Chapter 16

640 63 21
                                    

Chapter 16

"I want cotton candy, Mommy!" Pinukaw siya ni Callum sa kanyang kamunduhan sabay hila sa kanya papunta sa cotton candy stand kung saan maraming bata ang nakapila. Kasama ang kanyang mga magulang, ngayon ay nasa bayan sila at planong ialiw ang sarili.

Ngunit walang tumatakbo sa kanyang isip kundi ang huli nilang pagkikita ni Callum at ang pag-amin nito sa kanya ng nararamdaman. Hindi niya maialis sa isip kahit pa ilang rides na ang kanilang nasakyan.

"Mommy, I want to ride that!" Tinuro nito ang vikings kung saan naghihiyawan ang mga nakasakay.

Nanlaki ang kanyang mga mata at marahas na umiling. "No, baby."

"Why not?" Salubong ang kilay na tanong ng anak. Dahil naka-mask ito ay hindi niya kita ang ngumunguso na naman nitong labi.

"Because it's dangerous." Sagot na lamang niya.

Hinila niya ang kanyang anak patungo sa stand ng cotton candy. Siniguro niya na hawak niya ang bata dahil sa dami ng tao. Ang kanyang mga magulang ay kasakuluyang nakasakay pa sa rides.

Nang makabili na sila ay dinala niya ang anak sa isang bench upang makakain ito. "You want water?" Kapagkuwa'y tanong niya sa anak. Tumango ito kaya naman kinuha niya ang water bottle nito sa baby bag na dala niya.

Kahit kasi malaki na ang kanyang anak ay gusto niya na lahat ng kailangan nito ay nakahanda na sa tuwing nasa labas sila upang kung kailanganin niya ay hindi na siya maghahanap sa iba.

Napansin niya ang tingin ni Calyx sa isang mag-anak sa katabi nilang bench. Mag-asawa na may dalawang anak at tulad nila ay kumakain rin ng cotton candy. Kahit hindi sabihin ng kanyang anak ay alam niya na gusto nitong maramdaman ang kalinga ng isang ama.

Minsan ay hindi niya maiwasang makaramdaman ng kirot para sa kanyang anak, sapagkat alam niyang iyon ang bagay na hindi niya kayang ibigay rito. Hindi rin naman niya pwedeng ipakilala ang anak kay Cole at maging Co-Parent ito dahil alam niyang hindi na magiging tulad ng dati ang kanilang relasyon.

Kaya naman mas makakabuti para sa lahat na hindi na makilala ng mga Saavedra ang kanyang anak. Saka na lamang niya ipapaliwanag rito ang lahat kapag nagkaedad na ito at mas naiintindihan na ang realidad.

"Anak!" Pukaw niya sa anak. "You want to go to the park?"

Tumango ang kanyang anak at hinila niya ito palabas ng perya at dinala sa park. Hinawakan niya ang swing upang masiguro na tuyo na ang pintura niyon upang hindi na maulit ang nangyari sa kanya. Pinaupo niya si Calyx roon at nagtungo siya sa likuran nito upang bahagya itong itulak.

"Woooooooh!" Magiliw na hiyaw ng kanyang anak sa bawat paglakas ng tulak niya. "Mommy, more!"

Hindi niya mapigilang tumawa sa kagiliwan ng kanyang anak. Ilang minuto silang nanatili roon para aliwin si Calyx, pagkatapos niyon ay dinala niya ang bata sa café upang pakainin ng cake. Nagtext rin siya sa kanyang mga magulang upang ipaalam na nasa café sila.

"Mommy, can we go again tomorrow?"

"Maybe some other time." Sagot niya. "I need to sort out our clothes, so that it won't be hard for me when it's time for us to go."

"Can we just stay here?" Nalulungkot na tanong nito.

Malungkot na ngumiti siya sa anak. Kahit gustuhin man niya ay hindi pwede. "We can visit."

"I want to be a farmer." Gusto niyang matawa sa tinuran ng anak ngunit alam niya na seryoso ito. "Lolo said, I could be his heir to his farm! Take care of his pigs and chickens. Feed the cows and goats. And harvest bananas and mangoes!"

A Trace of YouWhere stories live. Discover now