Chapter 39

671 58 14
                                    


Chapter 39

IT'S BEEN a week since she found out she was pregnant. A week of cravings, morning sickness and mood swings. Sa tulong nina Cheska at Rio na siyang mga kasama niya upang alalayan siya sa pag-aalaga kay Calyx. Nang malaman kasi ng dalawa ang pagda-dalang tao niya ay halos aligaga ang mga ito na puntahan siya sa bahay nila ni Callum.

Now, she's been in their room because she didn't want to get up. Tinatamad ang kanyang katawan at inaantok siya kahit pa panay naman ang tulog niya. Sa pagkain niya ay kuya niya ang palaging naghahanap ng mga cravings niya at sumasalo ng paibaba niyang ugali. Wala naman siyang magawa dahil hindi naman niya hawak ang kanyang emosyon.

Ang kanyang anak na si Calyx ay nagtataka rin sa kanya lalo na kung bigla siyang iiyak habang tinitigan ito. Nangungulila kasi siya kay Callum at kapag nakikita si Calyx ay kusa na lamang siyang umiiyak. Gusto rin niya itong tawagan ngunit kapag naririnig niya ang boses nito ay binababa niya kaagad ang tawag sa hindi malamang kadahilanan.

Her pregnancy with Calyx before was easier than what she is feeling at the moment. Her cravings then were never worse compared to now.

Hindi na naman niya napigilan ang umiyak nang makaramdam siya ng pagnanais na kumain ng matamis na puting tsokolate. Nahihiya na siya na tawagin ang kuya niya at magpabili rito ng puting tsokolate na galing pa sa ibang lugar lalo na kung alam niyang tititigan lamang niya iyon pagkatapos ay ayaw na niyang galawin.

Wala namang magawa ang kuya niya dahil kung hindi nito iyon gagawin ay aatake ang kanyang mood at hindi siya titigil hangga't hindi nasusunod ang kanyang gusto.

Cheska was the one taking care of her son. Gustong gusto nito ang pag-aalaga sa kanyang anak at hindi nito naitago sa kanya ang paghahangad na magkaroon rin ng anak.

Nang hindi na niya kayang pigilan ang sarili ay bumangon na siya sa kama at nagtungo sa labas kung saan naamoy niya ang ulam na niluluto ni Rio. Paborito na ang ulam at nagpapasalamat dahil hindi iyon nasama sa mga pagkaing ayaw niyang dumapo sa kanyang ilong.

Bumaba siya mula sa ikalawang palapag, suot ang kanyang pajama. Kahit na buong araw siyang nakahiga lamang ay parang pagod at puyat parin siya. "How are you feeling?"

"Worst!" Daing niya saka umupo sa stool sa mahabang counter island ng kusina. Pinapanood niya ang kanyang kuya na nagluluto ng sinigang.

"May ipapabili ka ba? Cheska and Calyx are in the grocery store. If you need anything.." Kumunot ang noo ng kanyang kuya nang makita ang magsimangot niya at ang nagbabadyang luha sa kanyang mga mata. Kaagad nitong binitawan ang santok na hawak at lumapit sa kanya. "What's wrong?"

"Gusto ko ng puting chocolate."

Napakurap ang kuya niya nang mapagtanto kung saang lugar ang gusto niyang tsokolate. "Alright. Pupunta ako ng Olongapo, sa grocery kung saan malapit sa dagat. I will make sure that the chocolate smells like the sea."

Tumango siya. "I'm sorry."

Ginulo lang nito ang kanyang buhok pagkatapos ay tinanggal ang apron. "Malapit na siyang maluto. Pagbalik ko nalang lilinisin ang mga kalat. Don't do anything stupid, El. Makakasama sa baby mo."

Tumango siya at patuloy parin sa pag-iyak dahil naaawa siya sa kuya niya na alam niyang napapagod dahil sa kanyang hiling. "I'll make it up to you when I give birth. Ok?"

"Just be healthy, ok na ako doon." Hinalikan siya nito sa noo bago ito nagpaalam sa kanya.

Naiwan siyang nag-iisa sa bahay. Muli siyang bumalik sa itaas upang kunin ang kanyang cellphone. Gusto niyang tawagan si Callum, ngunit nag-aalangan siya dahil baka ibaba na naman niya ang tawag.

A Trace of YouWhere stories live. Discover now