Prologue

77 24 2
                                    

"Makinig ka muna sakin!"

"Para ano? Para maloko mo ulit ako? May anak na tayo Rod! Saka mo pa na isipang...". bigla ko nalang narinig ang iyak ng mama ko. "Paano mo nagawang gawin samin to ng anak mo ha?". humina ang boses nya at mas lalong naging basag.

"Hindi ko naman kasi naisip na may mabubuo..dahil--". natigil ang iba pang sasabihin ng papa ko ng makarinig ako ng kalabog.

"Unang-una, hindi mo dapat ginawa yun! May asawa kana! Hindi pa ba kami sapat ng anak mo? Para humanap ka ng iba?". Gusto kong patahanin si mama dahil sa boses nya palang...alam ko na kung gaano kasakit ang nararamdaman nya.

"Hayaan mo munang magpaliwanag ako.."

"Wala ka nang dapat ipaliwanag..aalis kami ng anak ko...magsama kayo ng kabit mo!" nanginginig na sabi ni mama kasunod noon ang tunog ng pagbukas ng kabinet at zipper ng maleta.

"Lydia, sandali!"

Bumukas  ang pinto ng kwarto ko at dali-dali naman akong nagpanggap na natutulog. Hanggang sa naramdaman ko ang marahang pagyugyog ng balikat ko.

"Nak..gising muna..". malambing na bulong ni mama.

Tahimik lang akong bumangon at tiningnan sya.
Kasabay noon ang pagpasok ni papa sa kwarto. Hinawakan nya si mama sa balikat.

"Lydia, wag naman natin idamay ang bata dito, mag-usap muna tayo.". marahang sabi ni papa.

Hindi sya pinansin ni mama. Binuhat lamang ako nito dala ang isang malaking maleta at malaking duffle bag. Naglakad kami papuntang terminal ng bus.

Buong byahe ay tahimik lang si mama, minsan naman ay hinahaplos nya ang buhok ko sabay ngiti. Alam nya kasing madami akong tanong pero hindi lang ako nagsasalita.

Hindi nya lang man kami pinigilan.



Sampung taon na mula ng mangyari yun. 4 years old palang ako nun. Nagtaka pa ako kung bakit hindi pinigilan ni papa si mama nung lumayas kami.  Ang balita namin sa papa ko ay tuluyan na ngang pinatira sa bahay ang babae nya at may anak na ito na sampung taong gulang din. Nakatira kami ngayon sa bahay ng lolo't lola ko. Nung una ay nagalit sila kay mama, hindi daw kasi ito nakinig sa kanila. Kalaunan ay napatawad na din.

"Nak, yung baon mo nasa lamesa, kunin mo nalang.". dinig kong sabi ni mama mula sa labas ng kwarto ko.

Dalawang palapag ang bahay ng lolo ko. Sa baba ang sala, banyo at kusina sa taas naman ang apat na kwarto. Sinuot ko na ang puting blouse ko habang nag susuklay ng buhok.

Napatingin ako sa salamin at nakitang kamukhang-kamukha ko ang mama ko. Morena, may kaitimang buhok, maliit pero matangos na ilong. Tanging namana ko lang sa papa ko ay ang height saka ang mga mata nya.

Ilang beses na itong pinuna ng mga kaklase ko. Hindi naman sya matatawag na blue kasi medyo maputla. Parang pale blue, ganon. Nakakainis nga tuwing tinatanong nila ako tungkol sa tatay ko.

Nakakabwisit. Wala kasi akong masagot. Ilang bwan ding naging topic yung mga mata ko. Nung kindergarten palang ako, ipinakalat ng kaklase kong lalaki na mangkukulam daw ako. Nung grade one naman, nag ka sore eyes ako. Ayun. Naging aswang naman daw ako.

Hanggang sa nalaman nila na may mga lahi talaga ganoon ang kulay ng mata. Tsk.

"May galit ka ba sakin?". tanong ni Sheila. Isa sa mga officers namin. Tulala kasi ako  habang kumakain. Parang inaantok pa ako. 

"Sinasabi mo?". taas kilay kong tanong.

"Tinitingnan mo ako ng masama eh! Yabang mo!". sigaw nya kaya napatingin na samin yung iba naming classmates.

Maybe in timeWhere stories live. Discover now