaba upang siya ay salubungin. Niyakap siya nito ng mahigpit at dinig niya ang paghikbi nito sa kanyang leeg.

"Hey, don't cry." Sambit niya habang hinahagod ang likuran nito. "You're gonna ruin your makeup."

"I missed you, El!"

"I missed you too." Tugon niya.

Dahil magkalapat ang kanilang mga katawan ay ramdam niya ang bilog na tiyan nito. Alam niya na may dalawang anak na babae na si Lauren at nagdadalang tao sa ikatlo nito, ngunit hindi pa rin siya makapaniwala sa nakikita.

Bumaling siya kay Cole na kinamayan ang kanyang kuya. Walang pag-uusap sa dalawa at tanging tango lamang ang naging ganti sa isa't isa. Ang kuya niya ang unang bumitaw at tumabi sa kanya. Inalalayan nito ang kanyang likuran upang hindi siya mawalan ng balanse sapagkat hindi parin siya binibitawan ni Lauren.

A Trace of YouWhere stories live. Discover now