Chapter Thirty Five: Finale

280K 5.6K 793
                                    

Chapter Thirty Five:  Finale

<Muriel POV>

Manila, Manila

I keep comin' back to Manila

Simply no place like Manila

Manila I'm coming home...

Feel na feel ko ang pagkanta habang naliligo. Hindi ko alam kung anong meron sa kantang iyon pero nakasanayan ko na kasing kantahin iyon tuwing umaga.

"Muriel! Bilisan mo! Nandito na ang sundo natin?" Halos magiba ang pintuan sa lakas ng pagkalampag ni Ichi.

"I'm coming! Malapit na akong matapos!" At nagmamadali na binanlawan ko ang sarili. 

Magdadalawang buwan na ako ngayon dito sa Manila. Syempre kung nasaan si Riley ay naroon din ako. Pero ang totoo siya ang nagpumilit sa akin na bumalik dito kasama siya. Noong una nagdadalawang isip pa ako. Ngunit nang maisip ko na magkakalayo kaming muli, hindi ko pala kaya. Isang araw ko lang siyang hindi makita ay nalulungkot na ako.

Pansamantala muna akong tumutuloy sa bahay ni Ichi. Sa kasamang palad, doon ako napadpad sa bahay niya dahil hindi ako makahanap ng malilipatang apartment. Si Riley ang nag-instist na doon na lamang ako mag-stay. At hindi ko alam kung paano niya nagawang kumbinsihin ang maldita kong kaibigan.

"Muriel anong petsa na!" Sigaw ni Ichi nang sumungaw ito sa kuwarto. "Kanina pa naghihintay ang sundo natin!" 

"Eto na nga po nagmamadali na!" Basta ko na lang sinuklay ang buhok ng kung papaano na lang. At muling sinulyapan ang kabuuan ko sa harap ng salamin. Napangiti ako nang ma-satisfy sa naging itsura ko . Mamaya na lang siguro ako maglalagay ng blush on pagdating sa office.

"Bilisan natin! Dali!" Halos kaladkarin ako ni Ichi pababa ng hagdan. Alam ko na naman na super excited siya na makita ang prince charming niya.

"Kapag ako nahulog, ipapasagasa talaga kita sa kotse niya!"

Hindi ako pinansin ni Ichi. Para siyang walang narinig.

Paglabas ko ng pintuan ay agad kong natanaw ang pamilyar na kulay itim na sports car na nakaparada sa tapat ng bahay. Humakbang ako palabas ng gate.

"Good morning ladies!" Bati nito sa baritonong tinig sabay tanggal ng suot nitong shades. Nakasandal siya sa gilid ng kotse niya habang naghihintay sa amin.

"Good morning Jared!" Kumukuti-kutitap ang mga mata ni Ichi na parang christmas light.

"Kanina ka pa ba?" Lumapit ako sa kanya.

Umiling siya. "Kararating ko lang." Pinagbuksan niya ako ng pintuan at sumakay ako. Ganon din ang ginawa niya kay Ichi. Ang bakla tuwang-tuwang. Girl ang girl ang feeling niya.

Invisible Girl  (Reprint under LIB) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon