Chapter Nine: That Guy

304K 4.9K 102
                                    

Chapter Nine: That Guy


<MURIEL'S POV>

NAMAMANHID ang buong katawan ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa anesthesia na itinurok sa akin o dahil hanggang ngayon ay may 'aftershock' pa ako sa nangyari kanina. Ginulat ako ni Riley sa inakto niya. Hindi ko akalain na magagawa niya akong saktan. Bagaman hindi niya iyon sinasadya, nadismaya pa rin ako sa pagiging marahas at agresibo niya dahil sa impluwensya ng alak. 

"Bilib ako sa tapang mo."

Noon lang ako nagtaas ng tingin sa lalaking gumagamot sa sugat ko. He was smiling at me from ear to ear. Awtomatikong kumunot ang noo ko dahil parang pamilyar sa akin ang ngiting iyon.

Dr. Mark Jerome M. Mendoza

Iyon ang nakasulat sa nameplate niya sa dibdib.

"Kung ibang babae ang nasa kalagayan mo, kanina pa siguro sila umiyak sa takot!" I saw amusement in his eyes, pero dedma lang ako. Wala ako sa mood na makipagbiruan sa kanya.

"Are you sure, hindi pipi itong kasama mo?" baling ng doktor kay Mila patungkol sa akin. Sa halip na sumagot ay iba ang sinabi ng dalaga.

"Sabi ko na nga ba! Ikaw 'yong mamang pogi na nagpabigay ng bulalak kay Ma'am Samantha noong isang araw!" eksaheradong bulaslas ni Mila, sabay turo sa doktor. "Tama ako, hindi ba?"

Lalong lumuwang ang pagkakangiti ng lalaki. "Mabuti naman at natatandaan mo pa ako pero itong kasama mo mukhang hindi na."

Nag-isang linya ang mga kilay ko na sinalubong ang tingin ng kaharap. Pilit na hinahagilap sa isip kung nagkita na ba kami dati.

"So, your name is Samantha. Did you like the flowers?"

"No!" I snapped. "At huwag ka na uling magpapadala ng mga bulaklak sa akin."

"Finally, I got to hear your angelic voice. Akala ko hindi ka na talaga magsasalita. If you don't like the flowers, I can send you--"

"Katulad ng sinabi ko, huwag mo na akong padadalhan ng kahit na ano."

"Bakit ba ang cold mo, Miss Pretty?"

Miss Pretty? Nag-flashgback sa isip ko ang lalaking nakaengkuwentro noong isang araw sa village. That guy na nagtapon ng Magnum ice cream ko! Lalo akong napasimangot pero sa ginawa ko ay lalo lang lumuwang ang pakakangiti niya.

"Miss Pretty, pati ba naman pagngiti ay ipagdadamot mo sa akin?"

"'Tapos ka na ba? Puwede na ba kaming umuwi?" Sinadya kong langkapan ng pagkainis ang boses para ipakita sa doktor na ito na hindi ko gustong makipag-usap sa kanya.

"It's almost done." Nilagyan na niya ng gasa ang sugat ko na two inches yata ang haba. "Here," sabay abot sa akin ng mga gamot na napilitan akong kunin. "Inumin mo ito three times a day..." Hindi ko na naintindihan ang mga sumunod niyang sinabi dahil sa sobrang antok.

"Ano raw?" pasimple kong bulong kay Mila.

"Bumalik daw po kayo sa kanya pagkaraan ng tatlong araw para malinis ang sugat n'yo."

Napasimangot ulit ako. Hangga't maaari ay ayoko na ulit makita ang doktor na iyon.

"Ma'am Samantha, puwede ba na ako na lang uli ang sasama sa inyo? Para naman makita ko uli si pogi," humahagikgik na sabi ni Mila.

"Tara na. Umuwi na tayo." Tumayo ako at nagpatiuna nang naglakad.

"Samantha!" tawag ng doktor na nagpalingon sa akin. "Take care of your wound," he said. At iyon na naman ang nakakainis niyang mga ngiti.

NAGISING ako sa marahang tapik ni Mila sa balikat ko. "Ma'am Samantha, gising na po. Nandito na po tayo." Nakaidlip pala ako sa kotse habang pauwi.
Lulugu-lugo ako na bumaba ng kotse. Mabuti na lamang at inalalayan ako ni Manong Bay. Antok na antok na ako at pati paghakbang ay kinatatamaran ko na.

Pagpasok ko ng bahay ay agad akong sinalubong ni Nana Tonya nang makita ko.

"Hija, kumusta ka na ang sugat mo?"

"Nana Tonya, bukas na lang po tayo mag-usap. Antok na antok na po talaga ako."

Hindi na siya nagpumilit at hinatid na lang ako hanggang sa kuwarto.

"Magpakahinga ka na. Kapag may kailangan ka, tumawag ka lang," bilin ni Nana Tonya bago ako tuluyang iwanan.

Napapagod na inilatag ko ang katawan sa kama. What a day! Ang daming nangyari ngayong araw na ito. And I felt exhauted.


<RILEY'S POV>

"RILEY, what have you done?"

Napalikwas ako sa sigaw na iyon ni Mama.

"Ma, naman! Ang aga-aga pa-- Aray!" Bigla kong nasapo ang ulo nang makaramdam ng pamimigat n'yon.

"Mabuti nga sa'yo! Iyan ang napala mo sa paglalasing kagabi!"

"Ma, puwede bang hinaan n'yo ang boses n'yo?"

"No, you listen to me. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa'yong bata ka. Pilit kong inunawa ang sitwasyon mo pero sumusobra ka na. You've already turned into a monster. Hindi ko mapapalagpas ang ginawa mo kay Samantha."

Napakamot ako ng ulo. "Wala naman akong ginawa sa kanya."

"Huwag mong sabihin na wala ka nang maalala sa pinaggagawa mo kagabi?"

I tried to recall what happened yesterday. But the last thing I remember was when I finished the whole bottle of Black Label. Wala naman talaga akong intensyon na magpakalasing pero dahil sa selos at pambabalewala sa akin ni Sam, hindi ko napigilan ang sarili ko. Pakiramdam ko kasi, kahit nand'yan siya sa tabi ko parang ang layu-layo n'ya pa rin. Hindi na rin siya nagbabanggit nang tungkol sa aming dalawa at mukhang hindi na rin siya interesado na magkabalikan kami ulit.

"Ma, mamaya na tayo mag-usap. Please let me get some sleep." Muli akong hinihila ng antok at namimigat na ang aking mga mata.

"Riley!"

"Ma, ano ba kasi ang problema?"

"Ano ang problema? Malaki! Dahil kapag nagdesisyon si Samantha na iwan ka uli, wala na akong magagawa para pigilan siya."

Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng malakas na pagkabog ng aking dibdib.


"PAPASUKIN mo na ako, Nana Tonya. Gusto ko lang siya makausap," pangungulit ko habang nasa tapat ng kuwarto ni Samantha.

"Kailangan ni Sam na magpahinga. Hayaan mo na muna siya."

"Sige na po. Hihingi lang ako ng sorry sa kanya." Kahit anong gawin kong pamimilit at pagkiusap ay hindi talaga ako pinagbigyan ni Nana Tonya. Bantay-sarado siya sa labas ng kuwarto at hindi niya sabihin, alam kong pati siya ay galit sa ginawa ko.

Lugu-lugo ako na bumalik ng sariling kuwarto nang bigla akong mapahinto sa narinig. Boses iyon ni Mila.

"Pag-akyat namin ni Nana Tonya sa kuwarto, sugatan na si Ma'am Samantha. Grabe ang dami niyang dugo sa kamay."

"Bakit? Ano'ng ginawa sa kanya ni Sir Riley?" Boses naman iyon ni Lenny.

"Hindi ko alam pero bago kami dumating ni Nana Tonya, narinig namin na nagtatalo silang dalawa. Tapos halos sumisigaw na si Ma'am Samantha. Parang sinaktan yata siya ni Sir Riley."

"Kawawa naman si Ma'am Samantha."

"Oo nga eh. Ang laki kaya ng sugat niya. Natakot nga ako dahil habang papunta kami sa ospital, walang tigil sa pagdurugo ng kamay niya."

Damn! Mas lalo akong nakonsensya sa narinig. Maisip ko lang ang ginawa kong pinsala kay Samantha, gusto kong sapakin ang sarili nang paulit-ulit. Mama was right. I've turned into monster. Dahil sa epekto ng alak ay nakagawa ako ng isang bagay na hindi ko akalain na magagawa ko lalo na sa kanya.

What if she left me again? No, I won't let her go. Sa pagkakataon na ito ay gagawin ko ang lahat para lang manatili siya sa tabi ko... kahit pa humingi ako ng tulong kay Mama!


<MURIEL'S POV>

TINANGHALI na ako ng gising. Parang ayaw ko pa nga bumangon kung hindi lang ako nakaramdam ng gutom.

Aray! Nakalimutan ko na may sugat pala ako sa kamay. Konting galaw ko lang ay nakakaramdam na ako ng matinding kirot. Gayunpaman, kailangan ko pa rin bumangon. Kaya ko tiisin ang sakit, huwag lang ang pagkalam ng sikmura.

Nagulat ako nang makita si Buddy sa paanan ng kama. "Ba't nandito ka? Paano ka nakapasok dito?" tanong ko sa aso na parang sasagutin ako. Lumapit sa akin si Buddy at ipinatong ang kanyang baba sa hita ko. Hindi ko napigilang mapangiti at hinimas siya sa ulo nang marinig ko ang boses ni Riley sa labas at nagpupumilit pumasok.

"Sshhh.." saway ko kay Buddy nang tumahol ito. "Baka marinig ka ng amo at lalong magpumilit pumasok dito." Huminto naman ito sa pagtahol habang patuloy sa pagkawag ang mahaba nitong buntot. "Good boy!"

Bilang reward ay muli kong hinimas sa ulo si Buddy. Mukhang nakahanap ako ng kakampi sa bright dog na ito.

Ang totoo ay hindi naman ako galit kay Riley. Hindi niya naman iyon magagawa sa akin kung hindi sa kanyang kalasingan. Pero aaminin ko na may konti akong inis na para bang gusto ko siyang batukan ng mga sampung beses bilang ganti. Sa ngayon ay ayoko muna siyang makita at makausap. Baka hindi ko makontrol ang temper ko at kung ano pa masabi at magawa ko sa kanya.

Shit! Biglang kumalam ang nagrereklamo kong tiyan. Paano ako makakalabas nito kung nariyan si Riley?

Mag-iisip pa lang ako ng paraan nang biglang tumunog ang cellphone ko sa ibabaw ng bedside table. Si Ma'am Lorie!

"Are you okay, Muriel?" bungad niya agad sa kabilang linya. "Masakit pa ba ang sugat mo? I'm so sorry. Ako na ang humihingi ng pasensya sa ginawa sa'yo ni Riley. Kung alam lang na magagawa niya ito sa'yo, hindi na sana kita pinilit na magpanggap bilang si Samantha."

"Okay lang po ako--"

"No, it's not okay! I will not tolerate his bad behavior this time. Don't worry, Muriel. I promise you, itatama ko na ang lahat."

Napasinghap ako sa narinig. Ibig bang sabihin, matatapos na ang pagpapanggap ko?

Oh, my... YES!

Invisible Girl  (Reprint under LIB) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon