Chapter Five: Unexpected Kiss

327K 5.8K 281
                                    

Chapter Five: Unexpected Kiss


<MURIEL'S POV>

VANILLA or chocolate? Kanina ko pa pinag-iisipan kung anong flavor ang bibilhin.

Muli kong tinignan ang dalawang Magnum ice cream na hawak ko sa magkabilang kamay. Vanilla na nga lang! Sabay bitaw sa chocolate flavor at dumeretso sa cashier.

Sa sobrang inis ko kanina, napalabas tuloy ako ng bahay at dinala ako ng mga paa ko sa 7-Eleven. Kailangan kong magpalamig kaya napag-trip-an kong kumain ng ice cream. Baka sakaling mawala ang init ng ulo ko. Bumili na rin ako ng sanitary napkin. Kaya pala ganoon na lamang ang topak ko, dumating na pala ang buwanang-dalaw ko nang hindi ko namamalayan.

"Bakla, ilibre mo ako ng Slurpee."

"Bruha, wala kaya akong pera."

"Eh, ba't nagyaya ka rito kung wala ka palang pera?"

"Sa'yo nga sanan ako magpapalibre, eh."

Teka! Pamilyar sa akin ang mga boses na iyon! Dahan-dahan akong lumingon at nakita ko sina Jena at Ichi. Paano sila napadpad dito?

"Walanghiya ka! Pinaglakad mo ako ng dalawang kanto para lang magpalibre sa akin!" Boses iyon ni Jena na ume-echo sa buong store.

"Girl naman, sige na! Kahit pautangin mo na lang ako. 'Ala na talaga akong anda," sabi naman ni Ichi na kasamahan ko rin sa trabaho. Bakit ba hindi ko naisip na ilang kanto lang ang layo nito sa opisina? Mabuti na lang at may hood ang suot kong cardigan at mabilis na itinakip iyon sa ulo ko. Hindi nila ako puwedeng makita!

"Ate, puwedeng pakibilisan?" sabi ko sa kahera. Nagmamadali na nga ako, nakikipagtsismisan pa siya sa kasamahan niya!

"Ang kuripot mo talaga. 'Buti pa si Muriel, hindi mahirap lapitan. Madamot!" lintanya ni Ichi.

"Kung si Muriel nauuto mo, ako hindi," sagot ni Jena.

"Speaking of Muriel, ano ang balita sa kanya?" si Ichi uli.

"Ewan ko ba sa babaeng 'yon. Kanina tinawagan ko pero binabaaan lang ako bruha. Sabi niya, tatawag siya pero hanggang ngayon, wala pa rin."

"Baka busy lang... busy sa lalaki! Ha-ha-ha... Hayaan mo na siya para naman magkaroon na siya ng lovelife at nang hindi na umiinit ang ulo niya."

Kungsabagay, tama rin naman si Ichi. Busy nga ako sa lalaki... sa lalaking anak ng boss namin na ubod ng sungit at demanding.

HABANG naglalakad pauwi, may matigas na bagay ang biglang humampas sa braso ko. Shit! Napayuko ako sa damit ko. Dumikit doon ang kinakain kong Magnum. Anak ng tokwa! Nakaputi pa naman akong t-shirt. Nag-init na naman ang ulo ko!

May isang lalaki ang patakbong lumapit sa akin. Nakasuot siya ng asul na jersey sando at short at naliligo sa pawis. "Sorry, Miss, hindi ko sinasadya," nakangiti niyang sabi sa akin.

Kung nakamamatay lang ang tinging ipinukol ko sa kanya, malamang ay natumba na siya.

"Miss, sorry talaga!" Sa halip ay lalo pang lumapad ang pagkakangiti niya na parang pang-commercial ng toothpaste.

Lalo akong sumimangot. Akala yata niya madadaan niya ako sa pangiti-ngiti!

Lumipad ang tingin ko sa bola ng basketball na tumama sa akin kanina. Bago pa iyon madampot lalaki ay sinipa ko na palayo. Napalakas yata ang pagkakasipa ko kaya tumilapon ang bola sa kabilang kalsada.

I smirked but he smiled instead. Nakakaloko na ang lalaking ito! Narinig kong naghiyawan ang mga kasamahan niyang naglalaro sa basketball court.

"Oh, come on! Get the ball! Mamaya ka na magpa-cute!" sigaw ng isa sa mga kasamahan niyang lalaki. Pero parang wala siyang narinig.

Invisible Girl  (Reprint under LIB) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon