Chapter Three: Hardheaded vs Hardheaded

365K 6.3K 426
                                    

Chapter Three: Hardheaded Vs. Hardheaded

<MURIEL'S POV>

SAPO ko ang aking ulo nang bumangon mula sa kama. Hindi ako gaanong nakatulog kagabi dahil hindi ako sanay matulog sa bahay ng iba. Dumagdag pa ang masungit na lalaking iyon na nagpapiga ng utak ko sa kaiisip ng paraan para lang makuha ang loob niya.

Napatingin ako sa orasan. Dapat nasa opisina na ako at payapa nang nagtatrabaho. Ang alam ng mga officemate ko ay naka-vacation leave ako ng isang buwan. Wala silang kaalam-alam sa ginagawa kong kababalaghan kasabwat ang boss namin.

Bigla kong naalala si Jena. Hanggang ngayon, hindi ko makalimutan ang naging reaksiyon ng kaibigan ko nang magdahilan akong uuwi sa Davao. Parang ayaw pa niyang maniwala. Pero wala akong balak na sabihin sa kanya ang tungkol sa pagpapanggap ko. Knowing her 'big mouth', baka siya pa ang magpahamak sa akin. Lalo na at kasama ko siya sa trabaho.

Nakaligo na ako nang lumabas ng kuwarto at dere-deretsong bumaba ng hagdan. Lumingon ako sa kaliwa, pagkatapos ay sa kanan. Saan ba rito ang papuntang kusina? Mukhang maliligaw pa yata ako.

I chose the left hallway instead. Pero bumungad sa akin ang malawak na hardin. Bumalik ako sa pinanggalingan ko.

Teka! Saang lupalop na ba ako naroon? Ang laki naman kasi ng bahay na ito.

I almost jumped in surprise nang may biglang kumalabit sa akin mula sa likuran. Si Nana Tonya lang pala.

"Ineng, saan ba ang punta mo?" nakangiting tanong niya.

"Hinahanap ko po 'yong kusina. Naliligaw na po yata ako."

Bahagyang tumawa si Nana Tonya. "Halika rito. Tamang-tama nakapaghanda na ako ng agahan." Hinila niya ako sa kamay.

Ang kusina na hinahanap ko ay nasa gilid lang pala ng hagdan. Bumungad sa akin ang mga pagkaing nakahain sa mesa. Bigla tuloy akong nakaramdam ng gutom.

"Nasaan po si Ma'am Lorie?" naisip kong itanong.

"Kagabi pa siya umalis. Meron yata siyang business trip sa... sa Hongkong ba 'yon?"

Nanlumo ako sa narinig. Paano niya nagawang iwanan ako sa masungit niyang unico hijo?

"Huwag kang mag-alala, nandito naman ako. Hindi kita pababayaan. Kung kinakailangang ibitin natin nang patiwarik si Riley para tumino, bakit hindi?"

"Seryoso kayo?"

"Pinapatawa lang kita, ineng. Para ka kasing maiiyak."

Bigla akong napangiti. Mukhang magkakasundo kami ni Nana Tonya. "Para po ba kay Riley 'yan?" Ang tinutukoy ko ay ang inihahanda niyang pagkain sa tray. "Ako na po ang magdadala nito sa kanya," pagboboluntaryo ko.

"Ikaw ang bahala. Basta siguraduhin mo lang na kakainin niya ito bago siya uminom ng gamot."

Sunud-sunod ang ang ginawa kong pagtango.

"Alam kong may-katigasan ang ulo ni Riley pero mabait naman ang batang iyon."

Mukha ngang mabait. Mabait siguro kapag tulog!

Invisible Girl  (Reprint under LIB) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon