Chapter Six: Stick to the Plan

328K 5.5K 256
                                    

Chapter Six: Stick To The Plan


<MURIEL'S POV>

NABANGGIT sa akin ni Nana Tonya ang pagdating ni Ma'am Lorie nang hapong iyon. Pero sa halip na harapin siya, hindi ako lumabas ng kuwarto ko at nagtulug-tulugan. Siguradong hihingan niya ako ng development at wala akong maisasagot na ikatutuwa niya. Alangan namang sabihin kong lagi na lang kaming nagtatalo ng masungit niyang anak!

Ang speaking of the devil, hanggang ngayon ay hindi ako maka-get over sa 'kissing scene' namin kanina. Nakakainis. Kahit takpan ko ng unan ang mukha, hindi pa rin iyon mawala sa isip ko. Hindi iyon ang first kiss ko pero hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lang ang impact n'yon sa akin.

Narinig ko ang mahinang pagkatok sa pintuan kasunod ang pagbukas n'yon at mula roon ay pumasok si Ma'am Lorie. Napilitan tuloy akong bumangon.

"Naistorbo ba kita?" Agad niyang tanong.

"Hindi naman po."

Humakbang siya palapit sa akin at umupo sa gilid ng kama. Ilang sandali niya akong pinagmasdan bago ngumiti... ngiti na nauwi sa mahinang pagtawa. Wala sa loob na niyuko ang sarili. Baka kasi mayroon siyang nakitang nakakatawa sa itsura ko.

"Sorry. Bigla lang akong may naalala," umangat ang kamay ni Ma'am Lorie at maingat na hinawi ang ilang hibla ng buhok ko na tumabing sa aking mukha. "You remind me of myself when I was young. A typical girl who was not aware how beautiful she was."

Napakurap lang ako sa mga narinig. I was not expecting this side of Ma'am Lorie.

"Anyway, nabanggit sa akin ni Nana Tonya na hindi ka raw naghapunan."

"Sumakit po kasi ang ulo ko kaya itinulog ko na lang," nakayukong sagot ko at hindi ko magawang tumingin sa kanya.

"Si Riley ba ang dahilan?"

Hindi ako sumagot.

"Pagpasensiyahan mo na ang anak ko. I know that you are having a hard time dealing with him. Wala man ako dito, araw-araw naman akong ina-update ni Nana Tonya sa mga nangyayari. Pero, Muriel, ikaw lang kasi ang maasahan ko pagdating sa kanya. And you know what, bilib ako sa tapang mo. You're not afraid of him kahit pa sinusungitan ka ni Riley parati."

"Hindi lang po masungit ang anak n'yo, matigas din ulo, sobra!"

Muling tumawa si Ma'am Lorie. "But you're the only person who can handle him. Kahit ako ay hindi ko kayang i-tolerate ang attitute niya."

"Ma'am..."

"Call me, Tita," agap niya sa sasabihin ko habang masuyong nakatitig sa akin. "I want you to call me Tita Lorie."

Nag-aalangan man ay sinunod ko na lang siya. "'Eh, Tita, ang kasungitan niya, hindi nauubos, pero ang pasensiya ko, konting-konti na lang."

Ang lakas ng tawa ni Ma'am Lorie. Akala siguro niya ay nagbibiro ako.

"Seryoso po ako. I have a bad temper. I don't think I can make it through. Alam kong hindi n'yo ikatutuwa kung palagi na lamang kaming nagbabangayan ni Riley. Baka imbes na makatulong ako ay mas lalo pang lumala ang sitwasyon."

Biglang sumeryoso si Ma'am Lorie at hinawakan ang mga kamay ko. "I'm so sorry for dragging you in this mess. I know that I shouldn't forcing you... Kung nakumbinsi ko lang sana siya, things would be much easier."

"Ano pong ibig ninyong sabihin?" curious kong tanong.

"I met Samantha in Hongkong."

Napatuwid ako ng upo nang marinig ang pangalan ng ex-girlfriend ni Riley. Kahit paano ay nagbigay iyon ng pag-asa sa akin.

Invisible Girl  (Reprint under LIB) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon