Chapter 2

95.1K 1.5K 75
                                    

Jillian Fuentes

Pagmulat ko ng mga mata ko ay nanlalambot ang katawan ko at masakit ang ulo ko. Naalala ko natamaan ako ng bola. Andito na pala ako sa bahay at pagtingin ko sa bintana ay madilim na sa labas.

Paano kaya ako nakauwi dito sa bahay?

Naisip kong tawagan si Jean. Nag-ring ang phone niya at sinagot niya ito agad.

["Yes Jill?"] Ang ingay ng background niya .

"Hi, Jean paano ako nakauwi?"

["Tumawag ka lang ba para diyan? Akala ko naman namiss mo ako, baby."] saad niya sabay tawa ng malakas.

"Asa ka naman!" natawa lang ako.

"Busy kami rito sa party sayang wala ka, bukas na lang tayo mag-usap. Kasama ko si Jo at si Chloe ngayon."

Oo nga pala, nasa party ang mga ito.

Si Chloe ang fini-flirt ni Jean ngayon. Sexy kasi no'n, eh. Les din pala si Jean, si Jo wala pa kong nabalitaang nagkaGF siya or nagflirt siya sa girl. Straight siguro dahil hindi pa nahawa sa amin ni Jean.

"Okay, bye. Mag-enjoy kayo riyan." paalam ko at natulog na lang ulit ako.

Hindi na rin ako nakapunta. Una, hindi ko naman alam kung anong party yon, pangalawa, tinamaan kasi ako ng bola at nawalan ng malay.

Kinabukasan.

Pagbangon ko ay naligo na ako at nagbihis saka dumiretso sa kusina. Okay na rin ang pakiramdam ko.

"Hello namuu...." bati ko sa alaga kong Hamster. Grabe malaki na sya dati anliit lang neto. Ang cute niya parang ako lang. Natatawa tuloy ako sa sarili ko. Naisip ko nga dagdagan ito ng isa pa para may partner siya at hindi siya malungkot na mag-isa.

Pagkatapos kong batiin si namuu ay kumuha ako ng apple dito sa fridge
sabay takbo paakyat ng hagdan at pumasok ulit ako ng kwarto ko.

Ganito palagi, ako lang at ang mga kasambahay ang nakatira dito sa bahay. Both parents ko ay nasa ibang bansa. Puro sila trabaho. Siguro sa isang taon once ko lang sila makita ng personal.

Kinuha ko na lang ang susi ng kotse ko at papasok na ako sa school.

Naalala ko nga pala, na  bago ako matamaan ng bola ay may nakita akong magandang anghel na naglalakad sa gilid ng volleyball court, ang ganda niya. 'Sana makita ko ulit siya.'

Pagpasok ko sa first subject namin ay nandito na rin yong dalawa kong kaibigan.

Umupo na ako. Sa pagitan nilang dalawa ang pwesto ko. Halos nakaupo na lahat at magsisimula na ang klase.

Bakit kaya 'pag nandito ako sa classroom feeling ko nakahiga ako sa king bed. Dito masarap matulog, eh.

Pumasok na si Mr. Cruz ang teacher namin ngayon dito sa first subject. Kapag naglelecture siya yong bunbunan lang niya ang tinititigan ko, ang kinis kasi.

Biglang naputol ang pagiisip ko nong pumasok yong isang magandang chic!

Wait! Siya yong nakita ko sa gym habang nagpapractice kami! Akalain mong kaklase namin siya! Bigla akong nabuhayan ng dugo. Ngayon lang ako naexcite ng ganito.

Pinakilala na siya sa buong klase at Anne ang name nya. Wow titig na titig talaga ako sa kanya. Ang cute ng dimples nya. Siya na ang bago kong crush ngayon.

"Jill, laway mo tumutulo." bulong sa akin ni Jean.

Bigla tuloy akong nataranta at inilabas ang panyo ko mula sa bulsa sabay punas sa bibig ko. Napansin kong nagpipigil ng tawa tong si Jean.

"Gago! Loko ka talaga!"

Si Jo humahagikgik din sa tabi ko. Mga walangya, mukhang inaasar ako ng mga 'to.

Hindi na napigilan ni Jean ang tumawa ng napakalakas at nagtinginan lahat sa amin, ramdam kong pulang pula ako sa ginawa ng bruhang ito sakin.

Napatingin ako kay Anne pero bakit ganon? Ang sama ng tingin niya sa akin. Napatingin-tingin tuloy ako sa paligid ko baka hindi naman ako ang tinitingnan niya ng masama pero hindi ako nagkakamali, ang mga matatalim niyang tingin ay nakatuon sa akin.

__________________________________

ANNE DEL RIO

Lunch break.

Badtrip!

Sino ba sila para pagtawanan ako sa harap ng buong klase?!

Andito na ako sa canteen at hindi talaga ako makapaniwala sa ginawa nila sakin!

"Hey, are you okay? You look so upset." si Claire na may hawak na softdrinks at umupo siya sa harapan ko. Kaklase ko din pala siya sa ibang subject.

"I'm fine."pagsisinungaling ko.

"You sure? you can tell me what's bothering you sweetheart maybe I could help." sabi nya na nakangiti.

"Uhm do you know Jillian? yong varsity play---" hindi pa ako natatapos magsalita nong bigla siyang magsalita.

"Yep, why? May ginawa ba siyang karumaldumal sayo?"

Natawa ako sa sinabi nya at tumawa din siya.

"Siya ang pinaka-sikat na varsity player ngayon, hindi lang dito sa school even sa ibang Universities siya ang darling of the crowd. May mga interviews din siya sa mga ibang networks. Beauty and very talented, 'yon yong reason kung bakit siya sikat."

Ngumiti lang ako pero hindi ako naimpress sa totoo lang.

"You know what you're so beautiful, so don't be upset, okay?"

Tumango ako.

Tumayo na siya at may pupuntahan lang daw siya.

"Thanks Claire"

"No problem, see you around."

Wala akong ganang kumain kaya nagbasa na lang ako ng libro para sa next subject.

Hindi ako makapagconcentrate at naiirita talaga ako sa Jillian na yon! Ang yabang!

Unang araw ko sa klase sira agad ang mood ko. Darling of the crowd, pinakasikat na varsity player? Kahit siya pa ang pinakasikat na estudyante rito hindi ako humahanga sa mga sinasabi ng iba tungkol sa kanya, naiinis talaga ako sa kanya. Makikita nya!

Hay, hindi talaga ako maka-get over. Sino bang magiging masaya kapag pinagtawan ka sa harap ng maraming tao?

Ibinalik ko na lang ang tuon ko sa hawak kong libro. Pero kahit anong pagbabasa ko parang hindi pumapasok sa isip ko ang mga binabasa ko. Ngayon lang may gumulo sa isip ko nang ganito at naiinis talaga ako.

"Hi, Anne."

Narinig kong may tumawag sa pangalan ko kaya napatingala ako para malaman kung sino yong nag 'Hi' at automatikong tumaas ang isang kilay ko. Sa dinami-rami nang lalapit sa akin, siya pa talaga!

Walang iba kundi si Jillian! Yong kinaiinisan ko.

"Why?" ang sabi ko.

"Hi Anne, I'm Jillian."

"I know!"

"Really? kilala mo ako.?" Super ngiti siya.

Ano kaya yun? Masaya pa siya!

"Uhm about sa nangyari kanina, I'm sorry." ang sabi niya.

Nakatingin lang ako sa kanya at ngayon ko lang napansin na totoong maganda siya lalo na kapag nakangiti. Best asset nya yung eyes niya, and her smile, mapapansin mo rin na alaga ang kutis nya.

Ano ba ang pinagsasabi ko? Pinagtawanan nila ako! Mukha nya!

Tumayo ako at inirapan ko siya! Umalis na ako.

"Hey Anne!" tawag niya sakin pero hindi ko siya nilingon. Bahala nga siya! Wala akong panahon sa kagaya niya.

....

Forbidden Flower | JFuentes #1 (GXG) ✔Where stories live. Discover now