Chapter Thirty Four: Together Again

299K 5.1K 406
                                    

Chapter Thirty Four: Together Again

<Muriel POV>

"Dinner is served."

Nakangiting bungad sa akin ni Riley paglabas ko ng kuwarto. Katulad ko ay nakaligo na rin siya at nakapagpalit ng damit. 

Nandito ako ngayon sa condo niya. Ang sabi niya sa akin ay wala na raw kaming madadaanan na hindi baha kaya doon na lang daw ako mag-overnight. Iyon din ang daw ang dahilan kung bakit nag-iba at naghanap siya ng ibang way. Pero duda ko na sinadya niya talaga na dalhin ako sa place niya.

Hindi kaya balak niya talagang kidnapin ako?

Mabilis kong pinilig ang ulo. Napa-paranoid lang siguro ako.

"Come Muriel! Kumain na tayo habang mainit pa ang pagkain." Masiglang yaya niya habang inaayos ang mga pagkain sa mesa. Nakakapagtaka ang pagbabago niya ng mood. Hindi na siya ang masungit na Riley na kasama ko kanina.

Nang malanghap ko ang mabangong amoy ng crab soup at porkchop ay bigla akong natakam. Nagtatalon sa tuwa ang mga alaga ko sa tiyan. Kanina pa ako nagugutom. At hindi na ako nagpakipot pa. Hinding-hindi akong tatanggi pagdating sa pagkain.  Food first before my personal matter. Ise-set aside ko muna ang inis ko para kay Riley.

Ngunit sa paghakbang ko ay natapakan ko ang nakasayad na lalaylayan ng suot kong padjama. Na-out of balance ako at natumba. Mabuti na lang at bumagsak ako sa malambot na carpet.

"Muriel!" Sa isang iglap ay nasa tabi ko na si Riley. Inalalayan niya ako sa pagtayo.

Pahamak kasi ang oversize na padjama niya. Dahil nga nabasa ang damit ko sa ulan kaya napilitan akong suotin ang pinahiram niyang mga damit. 

"Okay ka lang?" 

Ngunit sa paglingon ko sa kanya ay nakita ko ang pilyong ngiti sa kanyang mga labi. Binigyan ko siya ng matalim na tingin. Pero lalo lamang lumapad ang kanyang mga ngiti.

Oh shet! Bakit ba ang guwapu-guwapo pa rin niya?

Halos hindi ko na namalayan nang alalayan niya ako na makaupo sa sofa. Ngunit sa aking pagtataka ng bigla na lamang siyang sumalampak sa carpet. Iniangat niya ang paa ko para lang tupiin ang laylayan ng suot kong pajama.

"May masakit ba sayo?" Tumingala siya sa akin, still smiling. Mabilis akong nag-iwas ng tingin. Ayokong makita ang guwapo niyang mukha. Nagkakasala lamang ang mga mata ko.

"Kumain na nga lang tayo!" Hindi na ako nakatutol nang bigla na lang akong hilahin ni Riley sa kamay. Napasunod na lang ako sa kanya.

"Here!" Akma niya akong sasandukan ng kanin nang iniwas ko sa kanya ang plato ko.

"Ako na!" Sabi ko na hindi pa rin tumitingin sa kanya.

Narinig ko ang paghugot niya ng malalim na paghinga. At hindi na siya nagpumilit pa.

Invisible Girl  (Reprint under LIB) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon