Chapter 3: Dare

3.6K 93 0
                                    

Patricia's POV

6 PM na. Bale, magse- 7 hours na kaming andito sa bahay ni Yelo. Gusto ko na umuwi.

Lumabas si Lance at Yanna mula sa kusina at may dala dalang bote ng mga alak. Lumapit naman doon sina Bea tsaka nagprepare ng shots. Si Xider, nakaupo lang sa sofa at nagc- cellphone. Kanya-kanyang gimik ah.

"O kayong dalawa. Dito kayo." sabi ni Lance sakin at kay Yelo. Parehas pala kaming nakatitig sa ginagawa ng apat.

Sumunod naman si Ice at syempre ako na rin. Ayoko maging KJ (Kill joy). Pero hindi rin ako iinom. Kasi, mahina ako sa alak.

Nakaupo kaming lahat sa sahig. Pati si Xider nakisali na rin. No choice naman siya eh.

|   Bea    Lance    Xider   |
|   Ice      Ako      Yanna  |

"All of us here ay iinom. We're going to play a game." ani Yanna. Nananadya ba siya? Alam naman niyang hindi ako umiinom.

"Dare game 'to. Pag tumapat sayo ang bote, sh-shot ka tapos susundin mo yung iuutos sayo. Simple." nakangiting sabi ni Lance. Feeling gwapo.

"Okay game. Ako muna magpapaikot." ani Bea at pinaikot na yung bote.

Tapos kay Lance tumapat. Inutusan lang naman siya ni Bea na tumabi kay Yanna for fifteen minutes minutes.

Si Lance yung sumunod na nag-utos, si Bea naman ang inutusan niya to slap Xider.

"Napakalakas naman!" reklamo nito habang hinihimas yung pisngi niya. Tumawa lang naman si Bea. Gaga talaga.

Pinaikot na ni Bolero yung bote at sa katabi kong Yelo tumapat.

Bumulong si Bea kay Xider at kita kong sumimangot siya sa sinabi ni Bea. This isn't a good sign.

"Great. Just hold Patricia's hand for ten minutes." utos ni Xider habang naka- poker face

Uminom muna si Ice bago tumingin sakin.

"Stupid." bulong ko at iniwas ang tingin sa kanila. Nagulat nalang ako dahil sinunod niya yung utos.

He intertwined our hands.

I looked at him, ganun pa rin. Expressionless. He also looked at me and everything's going deeper kaya iniwas ko na ang tingin lo.

Pinaikot ni Ice ang bote at kung mamalasin ka nga naman oh. Sakin talaga tumapat. Uminom muna siya bago magsalita,

"Don't wear short shorts for 3 days," utos niya habang magkahawak pa rin ang kamay namin.

"At bakit naman kita susundin?" pang- aasar ko, kahit ang totoo, hindi naman talaga ako nagsusuot ng short shorts. Uh, puwera nung nagpunta kami sa bar niya.

"Kasi inutos ko."

"Ayoko." I stated while smiling.

"Bawal 'yan. Dapat susunod." sabay na sabi nung tatlo.

Si Xider lang yun hindi nakiki-cooperate. Glad to know na may kakampi ako dito.

Tuloy-tuloy lang sila sa pagko-complain dahil sa ayaw kong sumunod— lahat sila puwera kay Ice at Xider.

"As if nagsusuot ako ng shorts araw-araw." I whispered, "Fine." sabi ko nalang para tumahimik sila.

Inabutan ako ni Yanna ng shots at hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob para uminom ng apat. Sunud-sunod.

The DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon